Brain Clutter

3.5K 62 8
                                    

Nash's POV

9:30 Pm na ko nakauwi.

Nag ice cream pa kami ni Shar. Pinag-tripan daw sya nung isang glee club member. Gusto ko ngang matawa sa kwento niya pero syempre nag galit galitan ako dun sa Francis na kinu-kwento niya.

"Anak, kumain ka na ba?" tanong ni mommy nang makita niya ko.

"Opo mommy! Kumain kami sa labas ni Sharlene." Yun na lang ang naisagot ko dahil pagod na talaga ko. Marami pa kong kailangang reviewhin.

"Oo nga pala anak, meron tayong bagong kasambahay! Teka tatawagin ko... Melai...."

Isang babae naman ang lumapit samin ni mommy.

"Yes ma'am."

"Melai, eto nga pala ang panganay ko si Nash. Nash, si ate Melai mo, sya ang mag-aasikaso especially pag nagsimula na kong magtrabaho sa company nila Myleen."

Nabo-bored na daw kasi si mommy kaya gusto na niyang magwork.

"Hi ate Melai!" bati ko sa kaniya.

"Ay ma'am ang gwapo gwapo naman pala ng anak nyo!" kinikilig na sabi ni ate Melai.

Nakakatawa siya. I think it is good na meron kaming palabirong kasama dito sa bahay.

Naupo lang ako sa sofa at nireview yung mga notes ko!

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko sa sofa.

Habang natutulog si Nash niligpit ni ate Melai yung mga gamit niya at hindi na nya ito ginising. Maya maya pa ay nagsalita ito habang tulog.

"Alexaaa..." sabi ni Nash.

"Ay ka-sweet pala na bata nito! Hanggang sa pagtulog eh napapaginipan pa niya ang girlfriend niya." Sabi na lang ni ate Melai na kilig na kilig pa.




Sharlene's POV

Hindi ako sinundo ni Nash ngayon dahil coding sya at hapon pa class niya. Hassle tuloy nag commute lang ako.

Pagdating ko ng LUV U, na-bad vibes na naman ako ng makita ko yung kapiranggot na lalaking nantrip sakin! At ang masama pa nito, Pol Sci din ang course at alam nyo ba kung ano yung mas masama?

CLASSMATE KO SIYA SA 5 SUBJECTS.

He is the type of guy na ungentleman tsaka mayabang! Makapal ang mukha! Nakakainis! AT HINDI SYA CUTE!

Pero yung mga classmates naman namin pa-cute ng pa-cute, hindi naman niya pinapansin. Masungit nga kasi siya. Laging nakasimangot!

Kami nga ang laging pinagtatapat ng mga prof namin eh. Kinabisado ko ang 1987 Constitution of the Republic of the Philippines.

Aaminin ko magaling sya when it comes to rationalization and arrogance kaya minsan kapag may mock court hearing kami napapa bilib din ako nitong unggoy na to if he is playing the role of a lawyer.

Syempre hindi ko naman pinapahalata na bilib ako sa kaniya at kinokompetensya ko nga sya lalo eh. Gusto ko ako ang mas magaling saming dalawa.

Minsan wala akong choice at nagka-tabi kaming dalawa sa upuan sa isang class.

"My gosh! Pag minamalas ka nga naman oh!" parinig ko naman sa kaniya.

"Hi Ms. Clarity!" sabi niya sakin tapos biglang tumawa ng malakas. Bwisit!

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon