KAIBIGAN

81 1 0
                                    

Kaibigan?

Sila 'yung nagpapangiti sa nakasimangot kong mukha,

Ang nagpapasaya sa sugatan kong puso,

At nagbibigay kulay sa malungkot kong mundo

Sila 'yung nag aalala sa akin,

Ang nagpapalakas ng aking loob

Sa t'wing gusto ko ng sumuko,

Sila ang aking pag-asa

Sila ang aking inspirasyon,

Ang sumusuporta sa aking mga desisyon,

Ang nangangaral sa akin,

At ang aking takbuhan

Sila 'yung mga taong hindi ako iniwan

Sa lungkot man at sa saya

Mga taong nagmamahal sa akin ng tunay

At kailanman ay hindi ako binigo.

Sila ang aking pangalawang pamilya

Ang nagpapalabas ng tunay na ako

Mga taong tanggap ako 

At kailanma'y hindi ako hinusgahan

Sila ang aking mga tagapagtanggol

Mga taong hindi ako hinahayaang maapi

Ang pumoprotekta sa akin

Physically o emotionally

Mga biyayang bigay ng maykapal, 

Ang aking kayamanan

Mga anghel ng aking buhay

'yan ang mga kaibigan ko

                                                             -Sunshyn ♥

KAIBIGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon