The Forgotten (one-shot)

36 0 0
                                    

"Ano, bakasyon tayo? Boredom's killing me!" Rekalmo ni Adrian habang nakatunganga. Halata ngang bored na.

"Alam mo Adee (a/n: pronounced as ey-di), kahit gustong gustong gusto natin magbakasyon, wala tayong magagawa. Peste yung boss namin di pa binibigay yung sahod, tsk." Sagot ni Jamiko kay Adrian, "Kayo ba, anong balita? May sweldo na?"

"Bwisit wala pa nga din kami." Singit ni Mico na kalalabas pa lamang ng CR.

"Ikaw ba, Louie?"

"Wala pa din. Next week pa siguro." Tipid na wika ni Louie habang nilalaro ang cellphone.

"Oh pano ba yan? Nganga nalang tayo dito?" Inis na sabi ni Adrian.

'Di malaman ng apat kung sino ba munang manlilibre kung sakali ngang magbakasyon sila. Wala ni isa sa kanila ang binigyan ng sahod ng mga boss nila samantalang sa iisang kumpanya lamang sila nagta-trabaho.

"Wait, wait. Bakasyon ba kamo?"

Napatigil ang apat sa paga-argumento ng bumaba ng hagdan si Joshua na tila ba bagong gising.

"Oh, bakit? May sweldo ka na?" Sarkastikong sambit ni Mico.

"Sweldo? Nah, no need."

"Tange pano tayo magbabakasyon kung wala tayong pera?" Wika ni Jamiko na tatawa-tawa.

"Remember that Hacienda de Jacobe that I told you guys two weeks ago?" Tanong ni Joshua.

"Oo, yung sa Antipolo? Yung pamana ng Lolo mo sa Papa mo?" Paninigurado ni Adrian.

"Yup."

"What about that?" Tanong ni Louie na tila ba nakapagpaalis ng atensyon nito sa cellphone.

"Sa pagkaka-alam ko, walang tao sa Haciendang yun next week kasi binigyan ni Papa ng one week vacation ang maids dun. Well, except sa caretaker." Pagpapaliwanag ni Joshua.

Inaasahan nitong matutuwa ang mga kasama ngunit taliwas dito ang mga reakson nito. Tila mga naguguluhan.

"And your point is?" Taas kilay na tanong ni Adee.

"Oh my God, guys!" Di makapaniwalang sigaw ni Joshia at napa facepalm na lamang. "Malamang dun tayo magba-bakasyon! 'Wag kayong mag-alala, bukas aalis na tayo. Mage-empake na ko. Bahala nga kayo dyan! Mga slow!"

»»»»»

"Aray! Adrian leche ka ang bigat mo!"

"Tumabi ka kasi dyan! Pwesto ko yan eh!"

"Ano ba yan ang iingay naman!"

"'Wag nga kayong magsigawan! Respeto sa natutulog!"

"Punyeta tatahimik ba kayo o ipe-preno ko tong van dito sa kakahuyan?!"

Kanya-kanyanh sigawan ang lima sa loob ng sasakyan. Si Adrian at Mico ay nag-aagawan sa backseat. Habang sila Jamiko at Louie naman ay bigong makatulog dahil sa sigawan nila Adrian. Si Joshua naman ang nagd-drive ng van bilang sya lamang ang nakaka-alam ng Hacienda.

"Bwisit kasi 'to si Mico! Pwesto ko nga yan eh!" Bulyaw ni Adrian kay Mico na ngayo'y nakahiga na sa backseat.

"Kasalanan ko bang umalis ka?!" Sigaw ni Mico pabalik.

"Ang ingay!"

"May natutulog oy!"

"Eh kasi naman—"

"HOY PUNYEMAS KAYO! TITIGIL BA KAYO O ANO? KASI KUNG HINDI KOKOTONGAN KO KAYO PALABAS NG VAN. BAHALA KAYO MAGHANAP NG BAKASYUNAN. MANAHIMIK KAYO DYAN KUNG AYAW NYONG MATOKBAHAN AH!"

The ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon