Kisses's POV:
"Alis na ko, may aayusin pa ko sa condo ko."
Sabi nung maymay sabay tumayo,
"Hatid na kita"
Tumayo sa pag kakaupo si Edward , napatingin ako sa kanya.Bat niya ihahatid eh alam naman niyan pauwi, tanda tanda na nyan oh!
Napaiwas ako ng tingin ng mapatingin rin sya sakin.
"Bro, paki bantayan bago ka umuwi, baka ano na namang katangahan ang gawin"
"Tss " sabi ko lang at umirap, sa lahat ng pagtutuuanan niya ng pansin, palagi nalang yung katangahan ko raw.
"Haha sige bro"
Napatingin ako doon sa Maymay at nakatingin siya sakin, bat ako tinitignan ako nito?
Yung tingin na parang binabasa ako.Mas mukha naman siyang libro sakin! Oh my god, kisses!? anong ugali yan? Umayos ka.
Umiwas nalang ako ng tingin, mukha talaga siyang naghahanap ng away, pero hindi ko ugali ang ganoon.
Bat pag aawayab kong pwedeng pag usapan?
Bat ba ko napunta sa away?"Tara"
Naunang maglakad si Edward palabas at sumunod yung Maymay, tinignan ko ang likod nila paalis.
Lumingon si Maymay at nginisian ako bigla, nagtaka ako.
Anong problema niya?
Dumikit siya kay Edward at pumulupot sa Braso nito, at saka doon na humarap sa dinadaanan nya si MayMay.Napabusangot ako, bat parang iniinis nya ko?
Humarap ako kay Joao,
"Ilang taon na yun si maymay?"
Tanong ko, napatingin siya sakin.
"Mas matanda sya ng 3 years kay Edward, 1 year sakin."
Napatango ako, mukhang ka edad ko lang naman si Edward, kaya dapat pala ate tawag ko sa kanya.
Bat kasi pati edad ko hindi ko maalala, ang sama!
"Nga pala, may binili akong chocolates galing sa grocery eh, para sayo yun"
Biglang nagkinang ang aking mga mata, chocolates *Q*
"TALAAGAAA!!? ASANNN?"
parang magwawala na ako, tumawa si joao ng mahina, bat parang kakaiba ang tawa niya?
"Kunin ko lang"
Tumango tango ako na nakangiti na parang aso,
Tatayo na sana siya ng bigla siyang mapa upo ulit at napahawak sa ulo niya.
"U-ui! Ok ka lang?"
Dali dali akong lumapit sa kanya, nung makalapit ako at doon ko lang napansin na namumula siya at pinagpapawisan, ako lang ba o medyo malabo talaga mata ko pag malayo?
"Joao? May nakain ka bang allergy ka?"
Nag aalala kong tanong, hindi siya sumagot kasi parang nahihirapan syang huminga.
Nataranta ako bigla, anong gagawin ko sa ganitong sitwasyon?
Hinawakan ko sya at napabitaw dahil sa sobrang init niya,
"MAY LAGNAT KA!!"
I forgot what Edward said, Na mabilis syang nagkakasakit pag nababasa ng ulan!! ano bang gagawin ko,?
Palakad lakad ako sa harap niya kasi wala akong maisip, wala akong maisip!
"Aishh"
Nilapitan ko si Joao ulit at ipina akbay siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Beautiful Stranger (SEASON 1)
FantasyEdward John Barber, a famous actor in the Philippines. He's a total package... Kung Hindi Lang siya.... Arrogante, walang modo, mahangin at masarap itapon sa ilog pasig. But inspite of all these negatives, ay maraming nagkakandarapa at nagmamahal sa...