Fifteenth Assassination "Training"

94 5 0
                                    


**

"prrt!!! Bilisan nyo pa ang pagtakbo!! Mas malala pa ang susunod nito!!!" Sigaw ni prof. Arthur sa amin.

Tumakbo kami ng mabilis sa court (our own court).

Wait maybe nagtataka kayo kung bakit kami tumatakbo? Well it started with this.

****

Pagkarating ko sa school pumasok na ako sa room at umupo sa upuan ko. Nang mag simula ng mag bell agad naman silang nagsipasukan at umupo na ng maayos.

Pumasok na rin si prof. Kram nang hindi man lang namin napansin. Pero nasanay na kami sa kanya.

"Good morning class. Si prof. Arthur ang magtuturo sa inyo ngayong araw." Sagot nya

"Bakit po?" Tanong agad ni Aira.

"You will have a training" bigla namang sagot ni prof. Arthur sabay pasok sa room.

"TRAINING!?" Sabay naming sagot.

"Yup. We will first train sa court! Then the next stage of hell will begin" sagot ni prof.

****

Kaya ito kami ngayon. Mabilis kaming tumatakbo at kailangan kaming dumaan sa pamatay na mga obstacles. Part daw sa training.

E KUNG MAMATAY KAMI!? PART SA TRAINING!?!?

napasapo nalang ako sa noo ko at dumaan sa isang ewan na daanan.

Habang tumatakbo lang ako may biglang lumipad na daggers sa akin.

"Waaah!!" Sigaw ko at mabilis na inilagan ang mga ito "are they trying to kill me!!" Inis kong sagot nang malagpasan ko 'yun.

"Nope. But you did great. Inilagan mo ng mabilis ang mga daggers. I'll give 1 point" sagot ni prof. Kram at umalis na para obserbahan ang iba.

Nag patuloy lang ako sa pag takbo.

"Yo Rain! Nadaanan mo ba?" Tanong ni Jun while running along with me.

"Ahh yung pamatay na mga patibong na ewan?" Tanong ko, naninigurado kung tama nga ba ang sinabi ko.

"Oo" sagot nya naman sabay tango.

"Yup! Muntik na nga akong mamatay nun e! Phew!" I said sabay punas sa pawis ko raw--pero wala naman.

"Ako nga rin e huhu" mangiyak nyang sagot.

"Welp, wala na tayong magagawa-- waoh!" Napatigil ako sa pag takbo nang makita ko na dead end na ang daan at may mga tinik sa walls.

"We better stay away here, baka may mga traps dito na *snap*--"

Nagtinginan kaming dalawa sa isa't-isa.

"What was that?" We both said to each other.

Then may narinig kaming creak sa likuran namin. Kaya nilingon naming dalawa ang wall na may mga tinik. Napasigaw kami nang biglang lumipad ang mga tinik sa amin.

"TAKBO!!" sigaw naming dal'wa

Nagmadali kaming tumakbo palayo sa place na 'yun at pinilit na ilagan ang mga tinik.

Nagulat naman ako nang tinulak ako ni Jun, kaya nabangga ang likuran ko sa ding ding. Habang sya naman ay yumuko.

Patuloy parin ang pag tira ng mga tinik. Natamaan ako sa may braso ko at sa aking paanan. Si Jun naman nagkasugat din kanyang kamay, braso at sa iba pang parts ng katawan nya.

"Jun! We gotta run! Gumapang lang tayo ng mabilis" sagot ko.

"Okay" sang-ayon nya sabay tango.

Walang ano-ano't gumapang kaming dalawa palayo sa mga tira ng mga tinik.

Operation: Assassinating our Vampire Teacher. (TYPING...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon