Learn Italian in Tagalog

2.9K 32 9
                                    

Learn Italian in Tagalog.

Very Fluent po si Author magsalita ng Italian, kaya I can assure you na walang mistakes ang mga isusulat ko.

Happy Learning!

LESSON 1

Ang unang ituturo ko ay yung mga basics words at Phrases.

Walang magiging problema sa pagbasa dahil sa Italian, kung anong sulat siya ang basa (maliban sa GN at GL kung saan hindi binabasa ang letter G)

Greetings:

TAGALOG - ITALIAN

Hello - Ciao

Magandang umaga - Buongiorno

Magandang tanghali - Buon pomeriggio (hindi siya masyadong ginagamit)

Magandang hapon - Buonasera

Magandang gabi - Buonanotte (ginagamit lang pag tutulog na)

Paalam - Ciao (informal); Arrivederci/Arrivederla (formal)

Kumusta? - Come stai?

Mabuti - Bene

1) Personal Pronoun - Pronomi personali

Ako - Io

Ikaw - Tu

Siya (lalaki) - Lui (ayan ang laging gamit ng mga italyano sa normal na combersasyon, pero kapag nagsusulat sila ginagamit nila din yung formal forms: ello, esso, codesto)

Siya (babae) - Lei (formal forms: essa, ella at codesta)

Kami/Tayo - Noi

Kayo - Voi

Sila - Loro [formal forms: essi, esse(pag babae)]

Attention: Ang "Lei" ay pwede rin gamitin as "Ikaw" pag nakakataas sa iyo ang kinakausap mo, lalaki man o babae.

Attention 2: Hindi medyo ginagamit ng mga italyano ang mga Personal Pronouns dahil ang mga verbs nila ay kinoconjugate, so understood na nila kung sino ang pinaguusapan nila. For example: Io sono Juan. (I am Juan) pwedeng tanggalin ang personal pronoun na Io (ako) at gawin na: Sono Juan pero ayun pa rin ang meaning nito.

2) VERBS

Ang italian verbs ay pwedeng idivide sa 3 grupo.

Ang unang grupo ay yung mga natatapos sa -ARE.
Example: ANDARE (to go), MANGIARE (to eat), CANTARE (to sing)

Ang pangalawa naman ay natatapos sa -ERE.
Example: BERE (to drink), SAPERE (to know), AVERE (to have), ESSERE (to be)

At ang last but not the least ay ang third group na natatapos sa -IRE
Examples: DORMIRE (to sleep), MORIRE (to die), SALIRE (to go up)

Ang italian verbs ay kinoCONJUGATE. At kung tayo ay merong Present, Past and Future Tense, ang italian ay merong isang Present Tense, limang Past Tense at dalawang Future Tense.

Hindi ko muna kayo papahirapan pag-aralan kung paano iconjugate ang mga verbs na yan, pero bibigyan ko muna kayo ng isang sample.

PRESENT TENSE OF THE VERB MANGIARE (TO EAT)

Io mangio - I eat

Tu mangi - You eat

Lei/Lui mangia - She/He eats

Noi mangiamo - We eat

Voi mangiate - You eat

Loro mangiano - They eat

Phrase: Io mangio una mela. / Mangio una mela.

Tagalog: Kumakain ako ng mansanas.

3) ADJECTIVES

Ang mga Adjectives, tulad ng mga noun, sa italyano ay nag-iiba ang huling letra dipende kung babae o lalaki ang sinasabihan nito.

Pag lalaki -O ang huling letra. For example: BELLO (gwapo), BRAVO (magaling)

Pag babae -A ang huling letra. For example: BELLA (maganda) BRAVA (magaling)

Hindi lang tao ang may female at male form sa italyano, pati ang mga kagamitan.

For example ang noun na ARMADIO (armadyo) ay nasa male form, kaya ang adjective niya dapat nasa male form din.

Phrase: L'armadio è bello.
Translation: Ang armadyo ay maganda.

Armadio (noun) --> Male form
Bello (adjective) --> Male form

Phrase: La vita è bella.
Translation: Ang buhay ay maganda.

Vita (noun) --> Female form
Bella (adjective) --> Female form

Pag plural naman, ang nasa huling letra ay -I (male form) at -E (female form)

Examples:
BELLI (mga gwapo)
BELLE (magaganda)

4) THE / A, AN

Kung sa English may THE sa italian ay may:

IL (male form singular)
Example: il Papa (The Pope)

LO (male form singular, ginagamit siya sa pag ang mga noun ay nagsisimula sa X, Y at Z)
Example: Lo yogurt (The yogurt)

LA (female form singular)
Example: La madre (The mother)

Attention: kapag ang noun na nasa singular form ay nagsisimula sa vowel ay L' ang ginagamit.
Example: L'albero (The tree)

I (male form plural, in front of the consonants)
Example: I maestri (The teachers)

GLI (male form plural, in front of the vowels)
Example: Gli elefanti (The elephants)

LE (female form plural)
Example: Le maestre (The female teachers)

At kung sa English may A at AN, sa italian ay may:

UN (male form)
Example: Un cane (a dog)

UNO (male form in front of X, Y and Z)
Example: Uno yogurt (a yogurt)

UNA (female form)
Example: Una madre (a mother)

Attention: Sa female form kapag ang noun ay nagsisimula sa vowel, UN' ang ginagamit.
Example: Un'ala (A wing)

Medyo pagod na akong magsulat!

Until next time ;)

PS Kung gusto niyo ng ibang examples, mag-comment nalang kayo.

Naiexplain ko na, labyu!

Learn Italian in TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon