(Una sa lahat ay hindi po ito kanta. Ito po ay ang aking unang tula dito sa wattpad. Ito po ay dinededicate ko sa Idol ko na sa Mimi Bernal oh mas kilala sa tawag na mimhytot na nagsulat ng sikat na sikat na LET ME BE THE ONE. Out na po sa mga bookstores ang libro nya, bili na po kayo at di kayo magsisisi. Salamat sa kanya, naiinspire akong magsulat. Yun lang . Labyu Ms. Mimi at sa mga kapwa kong stars nya :)
________________________________________________________________________
Lunes, nang ako ay iyong nakita
Kinuha mo ang aking numero
Di yata ay na lab at pers sayt ka
Binigay ko naman, gwapo ka eh papakipot pa ba?
Martes, may nagtext ng “goodmorning ganda”
Agad akong nagreply ng “Who You Sino ka?”
“Ako yung kumuha ng number mo”
Ah ikaw pala
Kumustahan agad, kahit kahapon lang tayo nagkita
At dun na nga nagsimula ang ating istorya
Miyerkules, nang sa Facebook akoy iyong ni add
Aarte pa ba? Syempre inaccept ko agad
Kailangan ko rin sulitin ang Free Facebook hanggang January 25
At tayo ngay nagumpisa ng magchat at video chat
Huwebes, nang sa akin ikay nagtapat
Sabi mo mahal mo ako, at ikaw ay tapat
Napatulala ako , hindi ako makareact agad
May ganun bang pag ibig? Agad agad?
Ngunit dahil sa kasweetan mo, kilig ay sumagad
Sagad sa buto, nadamay ang puso,nawala utak ko
At yun nga, bigla akong napa OO
Biyernes, nang tayo ay magpunta ng park
Tayo na e, dinate mo ako kahit mukha akong haggard
Ang gentleman mo pa, kaya minahal kita agad
Walang nangyari no, asa kayo, dalagang pilipina pa rin ito.
Excited Much?
Sabado, sobrang saya ko
Sa sobrang saya ko ay nagselfie agad ako
Inupload sa Facebook at naghashtag ng ganito
#Feeling Loved with my labidabs
Ngunit ito rin pala ang araw na magiging sawi ako
Tumawag sa akin ang asawa mo. Uo asawa mo!
Wag daw kitang landiin. Ang kapal mo gago!
Batang ama ka pala at tatlo na ang anak mo
Ang sakit! F*ck You! Iiyak ko na lang to T__T
Linggo, sakto makikimisa ako
Panigurado, alam mo na ang idadasal ko
-the end-