Kisses POV
Kung nun nakaraan sabado hindi ako nakasipot dahil masakit yung tiyan ko ngayon , wala na akong kawala .. kung wala lang plus na grade dito hindi ako pupunta dito sa bahay ng mayabang na yun
Nandito ako sa labas ng unit niya inip na inip na ko ang tagal niya pudpod na yung kamay ko kaka doorbell
Baka wala siya dito maka alis na nga ng paalis na sana ako biglang bumukas yung pinto , nagulat ako sa itsura niya naka boxer shorts lang at nakapikit pa yung isang mata kakagising lang
"Sorry Panget kaka gising ko lang"
"Mukha nga sige tulog kapa pwede pa naman siguro nextweek"
"Hindi ngayon na mag aayos lang ako"hila sakin papasok ng condo
Akala ko ang makikita kong unit yung makalat dahil lalaki siya pero nakakgulat na ang linis ng unit niya at mukhang mag isa lang siyang nakatira
Pumasok siya sa kwarto niya at paglabas niya naka ayos na siya at may suot na din siyang damit
"ang aga mo ha ! 10 palang , excited ka talaga makita ako nuh"sabi niya sabay tabi sakin
"ang feeler mo inagahan ko para maaga tayong matapos may date pa ko" sabi ko sabay urong
"anong date ka jan ! kailangan ituro mo na sakin lahat at hindi ka uuwi hanggat di ko pa natutunan lahat"
"nababaliw kana ba ! tingin mo matuturo ko sayo yun lahat ng isang araw lang"
ahh basta hindi ka aalis hanggat hindi ko pa alam"sabi niya sabay tayo at punta sa kusina
"sige magluto na muna ko ha ! feel at home lang"
"Boset talaga haysss"
Paano na yung date namin ni Edward kaya ko nga inagahan e bwiset talaga yung mayabang na yun hindi pwedeng hindi kami matuloy ni Edward baka magalit sakin yun ngayon pang nararamdaman ko ng napapalapit na siya sakin at alam ko sooner or later aamin na din siya ng nararamadaman niya sakin
Marco POV
Date pala ha ! hmmmm asa nalang kung matuloy pa kayo hahahahaha (evil grin)
kailangan ko mag luto ng masarap tipikal na pang breakfast dahil hindi pa ko kumakain
Bacon, hotdog, ham, egg , juice, sinangag na may halong bawang na favorite niya at siyempre hindi mawawala yung pancake
May divider yung sala at kitchen ko kaya pinuntahan ko pa siya sa sala para yayain kumain at mukhang busy siya kakatxt tsk
"Tara na Kisses kain na tayo mukhang hindi kapa kumakain sa inyo"
"Wag na diet ako"
"Wag kana mag diet kasi kahit anong gawin mo panget kapa din"
"ang gawapo mo talaga nuh kung maka sabi ka ng pangit "sabi niya sabay irap
"Tara na dami pang arti"hila ko sa kanya sa may mesa
"Wow" napalingon ako sa kanya alam ko na paborito niya yun mga niluto ko pag breakfast lalo na yung pancake
Pinaupo ko na siya habang hinahain yung pagkain sa plato niya
"ang sarap marco magaling ka pala magluto saka alam mo to sangag na to paborito ko to pati to pancake"nakangiti niyang sabi
Ang sarap marinig sa bibig niya yung paangalan ko parang may init na humaplos sa puso ko at masaya ako na ako yung dahilan ng ngiti sa labi niya
"Parang yan lang"asar ko sa kanya
"Tssss"
"kala ko ba diet ka" asar ko ulit
"favorite ko to e kaya bukas nalang ulit"
Nakangiti siya habang kumakain , alam ko ang lahat sa kanya pati paborito niya at mga ayaw niya kasama ko siya nun mga bata pa kami kaya alam ko ito mga to , ito yung mga lamang ko kay Edward mas kilala ko si Kisses kaysa sa kanya
After namin kumain sinadya ko talaga ipakita sa kanya na hindi ko gets para matagalan kami
Habang sinasagutan ko yung quiz kuno na sinasabi niya nakita ko siya sa bandang terrace na may katxt siya kaya nainis ako at pumunta dun kinuha ko yung cp niya
"ano ba Marco ! akin na yang cp ko"inis na sabi niya
"Hindi ako iprioritize mo hindi yan katxt mo tara na turuan mo ko hindi ko magets"
"Hindi ko alam kung mahina ka or talagang sinasadya mo ala cinco na kailangan ko ng umuwi kaya akin na yan CP ko"
"Hindi ! hindi ka makikipag date tapos ang usapan kaya halika na sa sala at turuan mo na ko"
"Hays maaga ako tatanda sayo , akin na muna cp ko"
"makukuha mo lang to pag nagets ko na yung tinuturo mo"
"Bwisit ka !"sabi niya sabay punta sa sala kung san nakalagay yung mga gamit na ginagamit niya pang turo sakin
"Sorry ka nalang Edward pero sakin to araw na to" sabay sumunod sa babaeng umuusok sa inis :D
******
Wag mainis ;) Moment muna ng KissMarc
BINABASA MO ANG
Denial King Meets Beauty Queen
RomansaThis story is all about Kisses and Edward (KissWard)