An Isolated Man
Part 013Her side.
Hindi ko malilimutan ang nangyari kagabi.
I sighed at bumangon na. Nakakapagod din 'yon. But we both enjoyed it.
I found myself alone on bed. May traces pa ng wet fluid sa kama, pati sa sahig. How amazing was Jameson last night.
Napangiti ako. Ang dami ng nagyari sa 'min. Parang ambilis naman 'ata ng panahon.
Mukhang lumabas si Jameson. Nakita ko ang T-shirt niya sa sahig kaya pinulot ko 'yon at sinuot ko. Ang laki no'n kumpara sa 'kin.
I smell the scent of Jameson. I smell it everywhere.
Lumabas ako sa kuwarto, para hanapin si Jameson.
Hanggang ngayon wala pa 'yong mommy at daddy ni Jameson. Pati 'yong iba pang mga housekeepers nila Jameson, wala rin. Mga isang linggo daw sila bago dumating.
"Hon,"
Napatingin ako sa may likod ko. Nakita ko si Jameson na nakasuot ng apron at may hawak ng sandok. Mukhang nagluluto siya.
Nginitian ko siya at tsaka nilapitan at niyakap. Hinalikan niya ako sa noo.
"Bakit ka bumangon? Balak sana kitang bigyan ng breakfast in bed." bumulong siya sa teinga ko.
Nakakakiliti ang hininga niya na humaplos sa balat ko. Ang husky rin ng boses niya.
"Dapat sinabi mo kagabi," tumingin ako sa kanya. "Eh hindi mo nga pala nasabi kasi. . ."
Nakita ko siya kung pa'no mamula. Napaiwas siya ng tingin.
Gusto kong humagalpak ng tawa. Ang awkward ng reaction niya.
"Uhm, by the way, matatapos na 'yong niluluto ko." hinawakan niya ang kamay ko at ginabayan ako papunta sa kusina.
Amoy pa lang ng niluluto ni Jameson, alam mo na agad na masarap ang niluluto niya.
"Charan! Omelet with fried rice, for you, Eliza," nakangiti niyang sinabi.
Napangiti ako. Ang sarap maging asawa ni Jameson. Walang dahilan para hindi ka mapangiti.
Agad kong kinain ang niluto ni Jameson. Napapikit ako sa natikman ko. Kahit simple lang 'yong niluto ni Jameson, nanunuot pa rin 'yong linamnam sa dila ko. Para bang ayaw nang tumigil ng dila ko sa paglasap ng kinakain ko.
"How was it? Is it delicious?" narinig kong tanong niya.
Dahan-dahan ong minulat ang mga mata ko.
"Grabe, Jameson, bakit hindi mo sinabing magaling ka palang magluto?" pagpupuri ko sa kanya.
"Namana ko 'yan sa mommy ko. She was a cook before. Nagluluto na siya sa mga hotels and restaurant. Sa pagluluto nga niya nakilala si dad." sabi niya.
Naubos ko agad ang almusal ko. Walang tira.
"Uhm, Eliza, bored ka ba rito?" tanong niyang bigla.
"Hindi naman, bakit?"
"Gusto ko sanang mag-mall tayo. Para na rin mabilhan kita ng bagong damit."
Pumayag ako.
No'ng hapon na, nagbihis na kami at umalis. Andito pala si Kuya Lance at siya ang nag-drive para sa 'min. Pupunta kami sa Robinson's para bumili.
Marami kaming nabili. Nakakahiya nga kasi, andami naming nabiling damit. Pinilian ko rin siya ng damit.
Habang pauwi, sumandal ako sa balikat ni Jameson na katabi ko lang.
"Salamat," pagpapasalamat ko kay Jameson.
Ginilid niya rin ang ulo niya sa 'kin.
"Para naman 'to sa 'yo eh," sabi niya. "Ikaw na asawa ko na."
Nakita ko sa rear view mirror na ngumiti si Kuya Lance.
"Hahaha, si Kuya Lance oh, ngumingiti," sabi ko.
"Wala Ma'am, kinikilig lang po ako." sagot niya sabay tingin sa 'min gamit ang rear view mirror.
