Chapy 40: Move Forward

34 1 0
                                    

(((Skyler's POV)))

Habang hinihintay ko si Keira sa labas ng gate namin, nag s-scroll ako sa news feeds ko, nang biglang lumabas ang video ni Keira na kuha nung mga panahong muntik na syang lamunin ng pag-ibig, which is last month lang.

Few weeks ago, ang babaeng naaapi sa video ay ang babaeng tumulong pero nanlait at nang-insulto sakin. Pero last week lang, nang maka-inuman ko sya, niliwanagan nya yung mundo kong malapit nang lamunin ng dilim, nilinaw nya lahat ng mga bagay na para sakin malabo, binuksan nya yung utak ko na matagal nang sarado, at higit sa lahat, tinuruan nya ako kung paano magbago.

Kahit na may tama na sya nung mga oras na yun, lahat ng sinasabi nya sakin, talagang sumasapol sa mukha ko. Dahil sa mga sinabi nya, kahit pakonti konti, I can say that I'm starting to move forward.

And I must say, it's because of that bitch campus girl.

Nang matapos kung mapanuod ulit ang video, saktong busina naman ng kotse ni Kei.

"Ready?" bungad nya ng makasakay ako sa kotse nya,

Huminga muna ako ng malalim at saka tumango sabay sabi ng salitang "Oo" Napasandal tuloy sya sa sinabi ko.

"Mali!" irita nyang sabi, tinignan nya ko ng seryoso saka nagsalitang muli, "It should be, Yup! with an energy, ganun" hyper nyang sabi na kinangiti ko.

"Anong nakatawa?" pagsusungit nya,

"Wala, tara na, isang linggo na kong absent, tapos malelate pa ko, baka mapagalitan naman ako!"

Dahil doon pinaandar nya na ulit ang sasakyan "Yes boss!" sabi nya na kina iling ko na lang.

Nang makarating kami sa campus ay hinatid ko muna si Kei sa room nila.

"Sige na, good luck, anyways, your new look suits you perfectly, ginalingan masyado ng pinsan ko, in fairness!" puri nya pa na nginitian ko na lang.

"Hey wait, new boy toy?" biglang tanong ni Ken na bigla na lang sumusulpot sa likod ko.

"Sinasabi mo dyan Ken?" tanong ni Kei sa kaibigan.

"Ikaw, akala ko pa naman dahil good girl look ka na, good girl ka na talaga, di ka pa rin pala nagbabago, at bad boy na pala ang type mo ngayon, ah!" sabi nya ng makalapit sa tabi ni Kei , pinasadahan pa ko ng mapanuring tingen mula ulo hanggang paa.

"Gaga, ano bang iniisip mo dyan? si Sky yan!" sabi nya sa kaibigan na may kasama pang batok, si Ken naman tinitigan ako ng mabuti at talagang sinisipat ang mukha ko.

"Sky? as in Skyler Dy na kaibigan ng pinsan kong si Samuel?" tanong nya na tinanguan at nginitian ko lang, "Wow, ang gwapo mo pala?" gulat na gulat na hindi pa rin makapaniwala nyang sabi.

"Oh hi pogi" biglang bati rin ni Charms na mukhang kararating lang, tinignan nya si Ken at Kei, "New toy?" tanong nya sa dalawa na kinatawa na lang nila.

"Friend, hindi ka maniniwala" pagsisimula ni Ken nang maakbayan si Charms, "That handsome man standing in front of us, is Skyler Dy, yung kaibigan nila Sam at Aris na tinatawag nitong si Kei na Stupid" puring puring pakilala nya sa akin.

Medyo, di pa rin ako sanay sa papuri at sa pagpuna ng mga tao sa paligid ko. Pero winarningan naman na ko ni Kei, at sinabing magthank you lang ako at saka ngumiti.

"Holly Cow, sang lupalop nagsuot ang kagwapohan mong yan at bakit ngayon lang lumabas?" tanong naman nya na kinatawa ko.

"Nambobola na kayo, pumasok na nga kayo, punta na ko sa room ko, baka malate pa ko" sabi ko na lang na tinanguan lang ni Kei.

"Bye pogi" sigaw naman  Ken at Charms na kinatawa ko na lang at saka sinagot ng salamat.

Kung sila Ken at Charms grabe ang reaksyon ng makita ang new look ko, ang dalawa kong kaibigan nahawa na ata sa kanila, OA rin ang reaksyon. Sukat pagbintangan pa kong nagpapanggap na si Sky, naku kung hindi lang dumating yung prof namin at binati ako sa new look ko, hindi pa talaga sila maniniwala!

***

Malapit na ang Pre-lims, kaya halos lahat ng prof namin naghahabol ng lesson, yung iba naman, ginagawa kaming sing tatalino nila, modules lang ang binibigay samin.

"Bro, nakita namin si Evelyn dumaan" pang-aasar na sabi ni Aris.

"Pupusta ako limang daan, bilang tayong lima susunod yan si Sky" confident na sabi pa ni Sam sabay labas ng limang daan sa wallet nya,

Ito na naman sila!

"Tado dun din pusta ko" sabi naman ni Aris na naglabas na rin ng five hundred sa wallet nya, tumayo ako at tinignan silang dalawa na nakasandal sa pinto.

Kinuha ko yung mga pera nila at ngumiti "I won, hindi ko sya susundan!" sabi ko at muli nang umupo sa upuan ko para ipagpatuloy ang ginagawa.

"Hoy kayong dalawa, gumawa na kaya kayo ng requirements, parang hindi mga fourth year!" sabi ko na lang bago muling magsulat. Napakamot pa silang dalawa sa likod ng tenga nila dahil sa sinabi ko.

Nang matapos ako sa ginagawa ko, iniwan ko muna yung dalawa na magsisimula pa lang. Pumunta ko sa Cafeteria para bumili ng pagkain, gusto ko kumain ng tahimik kaya hindi ko na sila inaya, baka makantyawan at maburautan pa ko.

Hindi ko alam kung may ink, marka ng lapis o kung anong dumi meron sa mukha ko, pero pinagtitinginan ako ng mga tao, kaya naiilang akong umupo sa single table sa gilid.

Tahimik akong kumakain ng sandwich ng may dalawang babaeng lumapit sakin, "Hi! transfer ka dito?" tanong nila, base on their white uniforms, I know na mga psychology students sila.

Napangiti na lang ako habang umiiling, "Hindi" sagot ko na may halong pagtataka, umalis naman sila ng malawak ang ngiti.

"Naks naman, nilalapitan ka na ng mga chicks ngayon Sky, ah, iba ka na talaga!" sabi ni Ken na bigla na lang nanunulak mula sa likod, kasama nya si Charms, pero wala si Kei.

"Anong ginagawa mo rito? bakit ka mag-isa?" tanong ni Charms ng maka-upo sya sa harapan ko.

"Madami pang gawain yung dalawa kaya iniwan ko muna" sagot ko na lang sabay alok sa kanila ng pagkain ko.

Sabay silang umiling pero si Ken ang nagsalita "No thanks, ayaw namin ng may bawas" maarteng sabi nito,

"Inaalok lang naman kitang kumain, hindi ko naman sinabing ibibigay ko sayo tong pagkain ko" sabi ko lang,

Pero itong si charms pinalo yung mesa sabay sabing, "Basag" sabay tawa pa ng nakakaasar sa kaibigan, kaya napairap na lang tuloy si Ken samin.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon