chapter two. ✔

13.1K 156 4
                                    


[Lauren's POV]

Napabitaw ako sa jacket at nagsimulang maglakad ng mabilis palayo sakanya. Is life toying with me? Sa lahat naman ng makikita at makakabangga ko dito, siya pa?!

"L-Lauren! Mag-usap tayo!" Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ayoko. Ayokong marinig kung ano mang kasinungalingang lalabas sa bibig niya. Ni ang tapunan siya ng tingin, ayokong mangyari.

"Please! Talk to me!" Nagmumukha na siyang tanga sa ginagawa niya. Yelling inside the mall. Pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid pero parang wala naman ata siyang pakialam 'don. "Lauren, please! Spare me a second!"

Nagulat ako ng hilahin niya ko at niyakap ng mahigpit. Napatigil ako nang maramdaman kong lalo pang humihigpit ang yakap niya sa akin. Rinig na rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya habang ako ay naghahabol naman ng hininga.

"Lauren.. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka." Pilit akong kumalas sa pagkakayakap niya atsaka siya sinampal. I gave my full strength sa pagsampal ko sakanya. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit at galit na kinimkim ko.

"You already did," Alam kong pinagtitinginan na kami dahil sa eskandalong nangyayari, baka may mga kumukuha na 'rin ng videos but I couldn't care less, "You don't know how devastating it is for me to look at you. Nandidiri ako sa'yo, Daniel. Sobrang diring-diri ako sa'yo."

"L-Let me explain, Lauren." Tuluyan nakong bumitaw sa pagkakahawak niya. Bakas ang kirot sa mga mata niya dahil sa mga binitawan kong salita pero wala akong pakialam. Kulang pa 'yon, kulang pa 'yon sa sakit na binigay niya- nilang dalawa ni Christine.

"No need Daniel. You don't have to. Dahil 'di naman na tayo, e. You have no commitment to me anymore. So don't worry, I won't get in the way. In fact, magiging masaya pa ako para sainyong dalawa. I will be rooting for the both of you." He looked at me, his eyes were pleading but I ignored it and just walked away from him. Ayokong manlambot nanaman ako dahil sakanya, because I'm getting over him.

Masakit pa 'rin pero alam kong unti-unti nang nawawala ang natitira kong pagmamahal sakanya.

Napagdesisyunan kong umuwi na lang. Hindi na 'rin naman kakayanin ng utak ko ang maglibot pa dahil balisa pa din ako sa nangyari.

At dahil ata dun sumama nanaman ang pakiramdam ko. Ramdam ko nanaman ang pagsakit ng ulo ko na unti-unting nagiging hilo. I can feel the throbbing pain in my head.

"Lauren, saan ka galing?" Narinig ko naman si Ivan sa kusina. Ang aga niya ata ngayon. Lumabas siya at nakita kong suot-suot niya ang paborito niyang apron na kulay gatas na may ruffles pa. "Are you okay?"

"Pwede bang padalhan naman ako ng tubig saka biogesic." Agad na pumunta si Ivan sa kitchen at pagbalik niya ay may hawak na siyang maliit na tray na may basong tubig at gamot. Paglapag niya noon sa side table ay kinapa niya ang noo ko at kinumpara sa temperature niya.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon