Back to normal na lahat at lumipas na ang ilang araw simula ng magulo ang grand ball at nahospital ako at ngayon nandito na ko sa ilalim ng puno sa paboritong tambayan namin ni daniel nag iisip ng malalim at nakatulala. Higit sa lahat wala na kaming tinatago sa Asia University dahil alam na nilang si Kath Bernardo ay may bestfriend na mahirap pero gwapo kaya ngayon takaw atensyon na sya natatakot ako na baka hindi na nya ko mapansin dahil sa marami na din nakikipagkaibigan sakanya. Kahit na ang iba panget ang bulong bulungan dahil sa mahirap sya ang iba naman gustong gusto sya at alam nilang hindi sya pwedeng gawan ng masama dahil sa magagalit ako.
"Oy boo lalim ah" - daniel
"Lalim ng ano?" - tanong ko kahit alam ko naman ang sagot
"Ang lalim ng iniisip mo" - sabay akbay nya sakin
"Hindi naman" - sagot ko
"Hindi daw nakatulala ka pa nga" - sabi ni daniel
"Ikaw kasi simula ng nalaman nilang bestfriend kita halos lahat dumidikit na sayo" - sabi ko
"Alam mo ansaya nga eh kasi wala na tayong tinatago sa mga tao" - sabi nya ng nakangiti
"Ayun na nga eh wala na tayong tinatago pero parang mas gusto ko pa yung tago dahil walang ibang dumidikit sayong babae" - sabi ko sabay yuko
"Nagtatampo ka ba boo?" - tanong nya
"Hindi ba halata?" - tanong ko din
"Halatang halata" - sagot nya
"Halatang halata naman pala nagtatanong ka pa" - sabay tayo aktong aalis na
Pero tumayo si daniel para pigilan ako at niyakap nya ko na kinagulat ko.
"O_O" - reaksyon ko
"Boo, kahit lumapit silang lahat ikaw ang nag iisang bestfriend ko" - bulong nya sa tenga ko habang nakayakap
"Talaga?" - tanong ko ng pabulong lang din
"Iloveyou boo" - bulong nya
"Iloveyoutoo boo" - sagot ko
"Wag na magtatampo ok?" - tanong nya sabay tingin sa mata ko
"Try ko" - sagot ko
"Tara pasok na tayo" - pag aaya ko
Dahil sa pwede na kaming magsabay o magkita kahit anong oras lahat pwede na ang gaan sa pakiramdam na may halong bigat.
"Tara hatid kita sa room mo boo para hindi ka na nagtatampo" - pag aalok ni daniel
"Talaga ^_^ sige sige gusto ko yan" - tuwa kong sagot
Habang naglalakad kami marami ang bulungan na naririnig ko.
"Bagay sila"
"Magbestfriend lang daw yan"
"Gwapo yung lalaki kaso mahirap daw"
"Gwapo naman eh"
"Gusto ko sya"
Nang marinig ko ang bulong na gusto ko sya nag init ang tenga ko kaya humawak ako sa braso ni daniel at umacting na masakit ang ulo.
"Ohh boo bakit?" - tanong ni daniel
BINABASA MO ANG
I fall in love with my best friend secretly (KATHNIEL)
FanfictionHindi kailangan na laging lalaki ang naninindigan sa isang bagay, paano kung magkaiba kayo ng mundo? Ano ang gagawin mo?