I LIKE HIS STATUS.

1.3K 85 12
                                    

**

January 23

"Yaretzi! Sama ka sa canteen?" tanong sakin ni Jami pagkalapit sakin.

Umiling lang ako.

 "Ayoko. Masakit na paa ko." sabi ko pa.

"O sige. Babalik din agad ako!" sabi nya at tumakbo na palabas ng gym.

Gusto ko ng magpahinga! ~ m ~ Nakakapagod PE namin e!

Nakaupo ako ngayon sa bleachers. Ako lang mag-isa, yung mga kaklase ko naglalaro at yung iba nasa canteen. Recess na naman e.

"Yaretzi! Hello!" bati sakin nung kaklase ko dati na padaan sa harap ko. Nginitian ko sya at kumaway.

Pagkalagpas nya, kinuha ko yung cellphone ko at nagbukas ng facebook. May wifi naman dito sa school e, buti na lang.

Habang iniintay ko na magload yung facebook ko, nakatingin lang ako sa mga estudyanteng pumapasok sa gym. Kahit di nila PE pumupunta sila ng gym lalo kung may naglalaro o yung iba trip lang.

Nakita ko si Kuya Jayson kasama ng barkada nya na pumasok sa gym. Ay, di ko sya kapatid ah. Pinsan ni Jami at nakausap ko sya nung pumunta ako kila Jami.

"Ang pogi ni Drew!"

"Pati si Jason! Tangkad pa!"

"Si Paolo nakasalamin oh! Porma pero ang cute!"

"Lalo naman si Walter!"

"Speaking of Ian Walter, pumupuso yan! Wahahaha!"

"Eeeh?"

"O nga tunay! Yung sa facebook nya! Mukhang inlove e!"

Usap-usapan nung mga kaklase ko na nasa kabilang bleacher. Pinag-uusapan nila sila Kuya Jason, mga sikat e.

Pero hehe. Dahil lagi naman akong nakikibalita o nakakasagap ng balita. Kahit di naman halata sakin e, oopen ko yung profile ni Walter. Para makasagap ng balita! Wehehehe. Lagi akong updated sa lahat e kaya ang dami kong alam.

Ian Walter Castillo

Enter!

Kilala ko si Walter kasi nga lagi syang pinag-uusapan. Fourth year sya, third year ako.

Mahilig din akong magbasa ng status ng may status hanggang may makuhang balita. Haha. Nakagawian ko na.

Binasa ko yung mga status nya at mukhang totoo nga.

Yung last status nya kanina lang.

Her smile make me smile too. :)

2:23pm. 127 likes. 3 comments.

Fara Garcia: pusooo! <3

I LIKE HIS STATUS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon