Chapter 32 (Bumalik)

491 19 2
                                    

Chapter 32

Bumalik

Mula nang tinawag akong kapatid ni Rhum,hindi na niya ako tinigilan.She became clingy and all.Mas naging close siya sa akin at kita ko naman talagang tuwang-tuwa siya kapag kasama niya ako.Kaso iyong pagkagiliw niya sa akin ay katumbas ng isang batang tuwang-tuwang sa kanyang laruan.O 'di naman kaya ay tulad ng sa may-ari sa kanyang alagang aso.At higit sa lahat ng isang anak sa kanyang kapatid.

Ang lapit na niya sa akin ngunit hindi ko magawang pumorma.Lalong-lalo na't mukhang may nauuna na sa akin.

"Ingat ka," narinig kong sabi ni James nang minsang nag-uwian na kami.

That was a simple statement.But put feelings to it,it would sound way more different.At ramdam ko iyon bilang isang akong lalaki.At alam kong ramdam ni Rhum iyon.Her flushed cheeks says it all.

May munting kirot akong naramdaman nang makita kong mahinang siniko ni Rich si Rhum at napangiti ang huli.

Nang mga sumunod na araw ay nakita ko pa kung gaano naging close si Rhum at James.At napansin ko rin kung paanong unti-unti nang nawawala ang pagkagiliw niya sa akin.

"Hey Seth,sama ka sa akin?," malaki ang ngisi ni Edison sa akin dahilan para mawala ang atensyon ko kina James at Rhum na abala sa pagdidisenyo ng project nila sa Tourism subject namin.

"Saan?," kunot ang noo kong tanong.

"Sasabay ako ng lunch kina Cady," excited ang loko!

"Enjoy," walang gana kong turan habang palihim na sumulyap muli kina Rhum at James.

Rhum's long hair was tied in a messy bun.Kita ko ang pangingintab ng kanyang ilaw at pamumula ng pisngi.I would like to think that it's the hotness of the weather that makes her flush and not the guy beside her.

Ngunit sa tuwing titingnan ko naman sina Eka,Saida at Rich ay normal naman ang mga kulay ng pisngi nila.Si Rhum lang talaga ang namumula at naasar ako.

Dinig ko sa background ang animated na pagkukwento ni Edison kung paano siyang nakatiyempong pumorma kay Cady.Tanging tango at paminsan-minsan ay mura ang tinutugon ko sa kanya para lang hindi niya mahalatang wala sa kanya ang atensyon ko.

Saglit akong nabingi nang makitang dinukot ni James ang kanyang panyo sa bulsa ng kanyang slacks at masuyo iyong ipinunas sa mukha ni Rhum.

Kita ko ang natitigilang ekspresyon ni Rhum at ang pamumula ng tenga ni James.Puta! Tinamaan na nang matindi 'to.

"Oo," naaasar kong sagot kay Edison nang maulinigan kong may itinanong siya sa akin.

"Ayos! Sabi mo 'yan ah.Sasama ka sa akin," malaki ang ngisi ni Edison.

Huli na bago ko marealize na napa-oo pala ako ni Edison na sumama sa lunch date niya kasama si Cady.

TULAD NGA ng napag-usapan ay sumama ako kay Edison sa lunch date o kung ano mang tawag niya roon.Mas okay nang panooring nakikipaglandian si Edison kay Cady.I just couldn't bear watching James be with Rhum.

Ni hindi ko nga alam kung ano nang score ang mayroon sa kanilang dalawa.At kung may progress man sila,I never would want to watch it.Or even know about it.

"Ang tahimik mo naman," napatingin ako nang nagsalita si Tammy.She was with Cady and I was with Edison.

"Nagcoconcentrate ako sa pagkain," biro ko sabay subo ng malaki.Natawa siya sa ginawa ko habang iyong dalawa naman ay walang pakialam  at tila may sariling mundo.

Nangangamoy MU.

"Bakit hindi n'yo kasama sila Nohlan?," muling tanong ni Tammy.I sensed she wanted to start a conversation but I'm not in the mood to do so.Kaya naman ang mga sagot ko ay tipid lang.

"Yeah," ngiti ko sa kanya.

Mukhang naintindihan niya naman kaya hindi na siya muli pang nagsalita at inabala na lang ang kanyang sarili sa cellphone.Ganoon na rin ang ginawa ko.

NANG mga sumunod na araw ay mas pinili ko na lang na sumama kay Edison kesa sa mga kaibigan namin.I like Rhum and watching her blush because of James made me jealous—which I know I shouldn't.

Kaya habang mas maaga,pinili ko nang umiwas.Unti-unti kong binawasan ang oras na kasama sila.Hanggang sa ilang buwan ang lumipas at hindi na nga nila napansing hindi na ako nagsasama sa kanila.

At habang lumalaon,nasasanay na ako sa ginagawang panlalandi ni James kay Rhum.Habang lumalaon,mas napapalapit na ako kina Tammy at sa mga kaibigan niya at unti-unti na rin akong hindi napapansin ni Rhum.

It's not that wala siyang pakialam.She's just the type who doesn't mind about issues and dramas.Maski nga may marinig siyang isyu sa mga kaklase namin ay hindi ko man lang siya naringgan na nagkomento sa mga ganoon.She minds her own business.

Kaya nga hindi na niya napansin na hindi na ako masyadong nagsasama sa kanila at kina Tammy na ako parati.Even Edison.

And I thought that's better that way.

And I thought that was one of the best choices I picked.Who would have thought,I'll find love in Tammy.

Hindi ko na alam kung papaanong nagsimula.Basta bigla na lang kaming naging sobrang close.Hanggang sa iyong closeness namin ay bigla na lang naglevel up.

Walang ligawan.Walang aminan ng feelings.Hinayaan na lang namin ang aming mga puso ang kusang tumibok.Hinayaan na lang namin na kusang umakto ang mga kilos namin ayon sa kung ano ang tinitibok ng aming puso.

And who would have thought that we would last for almost  eleven months.Sayang isang  buwan na lang sana anniversary na namin.Pero sabi nga nila,walang forever.

Hindi kalaunan nang naging girlfriend ko si Tammy ay naging sobrang close naman sila ni Jewel.And they tend to keep secrets.May mga usapan silang tanging silang dalawa lang ang nakakaalam.May mga senyasan silang tanging sila lang ang nagkakaintindihan.

And I didn't like it.I mean,come on,boyfriend niya ako pero mas mahalaga pa sa kanya iyong bestfriend niya.Mas marami pa siyang isini-share sa kaibigan niya kaysa sa akin.

So what if it's a girl thing.I'll still listen to her.So what if it's petty,I'm still all ears.So what if it's cheesy,I could get cheesy too.

Ang dating sa akin ay pampakilig lang ako para sa kanya.Hanggang doon lang.

And being her boyfriend,I would want to protect her.I would want to be the very first person to know if something's going on with her life.

But no.

I was even the last person to know.

And so I decided to end it.

And as the saying goes,nasa huli ang pagsisi.

Tangina! Ilang buwan lang mula nang nagbreak kami ay sinagot na niya agad iyong manliligaw niyang antigo.

Oo.Antigo.Hindi pa kami ay nanliligaw na iyon sa kanya.

At ang putanginang lalaking iyon,agad naman sumunggab.

Pero hindi ako huminto.I tried to win her back.I tried to speak with her but she no longer wants to.For her,there's no us getting back together.

And it pained me so freaking hell.

It hurt me so much that living doesn't matter anymore.Ni pumasok sa school ay sapilitan ko na lang ginagawa.Alam ko kasing kapag pumasok ako ay makikita ko siya.At ipapaalala nun sa akin na masaya na siya sa piling ng iba.Habang ako ay nilalamon ng pagsisisi.

Medyo nagkagana na lang ulit akong pumasok nang medyo kaya ko nang tiisin ang sakit.Ngunit nang bumalik ako sa school ay hindi na ako kina Tammy sumasama.That just puts salt to the wounds.

Bumalik ako kina Rhum.Or should I say,bumalik ako kay Rhum.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon