Akala ko masakit na yung maturukan ka ng injection, yung mapaso ka sa kumukulong tubig, yung makaapak ka ng bubug pero wala ng sasakit pa pagnalaman mong yung taong gustong gusto mo na yung taong mahal na mahal mo….may mahal rin palang iba :(( Pero hindi pa rin ie akala ko mas masakit na yung nalaman mong may mahal na rin yung mahal mo pero sa nalaman ko? May mas sobrang sasakit pa pala dun..
Eto na ‘to..ewan ko if its a good news or a bad news..hindi ko rin alam either lulundag ako sa tuwa o malulungkot at maiinis ng bonggang bongga.. masaya na ie..kasi kahit papano may alam ako sayo. .alam ko na kung ano oras ka papasok kung anong oras matatapos klase mo kung kelan birthday mo. . pero sa nalaman ko.. alam mo?? mas accept ko pa kung may girlfriend ka pero yung…..uh! di ko kayang sabihin..#naman! >.< Ayoko! Ayokong paniwalaan ang aking hinala.bakit? bakit ikaw pa? bakit ikaw pa na mahal ko? Magulo ba kong kausap? Gusto mo bang malaman kung ano ba talaga pinagsasabi ko? Eto ang aking kwento…
Ako si Julie Anne San Jose but may friends call me Julie, Lieanne, Japs. A 17 years old teenager… Isang akong tahimik na tao pero medyo may pagkaKULOG (: lalo na pagkasama ko mga kaibigan ko.. Status? SINGLE for almost a year. Yeah! Still counting. Sam is the name. The one I fell deeply in love with. He’s been my friend, my bestfriend, my partner and my 1st boyfriend. We love each other so much. Everything is almost perfect so I don’t know what went wrong. One time, he suddenly left out of the blue. And until now I still have no idea why he just left me without bidding goodbye. I felt so alone. I miss his text saying ‘Goodmorning’, ‘Kumusta na?’, ‘Kumain ka na ba?’ ‘Wag papagutom ah’, ‘Ingat ka lage’and most especially ‘always remember I’m always here for you. I love you’ Hindi ko alam kung makakaya ko ba ng wala siya. Siya na laging andiyan at nakasanayan ko na. but one time I met this guy who change everything..
Let the Sun shine, let the rivers run away..coz’ it’s a beautiful day now to play now… yan ang paulit-ulit na aking kinakanta tuwing umaga. Pagpasok ko sa foodcourt bumungad agad ang aking mga kaibigan sina Maqui (pots) at Wynwyn (yabs) at as usual late na naman si Sarah (mhie) .
“Hi Julie” bati ni Maqui na nakatingin lang sa cellphone.
Siya si Frencheska Farr. ‘Maqui’ for short. Unang naging close ko sa kanilang tatlo.
“Ish! Nakakainis talaga ‘to” inis na sabi ni Maqui.
Ganyan talaga si Maqui! Katext na naman kasi niya ang makulit nitong manliligaw. Nakakatawa nga eh kasi biruin mo nanliligaw si Jay Perillo sa kanya ng ilang taon na pero hanggang ngayon hindi pa siya sinasagot ni Maqui. Bilib din ako sa kanya kasi hindi ka niyan papabayaan asahan mong andiyan siya lagi para sa’yo. Ang Fearless Lady sa grupo. Laging nagpapatawa pero wag ka! Wala yang inuurungan. In sickness and in health..till’ Ooops! Mali! Ahaha Rain or Shine always andiyan para sayo. Pag-once na may nang-away sayo.. ha! for sure mag-expect ka na ng WWIII ((:
“Bat di mo nalang kasi sabihin na ayaw mo sa kanya?” sabi ko sakanya.
“Oo nga naman Maqui para hindi naman siya mag-mukhang tanga kaka-antay sa wala” dagdag naman ni Wynwyn.
Siya naman si Wynwyn Marquez. Ang fashionista sa aming apat. Bukod sa pagiging kikay nito mahilig din itong mag-boys-hunting kasama si Maqui. Nakakapagtaka nga lang kasi imbes na nanlalaki ang mga mata twing nakakakita ng ‘cute boys’ ika nga nila ni Maqui lumiliit na kumikislap ang mga ‘to. Kaya tuloy kami ni Sarah nahahawa na rin. Maliban sa pag-boboys-hunting nito, may isang lang naman talaga siyang kinakikiligan eh.. ang boy next door na si Rocco Nacino. Isang dancer ng isang sikat na dance group sa school namin.
YOU ARE READING
You're Just A Dream
Teen FictionP.S: I choose to love him in silence, for in silence I feel no rejection. I choose to love him in my dreams, for in my dreams no one owns and love him more than me ((: