Exodus: Prologue

8 0 0
                                    

Prologue
 
 
 
Exodus: The Lost World
 
 
 
***
 
 
Sa huling tunog ng orasan, matatapos na ang eclipse na siyang nagsama-sama sa labindalawang mandirigma, at tagapagtanggol ng 'tree of life' sa mundo ng Exodus. Sila ang mga itinuturing na 'gods' ng mga taga-Exodus, at tuwing eclipse lamang sila nakikitang nagsasama-sama. Pagkatapos nun ay babalik na sila sa dimensyon kung saan nila binabantayan ang mga naninirahan sa planetang Exodus.
 
 
Isang minuto na lang ang natitira upang matapos ang eclipse. At isang minuto na lang din ang natitira, upang maipagtanggol ng mga mandirigma ang puno na siyang nagsisilbing buhay ng kanilang mundo. Ang pagkasira nito ay nangangahulugang siya ring pagkasira ng mundong ginagalawan nila, kaya kailangang idepensa nila ito laban sa mga masasamang elemento mula sa ibang dimension ng kanilang mundo.
 
 
 
40 segundos na lang ang natitira...
 
 
 
"Malapit nang matapos ang pagsasama ng araw at buwan. Suho, ano nang gagawin natin? Patuloy pa rin sa pag-atake ang mga kampon ng kadiliman."
 
 
 
Nilibot ni Suho ang paningin sa paligid. Bawat isa sa labing-isang kasamahan niya ay lumalaban para protektahan ang 'tree of life', mula sa mga gustong tapusin ang buhay nito. Ngunit mas marami ang mga kalaban, at kakaunti na lamang ang oras na natitira para sa kanila. Impossible nang manalo pa sila mula sa mga 'to. Isa pa, hindi tinatablan ng mga kapangyarihan nila ang mga kalaban kaya mas lalo silang nahihirapan.
 
 
 
"Ztao, itigil mo ang oras." Utos ni Suho na siyang lider ng labindalawang mandirigma.
 
 
 
"Hindi po pwede, dahil kapag ititigil ko ang oras, makakagalaw pa rin ang mga kalaban, samantalang kayo hindi. Mas mainam para sa kalaban yun." Explain ni Tao.
 
 
 
"Aish! Hindi nga pala sila natatablan ng kapangyarihan namin." Inis na bulalas ni Suho.
 
 
 
Lumapit siya sa 'tree of life' habang dumedepensa sa mga atake ng kalaban. Patuloy lang ang pag-supply niya ng tubig sa puno na nagbabadya nang malanta. Ganun din ang ginagawa nina Baekhyun na nagbibigay ng liwanag sa puno, si Lay na patuloy sa pagpapagaling ng parte ng puno na binabahiran ng kadiliman ng mga kalaban, at D.O. na binibiyak ang lupa sa paligid ng puno para mas mapadali ang pag-absorb ng tubig sa ugat ng puno.
 
 
 
20 segundos nalang ang natitira...
 
 
 
"Gawin na natin ang huling ritwal. Wala na tayong mapagpipilian pa ngayon kundi yun na lang." Sigaw ni Luhan sa isip ng mga kasama habang nakasampa sa alagang dragon ni Kris na lumilipad sa paligid ng 'tree of life', kasama si Kris.
 
 
 
"Ayon kay Kris, kung hindi sila natatablan ng direktang pag-atake ng kapangyarihan natin, subukan natin ang hindi direkta." Dagdag niyang pag-relay ng impormasyon sa mga kasama gamit ang kapangyarihang telepathy.
 
  
 
Tumalon naman mula sa dragon si Kris at lumipad papunta sa 'tree of life' kung saan nandoon ang iba pa nilang kasamahan.
 
 
 
"Xiumin, gumawa ka ng Ice barrier sa paligid ng puno. Chanyeol, tulungan mo si Xiumin, at gamitin niyo ang Phoenix mo para mapadali ang paggawa." Utos ni Kris sa mga ito.
 
 
 
"Copy!" Saka nila ginawa kaagad.
 
 
 
"Anong plano mo, Kris?" Nagtatakang tanong ni Suho.
 
 
 
"Basta, gawin natin ang ritwal sa paligid ng puno pagkatapos ng gagawin naming barrier. Sa ngayon, wag niyong patuluyin ang kalaban sa gagawin nina Chanyeol at Xiumin na Ice barrier. Gagawa naman kami ni DO ng Earth barrier. DO, tara." Saka dinala ni Kris si DO papunta sa dragon niya kung saan nandoon din si Luhan.
 
 
 
"Mag-iingat kayo." Paalala niya sa mga ito bilang isang leader.
 
 
 
"Suho hyung, sa kaliwa mo!" Sigaw ni Sehun.
 
 
 
Agad na nawala ang kadiliman sa kaliwang bahagi ni Suho nang dumepensa siya. Tanging nang-iinis na tawa na lamang ang naririnig niya mula sa pwesto doon. Ang mga kalaban nila ay parang maiitim na mga usok kaya naiiwasan lamang nito ang mga pag-atake nila. Ngunit ang plano nilang indirektang pag-atake, sa pamamagitan ng paggawa ng barrier upang hindi makalapit ang mga kalaban, ay isang magandang ideya, kung walang bahagi ng maitim na usok na makakapasok doon.
 
 
 
"Kai, Sehun, Ztao, Lay, Baekhyun, Chen, simulan na natin." Utos ni Suho.
 
 
 
"Di'ba, maaari nating ikamatay ang gagawin nating 'to?" Nag-aalalang tanong ni Chen.
 
 
 
"Ngunit para sa mundong ilang daang taon na nating ipinagtatanggol, simpleng sakripisyo lamang ito." Paliwanag ni Lay.
 
 
 
"Pero paano kung hindi tayo magtagumpay?" Si Tao naman na halatang nag-aalangan din at natatakot sa maaaring mangyari.
 
 
 
Sampung segundos na lang ang natitira bago matapos ang eclipse...
 
 
 
Agad na pumwesto sina Sehun, Kai, Tao, Chen, Baekhyun, Lay, at Suho sa paligid ng puno, base sa posisyon ng kapangyarihan nila. Isa-isa nilang inilahad ang kamay sa 'tree of life' habang inilalabas ang bawat kapangyarihan papunta doon.
 
 
 
Walong segundos...
 
 
 
Hinihintay na lamang nina Chanyeol at Xiumin sina Kris, DO, at Luhan na matapos sa ginagawa nilang barrier para maisara na nila ang inner barrier na gawa nila. Tama nga ang ideya ni Kris. Hindi na nagawang makapasok ng kalaban sa ginawa nilang barrier, dahil hindi naman ito direktang pag-atake.
 
 
 
"Alis! Aliiiis! " Narinig nina Chanyeol at Xiumin na sigaw nina Luhan, DO, at Kris.
 
 
 
Natapos na nila ang outer barrier ngunit may isa pa ring kalaban ang nakalusot na ngayon ay hinahabol sila para makapasok din sa inner barrier.
 
 
 
Limang segundos...
 
 
 
Agad na tumabi sina Chanyeol at Xiumin sa butas ng ice saka mabilis na pumasok mula doon ang tatlo sakay ng dragon. Agad namang sinelyuhan ni Xiumin ang butas upang hindi na makapasok pa ang kadiliman.
 
 
 
Tatlong segundos...
 
 
 
Agad namang pumwesto sina Xiumin, D.O., Luhan, Kris at Chanyeol sa posisyon nila para makumpleto na ang ritwal.
 
 
 
Dalawang segundos...
 
 
 
Nahati ang 'tree of life' sa dalawa at mula doon ay lumabas ang puso nito, ang pinakabuhay ng puno at ng mundo nila. Lahat ng kapangyarihan nila ay napunta doon, kaya unti-unti itong nagliliwanag at gumagawa ng nakakasilaw na liwanag. Mula sa iisang nakakabulag na liwanag, nahati ito sa tatlo kaya tumriple pa ang liwanag nito. Bawat isa sa tatlo ay nahati sa dalawa, hanggang sa bawat isa sa anim ay nahati rin sa dalawa. Ngayon ay meron nang labindalawang buhay at labindalawang kapangyarihan sa harap nila.
   
 
 
Time's up!

 
 
Nagkaroon ng malakas na pagsabog mula sa 'tree of life', na maging ang inner at outer barriers na nilikha ng labindalawang mandirigma ay nasira. Maging ang kadiliman ay nagipi dahil sa matinding pagsabog ng liwanag mula sa puno.
 
 
 
Tik-tak! Tik-tak! Tik-tak! Ang tunog na lamang ng malaking orasan ng mundo ng Exodus ang maririnig sa paligid.
 
 
 
 
Nagsilabasan na ang mga nilalang, na naninirahan Exodus mula sa pinagtataguan nila, nang mapagtanto nilang tahimik na ang paligid. Maliwanag na ang paligid dahil tapos na ang eclipse at wala na rin ang mga kampon ng kadiliman. Wala na ang mga elementong sumakop sa lugar nila ng ilang taon. Ngunit magmula sa panahong ito, wala na ang 'tree of life' sa kinatatayuan nito, kasabay ng pagkawala ng magigiting na mandirigma sa mundo ng Exodus. Ang buong akala nila, bumalik lamang ang mga ito sa bawat dimension nila, at magsasamang muli sa susunod na eclipse.
 
 
 
 
Dahil sa ginawa ng labindalawang bayani, kahit wala na ang tree of life, patuloy pa rin ang pamumuhay ng mga mamamayan doon. Nangangahulugan lamang, na ang pinakabuhay ng puno ay nag-eexist pa, at hindi nagawang masira ng kadiliman. Yun nga lang, wala silang ideya kung ano nang nangyari sa puso na siyang buhay nito at kung nasaan na ito ngayon. Hindi nila alam pati na rin ang kalagayan ng labindalawang mandirigma o ang itinuturing nilang 'guardians' ng 'tree of life'. Tanging assumptions lang ang meron sila.
 
 
 
 
"Para sa aming mga bayani, alam naming nagtagumpay kayong protektahan ang 'tree of life'. Hihintayin namin ang inyong muling pagbabalik." Usal ng sangkatauhan sa harap ng dating kinatatayuan ng 'tree of life' na siyang laging pinoprotektahan ng kanilang magigiting na mga bayani. "Maghihintay kami..."
 
   
 
 
 
***
 
 
 
Should I continue? Lol
 
 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Exodus: The Lost Planet (EXO FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon