Part 12 [ Stephanie Pov ]

330 16 6
                                    

YOU'RE PREGNANT

YOU'RE PREGNANT

YOU'RE PREGNANT

Paulit-ulit na nag rereplay sa utak ko 'yung sinabi ni Dra. Kim, hindi ako makapaniwala na buntis ako. Ng dahil sa letcheng ONE NIGHT STAND na 'yun. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang naglaho lahat ng pangarap ko. Kasabay ang takot na nararamdaman ko.

"Anong gagawin ko?"

"Pano pag nalaman nila Mama at Papa 'to? Pano ko sasabihin?"

"Ang bata ko pa. Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Pano ko 'to sasabihin kay Kris?"

Nag simula nanamang pumatak ang mga luha ko. Humiga ako sa kama ko at niyakap ang unan ko. Binuhos ko lahat ng luha ko. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Baka ikahiya ako nila Mama. Oo, kahiya-hiya ako. Dahil disgrasyada ako. Napaka bata ko pa para mabuntis. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ilang araw na din akong nagkukulong dito sa madilim kong kwarto. Humagulgol at hindi maka move on sa sinabi ni Dra. Kayo ba naman, malaman niyong buntis kayo. Tapos ang ama pa ng magiging anak mo 'yung pinaka ayaw mong tao? Matutuwa ba kayo non? Sabay gwapo siya at mukang yummmy. Ah, ano ba 'tong pinagsasabi ko. 

Bukas kailangan ko ng pumasok. Tatlong araw na din akong absent. Jusko, ang grades ko. Hindi maaring bumaba 'yun. Scholar lang ako. Salamat nalang at matalino ako. Nagagamit ko 'yung katalinuhan ko para makatulong kila Mama. O'diba, baon nalang ang binibigay nila sakin. Kung ano naman kinatalino ko, siyang kina tanga ko. Gagong Kris na 'yun, shooter siya ha. Jusko, ano bang gagawin ko? Pano na 'to? Ang pag aaral ko. Lahat na. Ang bigat ng nararamdaman ko. Ito nagmumukmok nanaman ako.

[ BEEP ]

May nag-text, kaya napa tigil ako sa pag da-drama ko. Galing nitong tumaming eh. Nag da-drama pa 'yung tao eh. 

Si Yonyon lang pala. 

HOY! STEPHANIE. BRUHA KA. ILANG ARAW KA NG HINDI NAPASOK. HINAHANAP KA NILA PROF! ANG DAMI NATING KAILANGAN GAWIN YOU KNOW. Pero bestfriend, alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon. Isipin mo nalang blessing si Baby ha? Wag ng masyadong umiyak at makakasama 'yan sa baby niyo. Oo nga pala. Yung sa dance lesson natin, malapit na. Kaya pasok kana bukas ha? Miss na miss ka na ni Kris. ;)

Miss daw ako ni Kris? Wala akong pakielam sa kanya. Pag katapos niya akong raping nung gabing yun. At ngayon, buntis ako. Sheet siya. Bwisit. Letse. UGHHHHHH! Nang gagalaiti ako sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin bukas. Parang hindi eh. Ewan ko. Natatakot ako. Sobrang hindi ko alam ang gagawin ko.

KASALANAN MO TO KRIS!

===================

Umagang umaga heto ako at sumusuka sa banyo. T-T

Wala akong magawa eh, normal lang naman 'to. B-U-N-T-I-S ako ni Manyak na Kris eh. Kasalanan niya 'to. Dapat siyan itong sumusuka dito ngayon eh. Bwisit. Ang aga kong badtip ehehehe.

Nag ayos na ako ng sarili. Naligo at nag bihis na. Pag katapos nito ay dumeretso na ako sa baba, para kumain ng umagahan. Nakita ko si Ate yuri nanakain na.

"Good morning, bunso."

"Morning ate." Matipid kong sabi sa kanya. Wala ako sa mood ngayong araw. Ewan ko ba.

"Oh, bakit parang mukang badtrip ka. Hindi ba maganda tulog mo?" Nako ate. Tinanong mo pa. Buntis lang naman ako. At nag drama ako mag damag. At nag-isip kung anong gagawin ko. Jusko, hindi ko masabi sa ate ko. Panigurado sermon ang abot ko dito.

Baby, I'm sorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon