Fiona POV;
Holy cow!! Wahhh!! Im late!! Tabi kayo sa daanan ko, dali!!! Go fiona! Lagot kana talaga. 8:30 am na po kase and im late already
"Tabi kayo!! Dali!"-ako
Wait, kung tatakbo lang ako ng ganto at aakyat pa ng hagdan? Late na talaga ako. May nakita akong puno, aabot to sa 2nd floor, at may bintana na bukas,
"Aakyatin ko nalang, aabot pa ako sa next subject."- bulong ko sa sarili ko
Nag ayos ako ng sarili at hinigpitan ang pagkakasakbit ng bag ko para hindi mahulog , tumakbo na ako papunta dun sa puno na nakita ko kanina. Sanay nako sa gawaing ito kaya sisiw nalang para saken. Ikaw ba naman laging tumatakas at tumatalon sa mataas na bakod sa likod ng school. Haha masasanay ka talaga.
Pumanhik na ako sa puno, binalance ko ang sarili ko at naglakad sa sanga para makatalon ako ng mataas papunta sa bintana ng nakabukas na room sa 2nd floor, tatalon na sana ako ng biglang may sumigaw. Putek!
"Hey what you think your doing?!!"- anakng tokwa naman oh! Mahuhulog ako!!! Wahh!!
"shit!!"-ako. Ang taas ng babagsakan ko. Bwisit kase na lalaking yun e, nagulat tuloy ako. Babagsak na ako!!
Wait? Bat parang nakalutang ako? Binuksan ko ang aking mata at nagulat ng ang lapit ng mukha ng gwapong nilalang, patay na ba ako? Lord ayoko pa po, please balik nyo ako sa lupa.
"Hey? Baka may balak kang bumaba? Ang bigat mo kaya?!"- kyle.
Tss binabawi ko na, devil pala sya! DEVIL!! Bwisit. Umalis na ako sa pagkakabuhat nya. Nakakaimbyerna lang.
"Bwisit ka! Bakit moko ginulat ah?!"- sabay hampas ko ng malakas sa kanya.
Ok na sana e! nasa taas na sana ako at prenting naka upo sa upuan ko at nakikinig , tss
"Arayyyy!! Salamat ah? Salamat! (sarcasm) tss"- kyle
Loko to ah?! Kasalanan ng mokong na to e. Bigla bigla ba naman sisigaw ang bwisit! Yan tuloy nahulog ako.
"Ba't naman ako magpapasalamat sayo ah?!Kasalanan mo eh! Kung di mo sana ako ginulat edi sana hindi ako nahulog!"- sigaw ko sa kanya. Totoo naman e, kasalanan talaga nya.
"Tss, kung may balak kang ituloy ang dapat gagawin mo, wag na."- sabi nya at tinalikuran ako, bwisit! Bwisit! Bwisit! Sino ba siya para pag bawalan ako?! Di hamak na mas matagal ako nandito sa school na to kesa sa kanya.
"Bwisit ka! Bwisit!"-sigaw ko sa kanya tatalikod na sana ako ng bigla ulit syang nag salita.
"The dean is waiting for you at the classroom. Be ready freak."-
Huwhat? T-the dean? Tss lagot! Nalaman na nya siguro ang pag takas ko kahapon. -,- and wait? Anong tawag nya saken?! FREAK? Aba't gago yun ah!!
"HINDI AKO FREAK!! MONSTER DEVIL!!!"- tumakbo ako papunta sa room, tss no choice lagot na ako sa dean,
(CLASSROOM)
"SORRY I'M LATE!"- sigaw ko pag ka pasok ko ng room.
"YES YOUR LATE MS.FRANCISCO?!!"- Dean
Patay! Parang umuusok ang ilong sa galit ang dean, wahh!! Im dead!!
"Nalate ng gising ma'am, sorry ^,^v" - komportable kong sagot sa dean.
Lahat ng classmates ko at si ma'am David English teacher namin ay nakatingin lang samin dalawa ng dean.
