"Break na kayo?"
"Oo."
"So, anong plano mo?"
Tumingin ako sa kanya ng nagtataka, "Ano namang plano ko?"
"I mean sabi mo mamatay ka ng wala sya 'di ba? Ba't kausap pa kita?"
Hindi ko alam kung sarcastic 'tong babaeng 'to o nanloloko lang. Tangna ang sakit kaya. Kayo kaya i-break ng boyfriend nyo kahit nahuli mo na sya? Nahuli mo syang halos hubo't hubad na kasama ng babae nya? Pakyu sila.
Pinunasan ko 'yung luha ko. "Kaibigan ba talaga kita?" sarcastic kong tanong.
Umirap lang sya at nag-flip hair.
"Punta tayong mcdo, magmove on ka tapos libre mo 'ko," suggestion nya.
Nakaka-tang*na lang kapag 'di marunong mag-comfort 'yung bestfriend mo. Hays.
"Mahal na mahal ko sya Kelly, pero bakit ganun? Virginity ko ba talaga 'yung gusto nya para 'di nya 'ko hiwalayan? Pero...sobra na yata 'yun 'di ba?!" umiiyak kong sabi sa kanya.
Pero nag-make faces lang sya sakin. Hype naman!
"Bahala ka dyan. Una pa lang, sinabi ko na na fcboi 'yang Gerald na 'yan. Pero ano? Nakinig ka ba? May pa- "I trust him" ka pang nalalaman. Kaya 'yan! Magtino ka. Puro ka lovelife!" pairap nyang sabi.
Lalo lang yata 'ko napaiyak sa sweet words nya grabe nilalanggam ako shet. Ang sweet nya to the max.
"Salamat ha?" iiyak-iyak kong sabi sabay irap sa kanya.
"Ay dapat lang! Atleast nga pinakikinggan ko 'yang drama mo!"
Masasanay na lang ako sa sweet words nya lagi. Nakaka-touch ng heart.
Nagtuloy-tuloy na lang ako sa pagsusulat. Gumagawa kami ngayon sa loob ng room ng reflection papers. Then earlier, nung vacant ko, hinanap ko si Gerald. Then poof! I saw him.
Napaka-husay ng buhay ko.
Halos mago-one year na kami. Anniversary sana namin next week. Pero this happened.
Matagal nya na pala akog niloloko.
Pero alam nyo 'yung masakit?
Nun nakita ko sya, ni hindi ko man lang sya nasampal o sinaktan. Kundi, umiyak lang ako sa harapan nya...at nagmakaawa.
I was awful.
*Flashback
"G-Gerald?" nanghihina kong sabi at napatigil sila sa paghahalikan nila. Topless na si ate girl, sira na 'yung butones ng shorts nyang mas maikli pa sa balahibo ng pusa (dejoke) Then bukas na 'yung polo ni Gerald.
"Who is she?" parang iritang sabi ng babae dahil nabitin yata sya.
"Nothing hon, I don't know her." sabi nito dun kay ate girl.
Halos 'di ko na makita 'yung paligid dahil punong-puno na ng luha 'yung mata ko at pisngi.
I watched him kissed the girl and making out.
"G-Gerald...Gerald mahal kita!" humahagulgol kong sabi.
Martyr na kung martyr. Wala akong pakielam.Napatigil silang muli. Para bang inis na inis na silang nandito ako at nanonood sa kanila.
Nagpaalam si Gerald sa babae na parang kakausapin lang ako saglit.
"Hey, look, Gail. We're done. Isn't it obvious?" inis nyang sabi.