Normal naman kasi yung buhay ko noon. Hanggang natuto akong magmahal. At doon na nagsimulang mag ka letche-letche yung buhay ko.
Ako si Ericka. 16 years old.
Masaya sa piling ng pamilya at mga kaibigan. 'Ni hindi nga sumagi sa isip ko na magpapakatanga ako sa pag-ibig at magiging miserable tulad ngayon.
Siya si Anthony. Chick boy. Bad boy.
Isang lalaking hinding-hindi karapat dapat na mahalin. Para kasi sa kanya, laruan ang mga babae. Kung ayaw niya na, pwede ka pa namang humanap ng bago at mas maganda.
Walang sense of humor. Manloloko. At lahat lahat na lang ..
Pero mali pala ako. Mabait siya, Masayang kasama at higit sa lahat mabuting kaibigan. Naging mas close kme sa isat-isa sa paglipas ng panahon. At mas nakilala ko ang tunay na siya.
Hanggang sa isang araw, Nahuhulog na pala ako sa kanya. At ang ikinatatakot ko ay
.
.
.
ready ba siya para saluhin ako? :(
At dun nga napag-isip isip ko na dapat kong pigilan itong aking nararamdaman. Pero isang araw
.
.
Niligawan niya ako ...
Mahal na din pala niya ako noon pa man. At ntakot lamang siyang sabihin ito
Parang nasa langit ang pakiramdam. Yung feeling na mahal ka ng mahal mo ay walang katumbas. At naiintindihan ko na yung mga taong inlove. Parang baliw na ngingiti na lang bigla. Siya ang naging inspirasyon ko. Two different personalities na nag match. Parang hindi ako makapaniwala na ang lalaking pinaka-ayaw ko, ay boyfriend ko ngayon.
Masaya kami sa piling ng isat-isa. Tratong barkada pero nagmamahalan. Yung tipong matatawag mong "Perfect Couple". Naging sandigan namin ang isa't-isa at mas naging matatag ang aming pagmamahalan sa paglipas ng mga araw. Walang sinuman o anuman ang makakapaghiwalay sa dalawang pusong tunay na nagmamahalan.
.
.
Pero pagkalipas ng ilang buwan,
Naging bitter siya. Ewan ko nga dun at bakit naging ganun.
Nakakalimutan yung monthsary namin. Yung mga lakad namin palaging palpak dahil palaging hindi ako sinisipot. Ang sakit nun ha? Walang text o tawag man lang. Gago to ha. Biglang hindi nagparamdam.
Tinetext ko siya araw-araw. Tinatawagan minu-minuto pero walang sumasagot. At ang pinakamasakit sa lahat, hindi ko alam ang dahilan ng kanyang biglang paglayo. Wagas kung umiwas.
Napakabigat sa puso ang ganitong pakiramdam. Akala ko'y akin na siya habang buhay. Ang magiging ama ng aking mga anak. Ang taong magiging kasama ko hanggang pag tanda ko :(
Lumipas ang ilang taon at wala na akong balitang narinig tungkol sa kanya. Hindi ko na pinilit at hindi ko na ipinagtulakan ang sarili ko. Paano ko siya ilalaban kung siya mismo ay bumibitaw na?
Napagisip-isip ko na ..
Siguro ay isa lang ako sa mga babae na naloko niya. Kung ayaw niya na ay bigla-bigla niyang iiwan. Ang tanga-tanga ko para magpaloko sa lalaki. Ang tanga ko para maniwalang magbabago siya. Gusto ko siyang saktan. Bugbugin at Ipapatay. Pahirapan. Sunigin. Ihagis. Ichop-chop. At ibaon sa lupa ng buhay !!!!!!!!!
Para maramdaman niya kung ano ang nararamdaman ko. Kung gaano kasakit ang iwan ka ng isang taong pinakamamahal mo ng walang malalim na rason..
Sinasabi ko sa iba na nka move on na ako. Pero ang totoo eh, sariwa pa lahat ng sugat sa aking puso. At sa tingin ko ay pang habang buhay ko na itong gagamutin hanggang may isang taong dumating at tulungan ako sa pagbuo ng nawasak kong puso.
:(