"Go to my office, NOW!!"- Dean
Ano ba yan, kakarating ko lang ng room e , bababa ulit ako?! Tss
"Ma'am mamaya na po, kakarating ko lang dito e , bababa na naman ulit ba ako?"- sagot ko sa dean. Yh! Nakakapagod kaya mag panhik baba no!
"NOW!"- napabalikwas ako sa sigaw ng dean.
"Opo ma'am pupunta na po. Hehe"- ako.
Naglalakad ako papunta sa office ng dean. Bwisit naman. -,- kakarating ko lang sa classroom babalik na naman sa hallway papunta sa baba -,- kabanas.
"Bwisit na araw naman to oh!"- bulong ko sa sarili ko.
Nakarating ako sa office ng na nakabusangot. Kasi naman e! Pumasok ako loob ngunit walang tao. Oo nga pala naiwan sa room namin si dean may kinuha pa siguro o kaya sinabi.
Uupo na sana ako sa harapan ng table ng biglang may narinig akong humikab. May multo ba dito? Wahhh! Wala naman tao dito pag pasok ko e. Nagpalinga linga ako para tignan kung sinong nilalang ang nandito.
"Sino yan?"- tanong ko pero walang sumasagot, para akong sira na nagtatanong sa wala.
Pinabayaan ko nalang kung sino man yun o baka guni guni ko lang yung narinig ko. Uupo na sana ulit ako sa harapn ng desk ng dean ng biglang may nag salita.
"Huy!"-
"Ay palakang buhay!!"- kala ko bang walang tao dito!! Nilingon ko kung sino man yung hinayupak na nanggulat saken.
"Tss."- ngumisi pa ang kumag.
"Anong ginagawa mo ditong kumag ka ah?! Wait.. Sinusundan mo ba ako?"- kilala nyo na siguro kung sino diba? Oo yung nanggulat din sakin kanina sa may puno si Kyle .
"Hoy freak ang kapal ng mukha mo Kanina pa ako dito. Psh ikaw ata ang sumusunod sakin?!"- aba't ang kapal ng mukha netong gago na to ah?!
"Hoy ka rin! Para sa kaalaman mo pinapunta ako ng dean dito para kausapin ako kaya hindi kita sinusundan no! Kapal!"- sagot ko sa kanya sabay upo sa harapan ng desk ng dean.
Bakit ba ang taray sakin neto. Psh.
"Psh"- ngumisi lang siya saken at bumalik na siya sa pag tulog niya. Tss matutulog lang dito pa talaga sa dean office pa siya pumwesto.
"Ok Ms.Francisco"
"Ay butiki! Jusme bakit ba lagi nyo akong ginugulat."- sabi ko sa dean. Oo siya ang nanggulat saken. Tss
"Ms.Francisco, your always break our rules! Ano bang gagawin ko sayong bata ka!"- sigaw sakin ng dean sabay upo sa upuan nya para maharap saken.
"Ms.dean first day naman po kase kahapon. Hehehe"
"Yun na nga! First day na first day nag cutting kapa, may isang solution ako dyan sa kakulitan mo, para naman mapatino kita kahit ngayong 4th year kana Ms.Francisco"
"Parang naman mapapatino nyo ako"- bulong ko sa sarili ko sakto lang para di marinig ng dean.
"Ano yun Ms.?"- tanong saken ng dean
"Wala po Ma'am, ano nga po yung solution? Para matapos na ito at makapasok na ako sa class ko." - sagot ko sa dean.
"Ok. Listen carefully. Kailangan mong itutor ang anak ng may ari ng school naten, at siya naman ang magtuturo sayo kung paano gawin ng tama ang rules ng school na ito. Don't worry pag katapos lang naman ng class sa afternoon ang tutorial nyo. Thats it! Ok ba yun?"-dean
Yun lang pala e. Sisiw lang
"Ok po dean. Sino po ba ang tuturuan ko?"- tanong ko sa dean ng naka ngiti.
"Si Mr.Kyle Ford"
"WHAAAAAAT?!!!!!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi guys :) enjoy lang sa pagbabasa ;)

BINABASA MO ANG
I Love You, Just You.
Teen FictionLagi mo nalang akong sinasabihan ng i hate you! -,- why do you always hate me? But then i love you, Just You.