Matapos ang gabing iyon, hindi na mawala sa isipan ko si Yuan. Hindi niya alam na sa simpleng gingawa niya kahit ang pagsusuplado o pang-aasar niya sa akin ako ay hinay-hinay ng nahuhulog sa kanya.
I don’t know what to do.
Hindi ko rin naman alam kung ano ang nararamdaman ni Yuan sa akin, probably kaibigan lang. Nasasabi niya lang siguro ang mga bagay bagay na iyon dahil nagging comportably na siya sa akin.
At alam ko na may mahal talaga siyang iba. Alam kung mahal na mahal ni Yuan si Empress, kita ko sa ngiti at sparkle sa mata ni Yuan na mahal na mahal niya ito noong nakita ko sila sa cafeteria. Ayaw ko rin namang makigulo sa kanya.
Hay! Naku kahit kalian talaga lagi nalang akong palpak.
Nag lakad2x ako sa may park, baka mawala sa isipan ko si bossing. Ayaw ko pa naman ma stress baka pumangit ako.
Naglaro mo na ko sa swing kasama yung mga bata. Enjoy din pala ano, no wonder paborito ko ang paglalaro sa swing noong bata pa ako.
^_________________^ it reminds me lage akong nahuhulog sa swing at iiyak tapos tinatawanan lang ako ni King dahil ang pangit ko daw tingnan pagkatapos maglalaro nalang kami ng habulan at ako lage ang taya. Hindi ko rin makalimutan ang mga raw na iyon.
Sana bata nalang ako lage para ang magiging problema ko ay ang sugat sa paa ko lang. Yung masaya na ako kung makakain na ako ng ice cream.
Pero ngayon! Ewan ko ba!
Nakakaloka!
“Hey! Alam mo bang para sa mga bata lang ang swing?” sabi ng napaka pamilyar na boses.
Ng tumingala ako agad kung nakita si Near sa harapan ko may hawak na dalawang ice cream.
“Ne-Near?” shock na sabi ko.
“You look nice but problematic unlike noong first nating pagkikita. You look horrible but happy.” Sabi nito sabay abot sa akin sa ice cream at umupo sa kabilang swing.
Ang gwapo talaga ng batang ito and as usual kung maka-asta parang ang laki-laki na niya.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.
“Kakanta ako mamaya dito sa park tumakas lang ako sa maneger ko.” Sabi nito.
“Teka ang bata2x mo pa may gig at nagtratrabaho ka, hindi ka ba nag aaral?” sabi ko.
“May personal teacher ako, siya mismo yung pumupunta sa bahay naming kung wala akong trabaho.” Sabi nito.
“Yaman mo rin naman pala. Salamat sa ice cream ha.” Sabi ko.
“Nahulog na yan sa may basura kinuha ko lang para ipakain sayo.” Sabi nito.
Agad akong napa ubo sabay tigil sa pagkain ng ice cream ko.
“Ang sama mo naman!” na uubong sabi ko.
“Uto-uto! Naniwala ka naman.” Sabi nito.
“Lang hiya ka pano ako hindi maniwala sayo eh ang siryoso mo kaya kung magsalita jan.” sagot ko.
Tumawa lang ito at napatawa nalang din ako.
“Ayan, you finally smiled that’s the only thing I want to see. Cheer up hindi bagay sayo maging seryoso ang pangit mo tingnan." sabi nito.
“Tama ka!” sabi ko.
Biglang Tumunog yung phone ni Near.
Tumayo naman ito para sagutin.
“What?... I can handle myself. Yeah… I’m not a kid anymore. Stop acting like you care okay! Stay out of my life. Damnit!” rinig ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
HapPy LoVe: 100 days with the Royal Snob
RomanceBroken hearted, and desperate to look for a boyfriend... Quincy the easy-go-lucky, none-stop-talking-machine girl wishes a revenge sa ex-boyfriend niya na nakita niya na may kahalikang babae sa parking lot. Burst out in anger sinira niya ang napakam...