Ang tagal kong di nag-update, Aju nice. Babawi ako •﹏•
<\ Jas Lim's, POV />
" HOY!! " sinangga ni Jash ang braso kong sinasandalan ng baba ko.
" ANO?! " masama ko syang tinitigan
" Tulala ka nanaman dyan! "
" Hindi ako tulala! " madiin kong sabi sa kanya
Nasa school kami ngayon at kasalukuyang hinihintay na ang next subject teacher namin
" Hindi daw. Tss lokohin mo Jas sarili mo! " bakit ko naman lolokohin sarili ko noh?! " Ano ba yang iniisip mo ha?! "
" Wala akong iniisip "
" Ay hindi! Sino... sino pala yang iniisip mo ha?! " nagtaas baba ang kilay nya at ngumiti ng nakakaloko sa akin
" Anong tingin yan ha?! Wala nga akong iniisip!! " pagdadabog ko na
" Tignan mo, galit ka na! Ibig sabihin meron!! "
" Bakit mo ba ako pinapansin ha?! "
" Tatlong araw ka ng ganyan Jas, nag-aalala na ako sayo "
Ang totoo, limang araw na nga ata ang lumipas simula ng maka-uwi kami mula sa Sokor.
Di pa ata ako nakaka-get over o nakaka-move on eh.
Alam nyo ba, paulit ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga nangyari nung gabing yun.
Noong gabi na may sinabi sa akin si The8 na hindi kapani-paniwala.
Na imposibleng mangyari.
" Ahahaha! Naku ang sweet naman ng kaibigan ko. Ayos lang ako syempre... " sigurado ba ako sa sagot ko?
" Mukha mo, matalik na kaibigan mo ako. Kilala kita Jas... " bakas sa tono ng pananalita nya na nag-aalala nga sya
" Alam mo ba Jash- "
" SI MAAM!! "
Napakunot na lang ako ng noo. Handa na sana akong ikuwento kung anong gumugulo sa utak ko eh! Tapos sabay mauudlot? Ayoko na lang ikuwento.
Alam nyo ba kung anong nangyari pagkatapos ng gabing yun?!
Nakuuuu!! Ayaw ko na talaga ikuwento pero eto na game na!!
< Flash Back >
" AHAHAHAHAHA!!! " seryoso at totoo akong tumatawa, kase natatawa ako
" B-bakit ka tumatawa? " kalmadong tanong ni Minghao sa akin
" Ahahahahaha nice joke Hao!! " totoong humahagalpak talaga ako sa tawa
" Tumigil ka nga! " naka-pout nyang utos. Ang cute- ehem basta.
" Ahahaha- ehem ehem! Eto na nga eh " umayos ako ng tindig
Tinignan ko sya, nakatingin lang sya ng diretso sa kung saan
" Sorry... " sabi ko
" For what? "
" Aba~ Sosyal english ah! " hinampas ko ng mahina ang braso nya
" Aish! " inirapan nya ako at tinignan ang nahampas kong braso nya. Pinagpag nya.
" Aba! Ang arte mo! Malinis naman ang- "
" Ang galing noh? "
" H-huh?! " napatigil ako sa bigla nyang winika
BINABASA MO ANG
Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8
FanfictionDo you believe in MAGIC? Sa panahon ngayon, may naniniwala pa kaya sa mga imposibleng bagay na mangyari? Lalo na sa isang magkalayo at magkaibang magkaibang mundo tulad nina Jas at Minghao? Isang ordinaryong babae at isang idol, pano ba at bakit ba...