e i g h t

65 20 6
                                    

Umalis muna ako sa condo kasi may bibilhin pa akong groceries dahil unti nalang yung mga pagkain sa refrigerator. Pagkatapos kong mamili deretso agad ako sa coffee shop para i-meet si Casi( Mild x Wild).


Saktong pagkalabas ko sa parking lot, sobrang traffic. Anong nangyari? 3:10 na, andito pa rin ako. Nako, baka mainip si Casi sa kakahintay sakin. Nakakahiya late na ako, ililibre ko nalang siya ng dinner mamaya.

3:48 nang makarating ako sa coffee shop na malapit sa condo ko. Nakita ko si Casi na naghihintay kaya pinuntahan ko siya agad sa table.

"Casi sorry na-late ako."

"Ay nandito kana pala. Ha? okay lang hindi naman ako masyadong nainip kasi kumain na rin ako dito." sabi niya.

"Sorry talaga."

"Okay lang Aze. Umupo ka nga muna. May importante akong sasabihin sayo."

"Sige, ano ba yun?" tanong ko sakanya. Eto na nagsisimula na akong kabahan sa sasabihin niya. Feeling ko namumutla na ako sa harapan niya. Yung mga kamay ko namamawis na.

"Si Lohee..."

Sabi na eh tungkol talaga kay Lohee. Mag walk out na kaya ako ngayon. Bigla kasing nagbago yung atmosphere sa sinabi niya.

"Anong meron sakanya?"

"Gusto niyang magkita kayo."

"Bakit? Wala na kami dapat pag-usapan pa." sabi ko. Wala na, sira na mood ko ngayon. Ang bilis ng pangyayari na 'to.

"Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko may gusto siyang sabihin sayo na hindi niya mismo masabi sabi kahit sa akin pa."

"Hindi mo sinabi sakin na magbestfriend pala kayong dalawa."

"Nung last month palang kami naging magbestfriend kaya hindi ko kaagad nasabi sayo. Pasensya na Aze." sabi niya. Ewan ko lang, parang ang sarcastic niyang kausap.

Nabibismod na ata ako. Stay calm Azelie.

"Ibahin natin yung topic mukhang nag iba mood mo. Nabalitaan ko nga pala yung sa twitter na minention ka pa ni Jaehee. Ayhiee wallpaper ni Mingyu yung airport na kinuhanan mo siya." kwento niya sa akin.Hindi ba siya nabi-bitter kasi si Mingyu ang pinag-uusapan tsaka ako. Ang awkward lang.

"Nagseselos ka?" Deretso ko siyang tinanong kaya nagulat siya sa sinabi ko. Di niya siguro akalain na masasabi ko yun sa harap niya.

"Ako?"

"Ay hindi, ako yun." pamimilosopo ko sakanya. Tumawa naman siya.

"Hindi ako nagseselos sa inyo may Wonwoo ako." sabi niya pa. Ano raw? May wonwoo siya? akala ko ba--

"Seryoso ka?"

"Yes, nagulat ka no? Hindi mo ba alam na yung fansite ko ay para lang sa meanie."

"Alam ko, minsan kasi puro mingyu pino-post mo."

"Ang hirap kasing kuhanan ni Wonwoo amp."

"Baka ikaw lang nahihirapan." sabi ko sakanya.

"Aze, mauuna na ako ha. May kailangan pa kasi akonf i-post sa twitter yung sa Melon Music Awards." pagpapaalam niya.

"Wait pupunta ka sa Mama 2016?" pahabol na tanong ko sakanya.

"Syempre naman Aze. Kailangan ako dun  ,ikaw ba?"

"Oo ata? Hindi ko sure eh."

"Ano ka ba, kailangan ka dun. Kailangan ka ni Mingyu. Sige una na ako, bye!"

"Sige ingat!"

💐💐💐

TheFearLessB

Fansitenim | MingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon