n i n e

51 6 0
                                    

Azelie's

Kakauwi ko lang sa condo pagkatapos ng pag-uusap namin ni Casi. Medyo nacu-curious pa rin ako hanggang ngayon. Bakit kaya gustong makipag usap sakin si Lohee?

Maitext nga muna si Jae. May itatanong ako sakanya.

Song Jaehee
+82-6-754-6870

Jae, Nakakausap mo ba si Lohee sa twitter? please reply, asap.

✔sent.

Nako, matagal pala magreply si Jae kasi palagi siyang busy at laging nakababad sa twitter at melon.

Ano ba dapat kong gawin? Natutulala ako hays buhay nga naman.

Ay oo nga pala, muntikan ko ng makalimutan napagdesisyunan ko na pupunta ako sa MAMA 2016. Sana naman may makuhang award yung Seventeen. Chineck ko kasi yung mga list ng may awards parang wala sila dun. Nako iiyak talaga ako kapag wala silang nakuhang award. May ipaglalaban ako.

Pero syempre kapag pumunta ako doon makikita ko si Mingyu. Siya lang talaga yung nagpapasaya sakin pati na rin yung buong seventeen. Napaka lungkot kasi ng life ko. Why so boring? Parang wala akong magulang sa mismong bahay namin kaya palagi akong naii-stay sa condo ko. Sosyal ako enebe.

° ° °

Bago ako matulog inayos ko muna lahat ng dadalhin ko sa MAMA 2016 pati na rin yung mga merchandise na ibe-benta ko doon. Tapos yung iba free nalang para maraming lumapit sa akin. Well, business nga naman.

Tapos bukas mage-edit pa ako ng mga pictures ni Mingyu para maiprint ko para ready na ang lahat tas maaga din akong gigising kasi magpapabook ako ng flight, kailangan bago mag december 2 andoon na dapat ako.

Grabe nag-ayos na ako ng lahat lahat yung text ko kay Jae hanggang ngayon wala pa ring reply. May nakalagay na ngang asap. Minsan talaga mapapaface palm kana lang sakanya. Kahit na ganun si Jae,  mahal na mahal ko yung mokong na yun. Ang sweet niya kasi tapos maalaga pa siya sa akin so parang nanay ko na siya. I'm so sorry Jae for calling you 'mommy' sometimes.

Masyado na akong madaldal, kailangan ko ng matulog kasi marami akong gagawin bukas. Hindi ko na aantaying magreply sa akin si Jae nakakahiya naman sakanya. Masakit pa namang umasa.


💐💐💐

| a/n: Merry Christmas sa nagbabasa nito! Stay strong palagi. Don't forget to smile and ignore the bad things in life, okay? Pakasaya lang kasi pasko na bukas! Yey! Enjoy your life.

Seventeen's wearing santa costume at your media 💕

ALL I CAN SEE THERE IS JIHAN LMAO.

TheFearlessb

Fansitenim | MingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon