Bakit ba ako'y 'yong iniwan?
Puso'y nadala sa'yong paglisan
Lungkot at pighati ang siyang naiwan
Ngunit pag-asa pa rin ang nasa isipan
Mundong ginawa para sa'yo
Pangarap na binuong kasama mo
Di inaasahan ang pagkawasak nito
Paraisong pinangarap ay biglang naglaho
Masakit mang isipin pero kailangang tanggapin
Paghihirap na ito'y kailangang tapusin
Magulo man ang mundo'y kailangang tawirin
Saya'y ibalik, sarili'y hanapin
Bakit kailangang sayo to maramdaman?
Kung di magtatagal at ako'[y 'yong iiwan?
Pagmamahal ko'y di man lang iningatan
Parang itinapon na lang sa basurahan...