CHAPTER 8

1.4K 42 0
                                    

Nakatulong ang alak na pumasok sa katawan ko kagabi para makatulog agad at magkaron ng sapat na pahinga para sa araw ngayon.

Simula ng bumalik ako dito sa Manila ay halos di na ako makatulog ng maayos, kagabi na lang ulit. Isa lang ang dahilan kaya ako nagkaron ng sleepless nights.

Si Mika.

Sinubukan kong hindi muna sya isipin, pero the more na iniisip kong wag syang isipin ay mas lalo syang pumapasok sa utak ko.

"Good morning!" nagbalik ako sa realidad nang may biglang umakbay sa akin. Si Riri


Napangiti ako agad. 


"Nuxx, makabati ka parang di ka puyat ah?" puna ko dito saka ako tumawa. 


"Mas naging ok yung pagtulog ko kagabi dahil sa sinabi mo, atleast ngayon di ko na kelangan iwasan si Jessey" 


"Ahh kaya naman pala, Bagong umaga bagong pag-asa" sabi ko dito habang naglalagay sa stante ng mga display na cakes. 


"Pag-asa saan?" 


"Ay sayo!!!!!!!" gulat na reaksyon ni Riri. 


"Saken?" 


Napalingon na ako sa bigla bigla na lang lumulusot na stick sa likod namen ni Riri simula pa kagabi.


"Jes!" bati ko dito, nanlaki naman ang mata ni Riri saka napaharap dito.


Tinignan ko si Riri saktong nakatingin din sya sa akin, kaya nginitian ko na lang sya, alam na nya ang ibig kong sabihin. OPLAN: MAke her feel extra special


"Good morning pretty stick, I-I mean Jessey" nakangiting bati ni Riri kay Jessey. Agad itong umalis at nagtungo sa kusina. 


Iiling iling lang ako natatawa sa kalokohan nya, pasundot sundot lang talaga syang umatake hindi nya yata kaya ng isang bugsuan. 


Nakakunot naman ang noo ni jessey na parang takang taka sa inasal ni Riri. "Problema nun?" napakamot sya sa ulo nya. "kahapon lang saka nung mga nakaraan di nya ko halos pinapansin at sinusungitan pa tapos ngayon may nalalaman pang pretty stick, and take note tinawag pa kong jessey ah" naguguluhang saad nito. Inayos nya ang kaha at nagrefill ng inkjet. 


Napangiti na lang ako, atleast effective yung mga tirada nya, napag usapan nameng baguhin ang diskarte nya, na imbis na lagi nyang aasarin yung isa eh bakit hindi na lang sya maging mabait dito, gawin nya yung mga bagay na hindi nakasanayan ni jessey, pwede naman yun eh, mas magiging madali sa kanyang makuha ang loob ni Jessey kung magiging mabait at gentle sya dito. 


"Wala ka bang napapansin sa kanya?" tanong ko


"H-ha?" napalingon ito sa akin, "Kanino kay Riri?" 


Tumango ako. 


"Uhm?" tumingin sya kay Riri na nasa kusina na halos abot tanaw naman mula dito. "Bagong gupit sya?" 

Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon