May humihila sa kanyang braso. Dinala siya nito sa tuktok ng isang templo. Napaatras siya nang makita ang isang malaking alon na paparating.
"Prinsesa kaya mo yan." Pagbubuyo nito. Nilingon niya ito. Kamukha nito si Jichael. "Para kila Vleo at Rleo." Naluluha nitong wika.
Biglang nag-flash sa utak niya ang mga nangyari. Napatay ng mga kalaban nila ang kambal. Wala siyang nagawa dahil nakulong siya sa isang malaking bolang kristal. Nakatakas lang siya nang ibuhos ni Jichael ang huling lakas nito parang masira ang kinukulungan niya.
Mula sa kinatatayuan niya nakita niyang nakikipaglaban iyong kamukha ng dyosa ng ilog. Kasalukuyan silang nasa isang digmaan. Sumugod ang grupo ng norte sa kanila. Kumupas ang kamay niya upang iangat ito palayo sa mga kalaban nila. Iniwan niya itong nakalutang sa ere.
Muling niyang kinumpas ang kamay niya pero kasabay nun ang isa pa niyang kamay. Sabay ang pag-angat ng dagat. At nilamon nito ang lahat ng mga kalaban nila. Naiwang nakatayo ang mga kawal niya sa huling posisyon ng mga ito.
Binaba niya ang dalagang nilayo niya kanina sa kalaban kasabay nang paglutang nila ang palapit sa labi ng kambal.
Nabalot ng asul na kulay ang mata niya. Kasabay nang muling paghinga ng dalawang binata ang pagkabuhay ng mga nasawing kawal nila.
Bumalik din sa dati ang paningin niya. Nakita niya kung gaano kasaya ang mga ito. Bigla niyakap ng kamuka ng dyosa ng ilog si Vleo.
"Akala ko iniwan mo na ko." Naiiyak nitong sabi sa binata.
Mahigpit din ito naiyakap ng binata. "Di ba sabi ko saiyo. Hindi ako mamamatay hanggang hindi mo pa ako pinapakasalan, Zydella." Naiiyak din nitong sagot sa dalaga.
Lahat nang nakakita ay naantig sa nakikita nila. Maging siya ay naiyak rin. Maagap iyong pinunasan ni Jichael.
Ngumiti ito. "Maraming salamat sa muling pagliligtas mo samin, mahal na prinsesa."
"Walang anuman mga mahal kong tagapagligtas at kawal." Ganti niyang ngiti.
"Sus, dinamay pa kami. Si Jichael lang naman ang mahal mo eh." Singit ni Rleo.
"Wag ka ngang magulo dyan, Kuya." Awat ni Vleo. Hindi parin nito inaalis ang pagkakayakap kay Zydella.
"Oo nga. Kung ano ang sinabi ng Prinsesa iyon na iyon." Dagdag ni Zydella.
Natawa na lang siya sa tinatakbo ng usapan. Muling bumalik sa dati ang lahat. Masigla silang naglakad pabalik sa palasyo upang magsaya. Pero nakakadalawang hakbang palang siya ay pinigilan na siya ni Jichael.
"Wala ba akong--" Sabay nguso nito. "Tinupad ko ang pangako kong hindi ako mamamatay."
Natawa siya rito. Naaaliw siya sa kalambingan nito. Isang linggo rin itong hindi siya nilulubayan nang malaman nitong may susugod na mga taga-norte. Ayaw raw nitong mawala siya sa paningin nito.
"Wala naman akong sabing may kapalit ang pagpapanatili mong buhay. Kaakibat iyon ng pagiging tagapagligtas ko. Kaya dapat lang na--"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang halikan siya nito. Sandali lang iyon pero ramdam niya ang pagmamahal nito.
Kaagad itong lumuhod. Senyales na nagsisisi ito sa kapangahasan nito. "Sana hindi ka magalit, mahal na Prinsesa. Gusto--"
Lumuhod din siya sa harap nito. "Hindi ako galit. Kapag pinagluto mo ako ng paborito kong ulam. Bibigyan pa kita ng limang halik." Masigla niyang sagot rito.
Mahal nila ang isa't isa kaya naiintindihan niya ang nararamdam nito. Kanina nga nang makita niyang ligtas ito gusto na niyang yakapin ito. Pero dahil naunahan siyang ng responsibilidad niya. Nawala na iyon sa isip niya.
BINABASA MO ANG
Ageless Dimension
FantasíaMatapos masabugan ng isang armas panghimpapawid, nagising si Allison sa isang kakaibang mundo. Lahat ng bagay na nasa kwento lang ng mga magulang niya at naroroon. She don't wanna believe it. Mas gusto niyang paniwalaang panaginip lang ang lahat. Th...