Hindi na mapigilan ang pagbabago ng mundo;
Dahil na rin sa kagagawan ng mga tao;
Ang kalikasan ay nasisira't naaabuso;
Pati mga hayopna namumuhay rito.Kaya ngayon kalikasa'y nambubulabog;
Na tila'y taong may sakit na wala ng gamot;
At bagyo na tila may galit sa mundo,
Na kayang lumamon ng libo-libong katao.Ngayon ang mga tao'y humaharap sa kahirapan;
Ultimo'y isang butil ng bigas pinapahalagahan;
Dahil d lahat ng tao'y nakakaranas ng kaginhawaan;
Na ang karamiha'y umaasa na lamang sa basurahan.Kaya dapat tao'y magsikap magtulungan;
Paunlarin ang bayan na ating tirahan;
Mundo'y ating pahalagahan at alagaan;
Ng d magalit ang ating inang kalikasan.