Chapter 25

19 1 1
                                    

Andrea's Pov

"Mimiiiiiiiiiiii!" magiliw na salubong sakin ng anak kong babae nang pagkapasok ko sa bahay. "Mimi,  I miss you so much po" pinalungkot pa nito ang kanyang boses saka ako niyakap ng sobrang higpit dahil sa maliit siya umupo ako para magkapantay kami at ng mayakap niya ako.

"Mommy misses you too baby" sagot ko rito at niyakap siya pabalik.

"Mommy!" sigaw ng anak kong lalaki at tumakbong lumapit saakin at saka yinakap ako ng mahigpit. Kahit sobrang suplado ng anak kong ito ayaw niya naman ng nawawala ako sa paningin niya. Minsan nagtatapang tapangan lang siya. One thing I love the most about Zio,  He loves me so much kapag nakikita na niya ako umiiyak. Nagagalit siya sakin at parang tatay ko siya nanenermon saakin. Sabi pa nga nito dati aawayin niya daw ang nagpaiyak sa akin. He loves me so much na pati sa kapatid niya pinagdadamot niya ako.

"Namiss mo naman sobrang ang mommy" inaasar ko siyang sinundot sa tagiliran kaya napanguso ito.

"I didn't miss you that much mommy ah" nakanguso nitong sagot saka yumuko. Nakita ko pang namula ito. Indenial ang anak ko. Hahahaha!

"Hey" bati ng nasa likuran ko,  lumingon ako rito at nakita kong bitbit bitbit nito ang mga maleta namin. Oo,  maleta namin dito na kasi kami magiistay. Syempre hindi dito sa bahay ng mga magulang ko kundi sa bahay namin mismo.

"Dada" gulat na sabi ng babaeng anak ko at bahagyang nagning ning ang mga mata nito. "Dadaaaaa!  Waaaa. You're awake na po." maiyak iyak nitong wika at niyakap si Zach. Dahil sa maliit ito binti lang ni Zach ang nayakap niya.

Tinignan ako ni Zach na nagtatanong,  tinanguan ko lang ito at nginitian. Binuhat nya ang anak naming babae at saka niyakap.

"You must be Zia?  My little Princess" magiliw na sabi nito kay Zia at nilaro laro ang kamay nito.

"Yes dada, I love you dada." wika nito at hinalikan ang pisngi ng ama niya. Napangiti naman ako.

Napadako naman ang tingin nito kay Zio. Napatingin rin ako rito,  mukha namang wala lang rito na nasa harapan niya ang kanyang ama pero alam ko na sabik din siya sa ama niya kaya lang manang mana talaga ito kay Zach na may kataasan ang pride kaya hindi ito lumapit sa ama at nagsimulang maglakad pabalik sa kwarto nito.

"Hey. Zio right?" tanong ni Zach sa anak naming lalaki. Lumingon naman si Zio saka tumango.

"I look like you when I was a kid." nakangiting sabi ni Zach sa anak niya. Parang amuse na amuse ito sa nakikita.

"Really?" bored na tanong ni Zio sa ama.

"Zio!" saway ko rito kaya napairap lang ito.

"So you must be our little Pri--" hindi na naituloy ni Zach ang sasabihin ng sumabat agad si Zio.

"I'm no Prince,  I'm mom's hero" sabi nito at saka tumalikod at dali daling umakyat papuntang kwarto niya. Tinawag ko oa ito ngunit hindi lumingon at nagtuloy tuloy lang sa pag lalakad.

"pasensya kana kay Zio,  Zach" hinging tawad kong wika sa kanya.

"It's okay Andrea" nakangiting wika nito ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nito.

"Dada,  Maybe kuya is not in the mood po." litanya naman ni Zia saka niyakap ang leeg ng ama nito.

"Don't worry kakausapin ko si Zio" nakangiting sabi ko rito. Tinanguan niya kang ako at saka nginitian ng malungkot

Paakyat ako ngayon papuntang kwarto ni Zio,  kakausapin ko ang anak ko. Yung mag-ama naman nasa kwarto ni Zia,  maglalaro daw sila. Sabik na sabik talaga si Zia sa kanyang daddy. At alam kong nasasabik din si Zio sa kanya kaya nga lang medyo ilag siya sa kanyang ama. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Zio.

"You can come inside mom." malungkot na wika nito.

"How did you know that I was the --" pintulol na nito ang sasabihin ko saka siya sumagot.

"You always come to my room when I did something bad. And what I did to daddy is bad." nakayukong wika nito at nilaro laro ang kanyang mga daliri.

"Why did you do that to your daddy baby?" mahinang tanong ko sa kanya at umupo sa tapat niya.

Malungkot niya akong tinignan saka sinagot ako nito ng para bang iiyak.

"He is the reason why you are crying every night when we we're in the US." nagulat ako sa sinabi nito. Alam niya na umiiyak ako gabi gabi dahil sa nangyari kay Zach. How did he know?

"I always check your room at midnight to check if you're sleeping." napatingin ako sakanya,  Zach is like this when we were kids. He is really my little Zach.

"I love daddy but he always make you cry so I can't accept him easily" my son is so protective. Kahit ng tulog pa si Zach,  parang nasa tabi ko lang siya ng dahil kay  Zio.

Tumulo ang luha ko dahil sa mga pinagsasabi ng anak ko. Nang makita niyang naiyak ako ay dali dali nya itong pinunasan gamit ang mga maliliit na kamay nito.

"Shh.. Mommy don't cry po. Am I also bad? You are crying because of me!" wika nito at parang paiyak na rin siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at umuling.

"No baby,  You're not bad. Mommy is just happy because God gave me a son like you." Bulong ko rito ng nakayakap pa din.

"But promise mommy you'll try to accept daddy okay?" wika ko ng bumitiw ako sa pagkakayakap. Unti-unti naman itong tumango.

"Yeah mommy,  for you I'll try." casual na litanya nito.

"Thank you baby" I kiss him on his forehead. Yinakap niya ako ng mahigpit, kailan kaya uli ako yayakapin ni Zach ng ganito kahigpit?

-

950 words

This chapter is dedicated to Ate Klarrise Izon. 😘
Enjoy reading. 💋

Doll Of The Heartless BeastWhere stories live. Discover now