chptr .1

15.2K 265 3
                                    

Panibagong umaga para sa inyo at napaka lungkot naman para sa akin. Isang linggo na din ang nakakaraan buhat ng mangyare ang hindi ko inaasahan.

Kriiing~ kriiing~

Hinanap ko kung saan nang gagaling ang tunog, nasa ilalim pala ng kama. Hehe!

"Yes hell---"

"Beeeeeesh! Omg beeeesh!"

"Problema mo? Aga aga nag hihihiyaw ka jaan! Nabubulabog ang beauty rest ko dugyot!" Bulyaw ko naman.

"Besh naman! Hindi naman ako dugyot e. Maganda ako, maganda!" Pag mamaktol nya. Sya ang bestfriend ko si Mae Aguado.

"At ako ang dyosa ng magaganda! Ano ba?! Bat ka tumawag?" Bara ko nmn saa kanya. Muwahaha!

"Ayy bismud! Haha. May alam na kong mapapag applyan mo! Fit na fit ka dun!" fit daw! Baliw talaga to. Psh

"Sigurado ka jan mahye ah! Nung nakaraan muntik mo na kong ibenta sa masa." Tumayo na ko sa kama. "Pag to hindi fit. Sisiguraduhin kong ipi-fit ko sayo yung palda ng pinsan mong 8yrs old!" Nang gagalaiti kong saad. Naalala ko nanaman yung manyak na lalaki sa pinag applyan ko. Ayts!

"Ang hard mo talaga sakin besh! Huhuhu." Pag iinarte nya. "Pero basta, sure na ko saa nasagap kong chismis! Itetext ko sayo yung address. Ba-byee na."

"Ge na! Babush. mwaa!" Pagka baba ko ng tawag, maya maya lang nagtext na si Mahye.

From: Besh Mahye

Fort International Corporation. Lot303 west wing building. Ingat besh! Mwaa.

Hindi na ako nag abala pang replyan sya. Hahaba lang ang convo dto! Hindi naman to text serye.

Nang makapag ayos ako e naghanda na din akong umalis. Hoooo! Keribengbeng ko to, pag narapee ako humanda talaga yung dugyot na yun sakin!

~•~•~•~

Habang nag lalakad ako papunta sa kanto, nag titingin tingin din ako ng mga naka paskil na Hiring sa mga poste at pader. Bakit kamo ako nag lalakad? Syempre nasa looban ang bahay na inuukopa ko, ginawa iyun ni papa para sa amin. Hays naalala ko nanaman si papa ko. Mas malapit kase ako sa kanya kaysa kay mama. Tuwing naaalala ko kung anong ibinilin nya sa akin nuong huling hininga na nya, nangangati yung kamay kong konyatan yung tatay kong yun! Matapos nya kaseng ibilin sa akin kung saan nya itinago ang konting naipon nya ay may isa pa syang hiling. Ang makapag asawa ako ng 4 na M! Matandang Mayamang Madaling Mamatay! Instant tumigil ang luha ko at umikot ang mata ko, mga 360°. -.-

Maya maya pa'y nasa kanto na ko. Hindi naman mahirap sumakay dito kase malapit lang ang pila ng jeep. Sumakay din ako kaagad, malamang! Umaano ba sa jeep. Duh!



Medyo matagal din ang naging byahe ko. "Sa tabi ho" hiyaw ko sa driver, lupet maka soundtrip ni manong. Iba naman ang kinakanta sa tumutunog. Bingi pa ata! -.-

Nag lakad lang ako tapos kumilo, then biola! Ang laki, ang laking building nito. Nakaka windang. Jusme ito na talaga to! Wala ng atrasan. Pumasok na ko't binigyan naman ako ni manong guard ng Applicant ID.  Diz iz itz!

My Boss My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon