Chapter 24

16 0 0
                                    

Andrea's Pov

Pauwi na kami sa pilipinas,  noong una ayaw talagang sumama ni Zachary sa akin dahil daw hindi niya ako kilala pero ng kinausap siya ng nga magulang niya e napapayag naman nila ito.

"A-are you really my wife?" tanong uli nito saakin,  nakailang beses na siyang nagtanong kung asawa ba daw niya talaga ako o asawa ko daw ba talaga siya. Tumango na lang ako sakanya.

"But I can't remember you" wika nito ng nakanguso,  pang ilang beses na rin niyang sinabi yan at sa tuwing sinasabi nitong hindi niya ako maalala e parang may kung may milyong milyong karayom na tumutusok sa puso ko.

Nginitian ko siya at saka ko hinaplos ang mukha niya bahagya itong lumayo saakin kaya nalungot ako sa inasta niya.

"I'm sorry I didn't mean to, Ugh!  You know I really don't remember you so I'm not comfortable to you." nahihiyang litanya nito.

Napangiti na lang ako ng malungkot at saka yumuko. Hays,  Don't cry Andreaaa!  Pumikit na lang ako upang pigilan ang nga luhang nagbabadyang tumulo.

"Miss,  I'm sorry. I didn't mean to hurt you" narinig kong sabi nito na may himig pag-aalala ang boses.

"N-no,  It's o-kay." sagot ko sa medyo garalgal na boses.

"Are you sleepy? You can lean on my shoulder" magiliw na sabi nito sa akin na. Napatingin naman ako sakanya dahil sa sinabi niya.

"No,  It's okay,  Don't mind me. I can take care of myself" halos bulong na sagot ko sakanya.

"Are you crying miss?" nag-aalala nitong tanong at hinaplos ang pisngi ko. Nagulat ako sa inasal niya.

Dahil sa labis na emosyon at pangungulila sakanya ay nayakap ko sya ng mahigpit. Naramdaman kong nanigas siya, mga ilang minuto ang nakalipas ng maramdaman kong niyakap din ako nito pabalik. Ang sarap lang ng ganitong feeling. Sana normal na lang ang lahat. Unti unti akong kumawala sa pagkayakap sakanya at napayuko.

"I'm sorry,  I just miss you so much" nahihiyang sabi ko rito na hindi tumitingin sakanya.

"It's okay Miss, Come on lean on my shoulder,  you need to rest don't be shy. Besides,  you told me I'm your husband right?" sabi nito saakin. Napangiti ako sa sinabi niya,  Atleast he knows that he is my husband now. Tinatawag niya akong Miss,  ewan ko sakanya dahil kahit sinabi ko na ang pangalan ko sakanya ay miss pa rin ang tawag niya saakin.

"Nabanggit mo sakin na may anak tayo.  Do they look like me?" nakangiting tanong nito saakin.

"Yes,  They look like you our baby boy is a small version of you. You even have the same attitude" natatawang sabi ko rito. Nakita ko naman na kumislap ang mga mata nito na para bang naeexcite sya sa mga kwinekwento ko.

"Really? How about my daughter?" nakangiting tanong nito saakin.

"Of course,  we have the same attitude. Anong gusto mo sayo lahat? Ako kaya nahirapan sa panganganak!" nakangusong sagot ko sakanya,  tumawa lang naman ito saakin. Kahit papaano naman mabuti ang turing niya saakin.

Madami pa kaming napagkwentuhan hanggang sa nakaramdam na ako ng antok.
Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. At saka Pumikit naramdaman kong may tumititig saakin kaya nagmulat ako ng mga mata ko.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay ang mga mata niya agad ang sumalubong saakin. Nagulat naman ako at agad umayos ng upo.

"Sorry," nahihiyang sabi nito sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at siya na mismo ang nagpatong sa ulo ko sa balikat niya.

"Sleep now" nakangiting sabi nito saakin. Pinikit ko na ang mga mata ko ng marinig kong bumulong ito.

"Hindi man kita maalala alam ko namang may malaki kang puwang sa puso ko." narinig kong bulong nito bago ako nakatulog.

Someday baby,  Someday.
-
626 words
Enjoy reading!

Doll Of The Heartless BeastWhere stories live. Discover now