Hanna's Pov
Nandito na ako ngayon sa magical garden, Yea tama ang narinig niyo yan ang tawag ko dito dahil napaka ganda ng lugar na ito. Maraming bulaklak puno at maririnig mo ang mga huni ng ibon sa sobrang tahimik.
Naglakad ako papunta sa isang puno na malaki at naupo sa ilalim nun, nilabas ko ang aking ipad at earphone at nakinig ng musika habang nagbabasa ng libro. Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa may narinig ako na parang may paparating. Pero ipinag walang bahala ko nalang ito dahil imposibleng may makaalam ng lugar na ito dahil tago ito.
Hector's Pov
Ang tagal ko na din palang hindi nakakapunta dito dahil na din busy ako sa pagiging dancer ko, Ako nga pala si Hector Emerald, anak ako ng isang businessman at isang sikat na modelo sa new york. Nag-aaral ako sa isang sikat na university dito sa pinas. Dito na rin ako lumaki dahil inuwi ako ni daddy dito sa kadahilanan na hindi ako maasikaso ni mommy.
Teka? Bat parang may babae dun, ngayon ko lang nakita ito."- Hector
Lumapit si hector sa babae at nakita niyang abala ito sa pagbabasa habang nakikinig ng musika. Tumabi siya dito at kinuha ang isang kapares ng earphones na gamit ng babae"- Third person
Ang panget naman ng pinapakinggan mo! Napaka baduy ganyan ba kayong mga babae?"- Hector
Napatingin sakanya si hanna habang naka kunot ang noo"- third person
Teka! Sino ka ba? At bakit bigla bigla ka nalang nang aagaw ng gamit."- Hanna
Eh! Ikaw sino ka din ba? Hindi mo ba alam na teritoryo ko to. Ngayon nga lang kita nakita dito tapos ikaw pa may gana sumigaw."- Hector
Umalis ka na dito, dati pa ko nagpupunta dito simula bata palang ako ito na lagi ko pinupuntahan tuwing umuuwi ako dito sa pinas, ano okay na ba? Nasagot ko na tanong mo makakaalis ka na."- Hanna
Binalik na ni hanna ang kanyang atensyon sa pagbabasa ng libro, at si hector naman ay tumabi ulit kay hanna at kinuha ang isang kapares ng earphones."- Third person
Nagpaalam ka na ba sakin na makiki share ka? Diba hindi pa, kaya wag ka basta basta nanghahablot."- Pataray na sabi ni hanna kay hector
Oo na mahal na prinsesa ito na nga magpapaalam na. Hoy! Pa share ako ha? Salamat."- At kinuha na nga ni hector ang isang kapares ng earphone.
Third Person's Pov
Lumipas ang oras at magdidilim na ng mapatingin sa orasan si hanna. Nagmamadali itong tumayo at tumingin kay hector na nakatulog na pala.
Hoy! Gising na hindi ito ang bahay mo para dito ka matulog."- Hanna
Agad agad naman na nagising si hector at napatingin sa orasan. Paalis na sana si hanna pero muli siyang tinawag ni hector."- Third person
Teka miss ano nga pala ang pangalan mo, pasensya na kung hindi ako nakapag pakilala sayo kanina ikaw naman kasi ang sungit sungit mo. Ako nga pala si hector ikaw ba?."-Hector
Ako nga pala si hanna, pasenya na din sa kanina hindi kasi ako sanay na may kasama dito at isa pa wala akong kakilala dito dahil hindi naman ako lumaki dito. Sige kailangan ko na umalis hector."-Hanna
Pwede ko ba makuha phone number mo? A-ano kung okay lang sayo."-Pagtatanong ni hector habang nakahawak sa batok.
Binigay ni hanna ang kanya number kay hector at tuluyan na siyang nagpaalam sa binata"-Third person
YOU ARE READING
Earphones (One Shot)
FanficDalawang tao na pinag-tagpo ng tadhana at hindi inaasahang mahuhulog sa isa't-isa.