Story untold

90 3 0
                                    

Naranasan mo na bang magmahal ng lubusan pero sa huli ikaw pala'y iniwan?

Mabuti pa nga si Cinderella hinubad lang yung sapatos nagka forever na. Samantalang ako hinubad ko na lahat. Iniwan parin.

Eh anong magagawa ko? Sa mahal ko yung tao.

Oo alam kong wala akong pag asa sa puso niya. Pero pwede naman siguro ako maging masaya kahit ngayon lang. Pano nga ba ito nagsimula?

*Flashback*

Faye's POV

Nandito na ako sa Gallery University. Bagong school na lilipatan ko.

Hays! Nandito pa ako sa gate. T.T. nakalimutan kong dalhin ang map. No choice! Kailangan kong mag isip ng paraan. Hmm...

*light bulb*

Hoho! Pakapalan ng feys. Nilapitan ko ang isang SSG officer na nagbabantay sa gate.

"Excuse me po.." Sabi ko.

Tinitigan niya lang ako. Bakit hindi siya sumasagot? Ahaist.
I waved my hand ... Yown! Parang nabalik siya sa katinuan.

"Ahh.. Sorry. Bakit nga pala?" Tanong niya.

"Uhm. Nasan po ba ang room ng 4-A?" Ako

"Sa tabi ng 3rd building lang. Tapos lumiko ka pa right then straight lang tapos pa left. May sign dun na 4-A. " sagot niya.

Haa?? Di ko gets.

Na feel niya yata na hindi ko naintindihan yung directions niya.

"Hatid nalang kita. " masigla niyang sabi sakin.

Woaahh... For real?

"Okaaay" ^_____^ ... Hihihi... Sagot ko agad sa kanya.

Nakakahiya . Bakit ba sila nakatitig samin? Yumuko nalang ako. Ano ba yan. May dumi ba ako sa mukha? Baka magulo pa yung buhok ko. Aish! Bahala na nga.

Hanggang sa nakarating narin kami sa room ko.

"Salamat nga pala :)" sabi ko sa kanya.

"No prob. " at umalis na siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

Halaa... Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.  Sa susunod na lang.

Pumasok na ako at umupo sa bandang likuran. Marami rami narin ang nasa loob. As usual nag chichismisan sila. Kesyo sa paris daw sila nag bakasyon, about make ups, dresses, etc.

Hayysss.. Kinuha ko yung headset ko at nagplay ng music.  Emo na naman. Hindi ko inifull volume yung music masakit kasi sa tenga pag nagtagal. Matutulog na sana ako nang may narinig akong nag uusap.

"Sino kaya yung transferee?" G1
"In Fairness maganda siya." G2

Oww.. Thank you classmate xD . Hahahaha...

"Pero mukhang masungit. Tingnan mo nga yung mga gamit niya puro branded. Baka imitations lang yan. " G1
" baka social climber o kaya gold digger" G2

Eehh?? Ang sakit naman nilang magsalita. Hindi naman totoo. Kung makapag judge wagas.

Hmp! Hindi ko nalang sila pinansin. Tutal sa mata ng mga taong insecure, walang maganda.

*Fast Forward*

Break na. Yeheeeyyyy!!  Niligpit ko na ang mga gamit ko at pumunta na sa cafeteria.

Andaming tao. Hoho! Pumila na ako at nag order ng makakain.

Naghanap ako ng bakanteng upuan. Pero wala na. Huhuhu! Paano na ito? Luminga linga pa ako ng huling beses baka makakita pa ako ng bakante. Pero wala talaga. Aalis na sana ako nang may nakabangga sakin.

Salamat sa Panandaliang Kilig (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon