Kaliskis ng ahas
Story by
Bhabypurple_j24
............"O,Ayan!tapos na!."rinig kong bulalas ni nanay minda.tiningnan Ko ang sugat ko na ngayon ay maayos na nga ang lagay 'di tulad kanina na sing pula ng nguso ni bruhang andrea.bwisit sya sarap niya ingud-ngud sa pwet ng kaldero.
andito kasi kami ngayon sa kwarto ko habang ginagamot ni nanay minda ang sugat sa braso ko na sanhi kanina nang pagkakahawak ni bruha.
Hanggang ngayon naiiyak parin ako hindi dun sa pang aaway niya hah!kundi sa lahat ng sakit ng nararamdaman ko ngayon,,huhuhu feeling ko mapipisaan ako ng apdo sa mga oras na ito,
Kasi gumalaw lang ako ng kaunti rinig ko na kaagad ang mga buto kong nagpo-protesta na huwag ko na ituloy ang pag galaw dahil baka pati sila maloka din katulad ko.
Yung kaninang biglaang pagbagsak ko sa sahig na ngayon ay mas lumala dahil hindi na ako makatayo ng maayos at kung maglakad paika-ika pa,
at yung pag pingot niya sa tenga ko at hindi pa talaga sya nakuntento dahil pinaikot niya pa talaga!,
"sa totoo lng! ano ba tingin niya sa tenga ko manibela? sapakin ko kaya sya!ano?payag ba kayo!
di joke lang ayaw ko maging katulad niya ano!
So Yun nga!yung pagpingot niya sa tenga ko kanina, na hanggang ngayon namumula parin,at ang sakit sakit..
Juice ko'y tang piling ko any minute mag lalabasan ang utak ko dito,dahil parang pati utak ko lusaw na rin dahil sa kagagawan ng hinayupak na iyon!
Demonyita! S'yang uhugin sya magkaroon sana sya ng galis,,koto O parang mas maganda kung pulgas nalang para maloka na sya't uminom ng isang galong clorox nang magkita na sila ng kakambal niyang si lucifer.huhuhu!!oh!my luga nasaan ang justice...bakit ayaw nilang makuha!.
Ah...Oo nga pala hindi pa ako nakakapag pakilala sa inyo pero....pwede naman sigurong hindi nalang diba....pero kung gusto niyo talaga akong makilala pilitin niyo muna ako.
ehh....keshe nemen eh pebebe eke eh,, dahil ang mga pabebe dapat pinipilit muna yan,hindi kasi kami yung tipong pa easy to get lang!
Pero...sige na nga baka mahirapan pa kayong pilitin ako..
nakakahiya naman sa mga apdo niyo!Kaya ito naa...
Ako si betina marquez buenaventura,17 year's old,
kilala niyo na naman siguro ang ate ko sinabi ko na kanina hindi ba!
Kaya hindi na ako magsasayang Ng saliva mabanggit lang ang pangalan niya nakakaurat kaya sya kanina.
Dalawa lang kaming magkapatid ni ate andrea at hindi ko alam kung bakit iba ang itsura ko sa kanya,,
Alam niyo kung bakit?,malamang hindi niyo pa alam dahil hindi ko pa nasasabi,.pero atin atin lang ito huh..wag na wag niyong ipag sasabi kahit kanino okay....!
Ang itim kasi ng kuyukot niya sing itim ng pwet ng kaldero na nilulutuan ni nanay minda,mwahaha echos lang.
Ang itsura ko po kasi e,yung tipong pang hollowin ang dating.
Yung pagnakita niyo ako e,mapapa-"wahh halimaaaw😨"ganern kayo sa akin,
Kasi talagang matatakot ka pag nakita mo ako, siguro nga hindi ka lang matatakot e,baka mapadali pa ang buhay mo nang dahil sa itsura ko.
Mukha po kasi akong dyosa.....yeah! dyosa ako...mwahaha dyosa ng mga ahas,
Gusto niyong malaman kung paano ako naging dyosa,,,,dahil dito sa mga kurimaw na nasa ulo ko itong mga malalanding ahas na ito..sila ang dahilan kaya nasabi kong iba at nakakatakot ang itsura ko.