One Shot

4 0 0
                                    

One shot: "Actress"

"No! Hindi ganyan. Hindi ako kontento sa mga arte niyo."– Singhal ng director namin na si Marian habang nakapamewang pa at naka tayo sa harapan namin. Samantalang ang mga kaklase namin ay nakapalibot sa aming tatlo at pinapanuod kami ng maiigi, ang iba dito'y nagbubulungan at naghihiyawan pa dahil sa makapigil hiningang gagawin naming scenaryo.

"You!, Ms. Santos. Okay na sana ang pag-arte niyo ni Mr. Reyes pero may kulang. Iwasan niyo ding tumalikod sa mga audience, Hindi magandang tignan,"– Singhal na naman ulit ni Direct habang naka tingin siya saming dalawa ni Reyes ng direcho sa mga mata. Wala naman na kaming ibang magawa ni Reyes kundi ang tumango-tango na lamang at makinig sa mga sinasabi niya.

"Ulitin niyo, yung mas sweet pa diyan. Yung magpapa kita sa scenaryo na ito ay parang tunay talaga kayong magasawa at nagmamahalan. Chill lang guys, wala tong personalan,trabaho lang."

Nagsiurungan na ang mga kaklase namin na nanunuod sa amin upang mabigyan kami ng espasyo para sa gagawin na namang naming pagarte maya-maya, Samantalang kami naman ni Reyes ay parang wala lang. Ang goal lang talaga namin ay matapos namin ang scene na ito ng maayos at mahusay.

"Kinakabahan ako."–Mahinang ibinulong sa akin ni Reyes, Habang siya'y naka tayo sa aking tabi at nginangat-ngat ang sarili niyang kuko.

"Ako din eh, ang hirap pala ano?"– Response ko kasama ng pagtingin ko sakanyang mga mata ng saglit at ibinalik ko na din ang aking mga tingin sa kawalan ,napansin ko rin siyang tumango ng dahan-dahan saka ibinaling ang tingin sa iba. Well, hindi din kasi kami ganun ka-close ni Reyes.

"Unang scenaryo, ACTION!"– Sigaw ni Marian kasabay ng pagtaas ng kamay niya na nagsesenyales na umpisahin na namin ang pagarte.

Sa paguumpisa ng aming pagarte ulit ni Reyes, Ang mga kaklase namin ay muling nagsitahimik at nasa amin lamang ang kanilang mga atensiyon. Walang kumukurap ni-isa sakanila, lahat sila'y ganang-ganang manuod sa aming dalawa. Samantalang kami naman ni Reyes ay naghahanda na. Muli niyang hinawakan ang bewang ko kasabay ng paglakad namin ng pagka dahan-dahan sa gitna ng stage, At ako  naman ay humawak na din sa kanyang bewang. Dikit na dikit kaming dalawa ni Reyes, Wala ng pake-elamanan kung nagkaka chansingan o kung ano man. Requirements lang namin ito, Mamaya-maya kakalimutan din namin ang mga ganitong pangyayari.

Mga ilang hakbang ng paglalakad namin ay pareho kaming dalawang huminto, Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang pagkakahawak sa aking bewang saka humarap sa akin kasabay ng paghugot niya sa dalawa kong nanlalamig sa kabang mga kamay. Tumingin siya sa aking mga mata, mga mata niyang napaka seryoso at nakaka akit. Mga labi niyang namumula at ilong niya na napaka perfect shape. Ang swerte ko, ang swerte-swerte ko kasi siya ang naging parter ko sa play na ito. Si Renato Reyes. Dating hindi ko naman gaano napapansin ngunit ngayon ay siya na mismong ang nasa aking harapan at ka partner kopa. Noong una palang ng aming klase ay nagu-guwapuhan na talaga ako skanya. Nanghinayang din ako, kase may pagka malambot din ang lalaki na ito na nakatayo sa aking harapan.

ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon