Old Self

404 21 1
                                    

Unknown :"Talkshit ka!"

Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha dahil sa frustration na nararamdaman ko. Nakakainis.

Kanina pa nagti-tetxt itong unknown number sa cellphone ko. Naiinis na ako dahil pangatlong palit ko na ito ng simcard. N'ung una hinahayaan ko na lang kasi akala ko titigilan niya ako pero hindi! Lagi pa rin nitong pinepeste ang araw ko.

"Bullshit ka! Sino ka ba. Wala ka na bang magawa sa buhay?" reply ko sa text niya.

Wala pang ilang segundo, nagreply siya.

Siya: Putragis!

Ibinato ko ang cellphone sa kama. Sinisira niya ang mood ko. Hindi na ako nagmumura pero kung ganitong tao lang din naman ang pagsasabihan ko, okay lang. Bwisit! Hindi ko na kinuha ang phone sa school, masisira lang yung araw ko.

"Hi."

Napalingon ako kay Dumat, ang nagsabi n'un, kaya lang napahiya yata ako dahil ang tinitingnan niya ay ang aking katabi.

Kaklase ko sa Cost Accounting noong 3rd year college si Dumat. Siya 'yung feeling gwapo pero gwapo talaga, 'yung feeling matalino, pero matalino talaga, 'yung kapag tinitingnan mong naglalaro ng table tennis, mapapa-WOW ka at 'yung president lister na hindi nag-e-effort kasi kung nag-effort pa, baka magiging 'world lister' na if there's such a thing.

He's a friend.

Ngumiti naman sa kanya si Crisanta. 'Yung binati niya ng 'hi'. Ang santi-santita sa batch ng accountancy. Feeling rich pero mahirap naman. Feeling maganda pero pinimples. Feeling sexy pero binilbil. Feeling dancer pero lagi namang natutumba. Feeling singer pero lagi namang sintunado. Ah basta siya 'yung pinaka-assuming at pinaka-insecure sa lahat ng nakilala ko.

Hanggang sa napatingin ako sa taong umiinom ng softdrinks, si Tarc, ang taong pinakasikat sa school. Isa rin siya sa dahilan kung bakit hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa school, lumalaban.

Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko na lang din. Nagbago lang 'yun n'ung makita ko ang isa sa kanyang ex na buntot pa rin ng buntot sa kanya. Bwisit! Sarap sabunutan. Nakita ko naman ang pagngisi ni Tarc. The hell with him! Pero wala eh, wala akong dapat i-reklamo kasi tinagurian akong "MABAIT"! Damn being kind.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad dahil wala akong panahon sa mga PDA sa paligid. Nakaka-usok ng ilong.

Pumunta ako sa Student Government Office para ibigay ang files ng activities this June.

"Ms. Ting, natapos mo?"

'Yeah, I'm done, now pwede na ba akong umalis?' pero syempre,sa isip ko lang 'yan.

"Opo," kunwari nahihiya kong sagot.

"Salamat talaga iha, sobra ka talagang maaasahan. Ikaw na yata ang pinakamabait na taong nakilala ko."

Ang sarap sabihing hindi ako mabait pero kailangan ko talagang magkunwaring mabuting tao. If not, my father would send me in hell. Yeah hell dahil sa bahay lang naman ng stepmother ko kuno na mas maldita pa kesa sa akin. Alam kong inaabuso na ako ng eskwelahang ito pero mas gusto ko na kaysa mapunta sa bahay ng mas demonyo pa sa akin.

"Sige  may go."

"Salamat Ms. Bukal," sabi ko saka pumunta sa canteen para kumain.

Naglalakad ako sa hallway kaya nakikita ko ang mga matang humahanga sa akin. Akala nila anghel ako. Akala nila ako na ang pinakamabuting tao na nakilala nila, but hell I'm burning inside. Halos mag-aapat na taon na ako sa college. Ang hirap magtiis.Gustong-gusto nang kumawala ng demonyo sa pagkatao ko.

COMPILATION OF SHORT STORIES AND FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon