Chapter 11: Plysia

9.5K 381 3
                                    

"Hindi maaring mangyari ang nais mo, Simon!"

"At bakit naman hindi? Ara, they need it! They need us!"

"Labas na tayo sa problema nila! May sarili tayong problemang kinakaharap ngayon dito sa palasyo. Huwag na tayong makisali pa sa kanila!" sigaw ni Ara na siyang ikinailang naman ni Simon sa kanya.

Hinilot ko ang sintido at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa bangayan ng dalawa sa harapan ko! Napairap na ako habang nakatingin sa kanila dahil mukhang walang balak na huminto ang mga ito! Seriously? Hindi ba nila kayang mag-usap ng hindi nagsisigawan?

"Plysia needs help from the palace, Ara. Alam mo naman na hindi ganoon kalakas ang bayan na iyon." Mas kalmadong paliwanag na ngayon ni Simon sa kausap. Wala sa sarili akong tumango at napatingin naman kay Ara. Masama pa rin ang tingin nito kay Simon at ngayon ay namewang na sa kaharap nito.

"Ano bang gusto mong mangyari, Simon? Ang magpadala tayo ng mga kawal sa Plysia? We need more soldiers here, Simon! Alam mo ang sitwasyon natin ngayon!" Ara said, controlling herself not to shout again in front of Simon's face.

Napangiwi ako at hindi na napigilan pa ang sarili at nakisali na sa usapan nilang dalawa. "Hey." Iyon lang ang sinabi ko at mabilis na tumigil ang mga ito. Napatingin ang dalawa sa akin at parehong nakakunot ang mga noo. I sighed. "Send some of our soldiers to Plysia." I said with finality. Kita ko naman ang protesta sa mukha ni Ara. Akmang magsasalita na sana ito noong mabilis akong umiling dito. "Ilang kawal lang naman ang mawawala sa atin, Ara. Simon's right. Plysia needs help from us. After all, parte pa rin ito ng Xiernia. They're still our people. If they need help, then, we'll send someone to help them."

"My Queen, hindi pa natin kontrolado ang sitwasyon. We can't let our guards down. Lalo na ngayon!" Ara said, frustration is written on her face. Naiintindihan ko ang pinupunto nito ngunit hindi namin maaaring pabayaan ang bayan ng Plysia. Mga ordinaryong Xier lamang ang naninirahan Plysia. They need our help, lalo na sa sitwasyong kinahaharap nila ngayon.

"We're not letting our guards down, Ara. Hindi natin gagawin iyon. We're just helping and protecting our people, our kingdom. Hindi tayo puwedeng mag-focus lamang sa pagprotekta sa palasyong ito. May mga sinasakupan pa rin tayong pinamamahalaan at inaalagan," kalmadong wika ko na siyang ikinatahimik na lamang ni Ara sa kinatatayuan niya.

Xiernia is compose of five small villages. Plysia, Ferus, Trinx, Swinj at Ashien. At bawat village ay may namamahala dito. And it happened na nagkakagulo ngayon ang isa sa apat na village ng Xiernia. Mukhang nakarating kay Simon ang kasalukuyang sitwasyon doon at dumeretso na ito sa akin upang magpadala na nang tulong para sa Plysia.

Maingat akong tumayo at naglakad patungo sa bintana sa gawing kanan ko. Nasa private room kaming tatlo ngayon. Ito ang silid kung saan ang mga mahahalagang tao lamang ng Xiernia ang nakakapasok. And the three of us are here now to discuss about the problem we have in our kingdom.

Unang napag-usapan nga namin ang tungkol sa Plysia. Hindi pa kami makausad sa pagpupulong ito dahil una pa lang ay nagkasagutan na ang dalawang kasama ko. Napabuntonghininga na lamang ako at nilingon ang dalawang kasama ngayon. "It's been two years since I become the Queen of Xiernia and I still think that I don't deserves the throne. I still feel that I'm not that good enough to be called as the Queen of the fairies."

"Shanaya!" Halos sabay na banggit nilang dalawa sa pangalan ko. Napailing na lamang ako sa inasal ng dalawang kaibigan ko. It's good to hear them calling me by my name. Simula kasi noong naging reyna ako ay hindi na nila ako tinawag sa totoong pangalan ko. They always called me as Queen, My Queen or even Your Highness.

Bumaling muli ako sa labas ng bintana. Tahimik kong pinagmasdan ang luntiang kagubatan ng Xiernia. I sighed at closed my fists firmly. "This will be a tough fight for us," marahang sambit ko. "The current situation we have is getting worse. The ministers of the palace should elect their next highest rank as soon as possible. Nagpasya na rin akong hindi makisali sa pagpili nila. I trust them. Hindi naman sila pipili ng miyembro na hindi karapat-dapat sa bakanteng posisyong iniwan ni Henry." I sighed for the nth times and when I remember the biggest threat we have right now, I questioned again myself about the decision I've made before.

Shanaya: Queen of the FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon