Sasalo (One Shot)

78 10 40
                                    

Dedicated to kbluescript❤ Thank you sa cover💕

Amara's P.O.V

"Diyos ko! Sumakit yung ulo ko doon sa exam na yon. Ganyan ba talaga magpa-exam si Sir Aguanta? Ang sakit sa ulo." Reklamo ni Cleo.

Well, may point naman talaga siya. Di ko din naman siya masisisi dahil mahirap naman talaga ang exam lalo na't Math pa naman ang subject na iyon. 2nd grading pa lang ganyan na paano pa kaya pag-college na kami.

"Oo nga eh! Pero okay lang din atlis 3rd grading na ang next!" Napasigaw si Mystique sa tuwa. Excited talaga siyang mag-college samantalang kami ni Cleo iisipin pa lang namin parang mababaliw na kaming dalawa.

Umirap si Cleo bago magsalita. "Amara huwag mo na yang pansinin. Andiyan na si Tristan papunta na dito oh!" Sigaw na bulong niya sabay pasimpleng tinuro ang direksyon kung nasaan si Tristan.

"Amara pwedeng sabay na tayong umuwi? Magkalapit lang naman ang mga bahay natin eh." Tanong niya sa akin na agad kong tinanguan ng walang pag-aalinlangan. Basta't ba siya wala ng pag-dadalawang-isip.

''Amara mauuna na kami ni Cleo ha. Iba kasi ang sasakayan namin eh." Pagpapa-alam ni Mystique na agad kong nilingonan.

"Oo nga baka hinahaanap na ako ni Mommy. Bye Amara! Bye Tristan!" Pagsang-ayon ni Cleo at sabay na silang umalis ni Mystique.

"Pwede bang dumaan muna tayp sa Belgian Waffle?Nagugutom na ako eh." Pag-aaya niya sa akin sabay hawak sa tiyan niya.

"Sige sige basta ba libre mo." Pangloloko ko sa kanya sabay tawa. "Oo na libre na." Hala! Naniwala naman tong isang to. Joke lang yon pero sabagay okay na rin yon.

"Diyan ka lang ha. Oorder lang ako. Chocolate diba?" Agad akong tumango atsaka ngumiti sa kanya.

Isa siya sa bumubuo ng tropa namin at ang alam ko alam niya atang may gusto ako sa kanya. Pero kahit ganun hindi naman naging awkward at hindi rin nawala yung closeness naming dalawa. Matagal na akong may gusto sa kanya nagsimula ata yon noong mga grade 6 kami hanggang ngayong 4th year na kami. Loyal ko noh? Kaso siya hindi eh may ibang gusto.

"Ito na! With free Ang De pa yan ha. Pudding black milk tea your favorite." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

Why some people pretend that they're happy even if they're not? Napairap ako sa hangin.

"Sitdown and tell me what's your problem?" Diretsahang tanong ko sa kanya.

Nagulat siya pero agad ding nakabawi. Tumawa siya ng bahagya habang umiiling. "Ang galing ah! Alam agad halata ba?" Bago tumawa ulit. I cleared my throat.

"Tatawa ka na lang ba diyan o sasabihin mo na sa akin ang problema?" Pagbabanta ko sa kanya.

Ngunit agad ding lumambot ang puso ko ng makita ko ang mapait niyang ngiti kaya hinawakan ko ang kanyang mga kamay na nasa lamesa.

"You can tell me what's your problem Tristan. You know you can trust me." Atsaka binitawan ang kanyang mga kamay. Tumingala muna siya bago ako muling hinarap.

"Si Sandra gusto nyang makipag break sa akin. I asked her whats the problem pero hindi niya naman sinabi. Hindi ako pumayag nabmakipag break sa kanya. Alam kong alam mong hindi ko kayang mawala siya sa akin." Bumuntong hininga siya at di na muling nagsalita.

"A-anong sabi niya sa naging desisyon mo?" Kinakabahang tanong ko. Tumingin siya sa akin bago ako sinagot. "Hindi siya nagsalita at umalis na lang bigla sa aking harapan." Kahit nanginginig ang aking mga tuhod pinilit kong tumayo.

"Dadalhin ko na lang to pauwi. Pasensya ka na kailangan ko ng umuwi Tristan." Di ko na hinintay ang kanyang sasabihin at nagmadaling umalis na sa lugar na iyon.

Sakay ng taxi pauwi ng aming bahay maraming akong iniisip. Alam ko namang si Sandra lang eh bakit hindi ko mapigilang masaktan. Ang sakit sakit na sa kanya marinig ang mga salitang yon. Bakit hindi na lang ako Tristan di kita sasaktan kasi ganon kita kamahal perp bakit siya? Siya na lang palagi ang laman ng utak mo pati na rin ng.... Puso mo.

"Andito na po tayo Ma'am." Tiningnan ko si kuya driver ng taxi binigyan nya ako ng nakaka-encourage na ngiti kaya napangiti rin ako sa kanya.

"Ito po yng bayad kuya. Keep the change na po. Salamat po!" Nginitian ko muna siya bago umalis ng hindi na hinintay ang sagot niya. 200 pesos na buo yon. Ang lapit lang ng bahay so sobra pa yon.

Kinabukasan, maaga akong pumasok pero mabilis ang takbo ng oras kaya ngayon andito na si Sir Aguanta. "Tristan Pierce A. Dela Cruz?" Ulit ni Sir. Tsaka ko lang napagtanto na wala siya ngayong araw. Bakit kaya wala siya? Muli kong tiningnan ang kanyang upuan na walang tao.

"Amara Zefrielle C. Dela Reciña?" Agad akong nabalik sa realidad ng sumigaw si Sir.

"Present!" Sagot ko. Natapos na amg buong araw na klase ngunit wala akong nakitang Tristan. Ano kayang nangyari sa kanya?

"Amara! Anong nangyari kay Tristan bakit wala siya ngayon? Wala din si Sandra ah. May alam ka ba?" Agad akong umiling sa tanong ni Cleo.

"Wala akong alam di naman siya nagsabi sa akin eh. Mauna na ako pauwi ha." At kumaway sa kanilang dalawa ni Mystique.

Ng makauwi ako doon ko lang din naisip ang sinabi ni Cleo. Oo nga at wala din si Sandra ngayong araw. Ano na kayang nangyari sa kanilang dalawa ni Tristan?

Kinabukasan, maaga ulit akong pumasok. Maayos ang naging takbo ng araw ko maliban na lang noong paiwi na kami nila Cleo. "Amara pasensya na di ako makakasabay sayo pauwi. May date kami ni Sandra eh. Bye!" Hindi hinintay ang aking sagot sabay silang lumayo sa aking kinatatayuan.

Wala na okay na sila. Wala na akong pag-asa. Syempre kahit papaano umasa ako. Gusto ko siya eh.

Nakita kong tinaasan ako ng kilay noong mga kaibigan ni Sandra samantalang si Sadra naman ay nginitian ako ng tipid. Napangisi ang kanyang mga kaibigan ng akbayan siya ni Tristan. Parang pinapamukha sa akin ng mga kaibigan niya na hindi ako ang gusto ni Tristan kung hindi ang kaibigan nila.

Parang sinasaksak ang puso ko sa nakikita ko. Kung kailan dapat ko nang tigilan doon ko lang nalaman na mahal na pala kita. Alam ko naman kung saan ako lulugar eh. Alam kong hanggang kaibigan lang talaga at wala na akong magagawa doon.

Okay lang naman sa akin na maging kaibigan na lang siya. Basta ba nakikita kong masaya siya. Ayaw kong makisawsaw sa relasyon nilang dalawa. Tatanggapin ko ang katotohanan ng maluwag sa aking kalooban. Bata pa ako para makahanap ng taong mamahalin ko at mamahalin din ako.

Sabi nga nila diba "The hardest thing to do is watch the one you love, love someone else." I have no choice pero kailangan kong tanggapin ito. Nasasaktan ako syempre tao ako kaya normal lang yan. Oo mahirap pero kakayanin.

Yes I admit it. I know I'm just his past time. Just his rebound.

Kaya kong magpagamit sa kanya kung kinakailangan. Andito lang ako tuwing may kailangan siya. To be his SECOND CHOICE.

Ako ang sasalo sa kanya.

The End.

Sasalo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon