Dear Diary,
Ilang beses na akong sumubok para kausapin si Aya pero ang daming hadlang kaya hindi natutuloy siguro dito ko na lang aaminin sa kanya. Sorry diary ah? Ibibigay kita sa kanya, gusto kong mabasa niya lahat-lahat ng nakasulat dito, ibibigay ko na lang bukas sa kanya ang diary na ito. Ikaw ng bahala diary, gagawa na lang ako ng sulat sa kanya dito.
Mamimiss kita diary, ikaw lang ang nakaka-alam ng lahat-lahat. Salamat sayo, kung hindi dahil sayo baka nabaliw na ako, kung hindi dahil sayo wala akong mapagsasabihan ng lahat ng ito. Salamat diary! Maraming salamat.
PS: Mahal kita diary, pero wala ng tatalo at hihigit pa sa nararamdaman ko kay Aya.
Bye diary,
Patrick
BINABASA MO ANG
The Gayadventures Of Finding Mr. Left (FANFIC)
Hayran Kurgu[FANFICTION OF TMOFMR BY @JHINGBAUTISTA] Ang diary ng isang malanding bakla...