Nakauwi kami agad.
"Bagay pala sa 'yo, eh," pagpuri ko sa damit na pinili ko para kay Jameson. Mas lalong tumingkad ang kagwapuhan at kakisigan niya dahil a V-Neck na shirt na kulay dark blue.
"Salamat," punong ng sinderidad na sinabi niya sa akin. Hinubad agad 'yon ni Jameson, tumambad sa 'kin ang top less niyang katawan. "Lalabhan ko 'to agad, Eliza, para bukas masuot ko agad, salamat talaga."
"Ako dapat magpasalamat sa 'yo," sambit ko. "Ang dami mo kayang binili para sa akin."
"No, 'wag mo kong pasalamatan." lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Bumaon ang mukha ko sa dibdib niya. Nalanghp ko na naman ang kakaibang bango ng katawan niya. "Your my wife now, I want to make you happy everyday,"
Napangiti ako. "Naku, ngayon pa lang, hindi pa tayo mag-asawa, ang dami mo ng ginagawa para sa 'kin,"
"Just wait until we get married," kumalas siya sa pagkakayakap. Yumuko siya at dinikit ang noo sa noo ko. "I will make you happier. . ." hinalikan niya ako nang madiin.
Niyaya niya akong mag-dinner. Nilutuan niya uli ako ng hapunan. Simpleng beef steak lang ang niluto niya, pero nanunuot pa rin ang linamnam sa dila ko. Kahit kumain pa ako nito ng ilang kilo, hinding-hindi ako magsasawa.
"You know, Eliza,"
Napatingin ako sa kaniya. Nasa sofa kami at nanonood ng TV. Kakakain lang din namin.
Naka-top less pa rin siya. Nakasandal ako sa balikat niya, ramdam ko rin ang biceps niya sa leeg ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya.
"Ano 'yon, Jameson?" tumingala ako sa kaniya. Nakita kong nakatitig siyang maiigi sa akin. Para bang gandang-ganda siya sa nakikita niya.
Hinaplos niya nang marahan ang buhok ko. Pinakalma ako ng ginawa niya. Para bang gustong-gusto kong gawin niya 'yon sa 'kin.
"Hindi pa rin ako makapaniwalang, andito ka sa tabi ko ngayon." paninimula niya. "You know I feel that I'm dreaming since you came right here."
Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Naramdaman mo 'yong halik ko?" tanong ko sa kaniya. Agad siya tumango at ngumiti. "Patunay 'yan na totoo 'to. At hindi ka lang basta-bastang nananaginip." nginitian ko siya.
Niyakap na niya ako ng dalawang kamay. Diniinan niya ang yakap niya. Sinusubsob niya ang pisngi niya sa may tenga ko.
"Thank you," sabi niya. "Thanks for making my dreams come true. Akala ko no'ng una hindi ko na 'yon matutupad kasi, malapit na akong—"
"Shh," hindi ko na tinuloy ang sasabihin niya. "'Wag mong isipin 'yan ngayon. Ang importante," tinignan ko siya. "Magkasama tayo ngayon."
Ngumiti na naman siya. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi. Tinaas niya ang mukha ko palapit sa mukha niya. Madiin na naglapat ang aming mga labi. Naramdaman kong pinasok niya ang dila niya sa loob ng bunganga ko. Para bang hinahanap niya ang dila ko.
Hiniga na niya ako sa sofa, habang nakayakap sa 'kin. Patuloy lang siya sa paghalik sa 'kin, para bang wala ng bukas.
Tumigil siya sa paghalik.
"I love you," sabi niya. Dinikit niya ang ilong niya sa 'kin.
"I love you too," sabi ko. Ngumiti siya, at nagpatuloy sa ginagawa niya kanina.
I just closed my eyes.
YOU ARE READING
An Isolated Man
RandomMasakit mang isiping may katapusan ang lahat ng bagay sa mundo. Lahat ng kausap mo, kaibigan mo, kamag-anak mo o kahit kasintahan mo, pwedeng magpaalam anumang oras. Pero gano'n talaga eh. Darating ang kamatayan ng isang tao. Whether you like it or...