Deadly University ay ang paaralan na inakala naming espesyal. Isang unibersidad na kailagan naming pasukin. Isang Unibersidad kung saan lahat ng bagay ay may kaakibat na lihim. Ang lihim na hindi mo na gugustuhin pang malaman
Paunahan kung sino ang makakahanap sa tunay na salarin
Kailangan mong makipagsabayan sa mga estudyanteng armado at puno ng lihim. Mga estudyanteng nabahiran ng dugo para matutong lumaban para sa kanilang kaligtasan. Mga estudyanteng hindi na nakapag isip ng tama dahil nilamon na ng takot at pangamba. Mga taong katulad mo natin na uhaw na uhaw sa dugo para lang makamit ang kalayaan. Kalayaang mamuhay ng normal sa loob ng unibersidad na ito at ang tanging paraan para makaligtas sa Kamatayan ay ang pumatay ng kapwa. Estudyante man o Guro. Pero sa kagustuhan ng karamihan na matahimik ang paaralan kailangan nilang hanapin siLaillanie Ruth C. Villabronza
ang anak ng may-ari ng Deadly University. Ang may pakana ng karahasan at pagpatay sa loob ng paaralan. Nasisiyahan siya kapag nakikita ang mga tao na nagpapatayan at naliligo sa sarili nilang dugo. Matagal na panahon na mula nung huli nilang makita si Ruth sabi ng ilan sa kanila lumipat daw ito ng paaralan at pinabayaan ang mga tauhan na mangalaga sa kanyang Unibersidad. At ang mangilan ngilan naman ay sinabi na namatay na daw ito. Pero paano mangyayari yun kung patuloy pa din ang paglaganap ng kasamaan sa paaralan na nabanggit. Kailan kaya matatapos ang Bloodbath
Ilang taon ang lumipas ng may sampung magkakaibigan ang
Ipinasok sa unibersidad na iyon.Kailangan nilang hanapin si Ruth Hindi dahil may nagawa silang kasalanan kundi dahil sila ang Napili ng nakakataas. Walang nagawa ang kanilang pamilya dahil sa takot. Ang akala nila ay tahimik at masaya ang buhay doon pero habang lumilipas ang panahon unti unti ng lumabas ang kulay ng paaralan. Nakikita nila ang mga estudyante na nagsasakitan sa harap nila. Mapa silid aralan man o sa kahit saang bahagi ng paaralanPilit nilang iniiwasan ang manakit ng kapwa pero masyadong tuso ang mga estudyante kaya napipilitan silang lumaban
Magtatagal kaya sila sa sa D.U?
Makakalabas pa kaya sila
Ano kaya ang mangyayari sa kanila...
Magiging Demonyo rin ba sila
Mahahanap kaya nila si Laillanie Ruth C. Villabronza