Now or Never (One Shot)
Created by: unknownauthooor (January 31, 2014)
{A/N: Please play "Alaala" by: Yeng Constantino. Para feel nyo. HAHAHAHA. Thanks!}
- - x
"It's now or never"
Yan ang lagi kong sinasabi sa aking sarili.
"Lets give a big applause for Ms. Miyuki Ramirez!" Yan na, naghiyawan na ang mga tao. Nang marinig ko ang mga hiyawan nila gusto ko ng umurong. Pero it's now or never nga eh. Susuko nalang ba ulit ako? Hindi pwede. Ayokong ipakita sakanila na mahina ako.
Tumugtog na ang kantang kakantahin ko, habang tumutugtog ito hinanap ko na ang lalaking ide-dedicate ko ng kantang ‘to. Sinisigurado ko na makikinig siya, at iyon. Masayang nakikinig siya sakin, kasi kasama niya bestfriend ko.
“Uhm, hi sa inyong lahat. Miyuki Ramirez nga po pala. Dahil ito na yung song, I would like to dedicate this song for the man I love...”
“Awww. Ang sweet mo naman ate yuki!”
“Swerte nung boy! Naka’y ate yuki na ang lahat!”
“Pre! Ako yun! Ako yung kakantahan niya!”
Natawa ako sa mga sinasabi nila.
“The man I love… but I think he loves my Best friend. Ano ba ‘to, ang drama ko na. So sisimulan ko na to, at pasensiya na kung ang emo o pang senti ang kanta ha. Pagbigyan niyo na? Last song nalang naman to eh.”
“Araw-araw ay naghihintay sayo
Dala dala ang pangarap na hindi nabuo
Bawat alaala mo’y nagbabalik
Hindi parin malimot ang mga sandali”
Noon, nag try na akong ipagtapat yung feelings ko sakaniya. Nung una, natatakot akong ipagtapat sakaniya pero may sinasabi ako sa sarili ko noon pa ‘It’s now or never’. Ayos na sakin na ma-reject ako kasi hindi naman ako perpekto para hindi niya ako mareject diba? Pero nung sasabihin ko na sakaniya, may importante rin pala siyang sasabihin sakin.
“Nagbabakasakali na muli kang magbalik
Sana nama’y iyong marinig”
Sinabi niya sakin na like niya yung best friend ko. Pero like lang naman diba? Di pa niya sinasabi na love. Pero, anong malay ko? Baka ang ibig sabihin nang like para sakaniya ay love na pala. Kaya yung importanteng sasabihin ko sakaniya ay di ko natuloy sabhin pa. Ayoko naman maki-epal pa. Kung like niya yun, edi go, dun siya masaya eh. Ayaw ko naman ipagpilitan ang sarili ko sa ayaw naman sakin diba?
“At kung sakaling
Lubusang mawala
Huwag naman sana”
Pero pinilit niya ako ng pinilit. Gustong-gusto niya malaman kung ano ang importanteng sasabihin ko sakaniya. Dahil siguro sa niyerbos ko sa sarili ang nasabi ko nalang ‘Namatay ang rabbit namin’. Yan ang naisip kung sagot at alam ko na hindi kapani-paniwala yung sagot ko, nagtaka naman siya dahil wala naman daw kaming alagang rabbit at ayoko sa mga rabbit. Dahil sa wala akong maisagot inirapan ko nalang siya.
“Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nagiisa
Nasaan ka na ba?