ANG KUWENTO NI LITTLE RED RIDING HOOD
SCENE 1
Si Little Red Riding Hood ay isang dalagang taga-lako ng kakanin. Katulad ng tunay na Red Riding Hood, palagi rin siyang nakapula subalit hindi hood, kundi, kung anumang available na red.
LRRH: ‘Nay, ayos na po ba ‘yung mga kakanin na ilalako ko po mamaya?
Nanay: Oo naman, anak. Siya nga pala, dumaan ka pala sa lola mo mamaya’t dalhan mo siya ng paninda natin.
LLRH: Aba’y, akala ko po ba galit ka kay lola?
Nanay: O?
LLRH: E bakit mo po siya bibigyan ng paninda natin? Bati na kayo, ‘nay?
Nanay: Bibigyan? Sabi ko, tindahan mo. May sakit daw, e di syempre tayo naman kumikitang kabuhayan.
LLRH: ‘Nay?
Nanay: Bwahahaha! Bwahahaha! Bwahahaha!
Scene 2
Habang naglalako si Little Red Riding Hood, nasalubong niya ang isang Fox.
Fox: Good morning sa iyo, Little Red Riding Hood!
LRRH: Good Morning Mr. Fox! Naglalako ako ng kakanin!
Fox: Alam ko. (pabulong) Pero mas masarap kang kainin kaysa sa mga kakanin na yan!
LRRH: Po?
Fox: A? E, wala! Bwahahaha! Bwahahaha! Bwahahaha!
LRRH: Sige po. Maglalako na po ako’t kailangan ko na pong dumaan pa sa lola ko.
Fox: Sa lola mo?
LRRH: Opo. Yes. Tama.
Fox: A. Saan ba nakatira ang lola mo?
LRRH: Sa bahay niya po.
Fox: Talino mo namang bata. Sige na, lakad na. At mag-iingat ka hija baka … (pabulong) makain ka pa ng iba bukod sa akin.
LRRH: Po?
Fox: Ha? Wala. Lakad na.
Umalis na ang lakwatserang bata.
Fox: Bwahahaha! Bwahahaha! Bwahahaha!
Scene 3
Naglalako na ang munting bata habang kumakanta ng ‘Mary Had A Little Lamb’.
LRRH: (magugulat) Hindi ako si Mary at wala akong lamb. Never mind.
Scene 4
Samantalagang sa bahay ng lola ni Little Red Riding Hood …
Fox: Tao po! Tao po! Tao po!
Lola: Waaa!
Fox: Ay, OA? Wala pa. Buksan mo muna ‘tong pinto.
Bubuksan nga ni lola ang pinto.
Lola: Waaa!
Fox: OA ulit? Di pa kinakain.
Lola: Waaa!
At nilamon na ni Fox ang lola ni Little Red Riding Hood.
Scene 5
Kumatok sa bahay ng lola niya si Little Red Riding Hood, subalit, wala rito ang kanyang lola.
Malulungkot si Little Red Riding Hood at bigla siyang mapapakanta ng ‘Where are you now?’ ng Honor Society.
Nang biglang …
Fox: Bwahahaha! Bwahahaha! Bwahahaha!
LRRH: Ha! Si lola?
Fox: Nilamon ko na siya at ngayon isusunod na kita!
LRRH: Hindi ako masarap! Lumayo ka sa akin! Waaa!
Nang biglang …
Pumasok sa scene ang isang mangangahoy, na kanina’y ang nanay din ni Little Red Riding Hood.
Nanay: Bitawan mo siyaaa! (sabay bato ng hawak na bato)
Fox: Waaa! (mahihilo at biglang isusuka si lola)
LRRH: Lolaaa!
Nanay: Nanayyy!
Lola: Apooo! Anakkk!
Fox: Waaa!
N1: At dahil nga sa magaling na pagsigaw ng maglalako ng kakanin na si Little Red Riding Hood ng ‘waaa!’, nailigtas siya ng isang mangangahoy …
N2: Na mismong Nanay niya. At bilang magandang ending, pinag-fiestahan ng tatlo si Fox.
-End-