kumusta naman ang naging lakad mo kagabi friend? Tanong ni Clarisse kay jan louisse ng muli silang magkita.
"Okey naman! Nag enjoy ako. Napaka saya ko dahil nakilala ko sya. Napaka galang at napaka bait na bata nung anak ni Renz. Kahit papanu ay nawala ang pangungulila ko sa aking anak."
"Pero hindi mo na dapat pang ginagawa ang bagay na yun Friend. Marami namang ibang bata ang dito ang pwede mong pagtuunan ng pansin eh. Sa kanila mo ibaling ang atensyon mo."
"iba ang saya na nararamdaman ko pag kasama ko si Karryle. Hindi ko ito maramdaman sa ibang bata. Oo masaya ako na nakakatulong ako sa kanila subalit...."
"Pero friend! Napaka layo ng binibiyahe kapag pupuntahan mo pa ang batang yun maraming oras kang masasayang isa pa maraming fuel kang magagamit."
"I don't care Clarisse, idont care if how nany miles i travel just to be with her. i dont care if how many hours i spent to reach that kid. I dont care even barrels of fuels i used just to reach her as long as i am happy. Teka nga muna bakit ba parang ayaw mo akong sumaya? Anu bang dahilan kung bakit ayaw mong makasama ko ang batang yun?"
"Hindi naman sa ayaw my friend. Ang inaalala ko lang kasi napapabayaan mo yung kumpanya. Hindi mo na naasikaso ang mga business mo. Dahil lang sa batang hindi mo naman ka anu anu."
"kaya nga nandyan ang mga officers ng company eh. May mga board of directors na siyang namamahala ng kumpanya. Kaya nga nanjan ka dahil kayo ang mga nagpapatakbo ng kumpanya ko. Kahit wala ako ay tuloy tuloy ang mga productions. So anu pa ang dapat kung intindihin? Ikaw Clarrise matanong kita anong Ginagawa mo sa lugar na yun? Bakit naroon ka during working hours? At anu ang ugnayan mo kay Renz na ama ni Karryle?"
hindi agad nakasagot si Clarisse. Tama nga naman si Jan Louisse. Anu pang silbi nilang mga managers at board of directors kung pati mga trabaho nila ay gagampanan ng company owner. At lalong hindi siya nakasagot sa mga sunod sunod na tanong sa kanya ni Jan louisse sa ugnayan nila ni Renz.hindi niya masagot dahil wala naman silang ugnayan. Ang totoo ay nag aassume lamang ang dalaga na magustuhan siya ni Renz.
"oh bakit hindi ka makasagot sa mga tanong ko Clarisse? May relasyon ba kayo ni Renz. Gaanu na ba kayo katagal na magkakilala."okey i'll tell you the truth. Matagal na kaming magkakilala. At Kaya ko gustong magkalayo kayo ng anak ni Renz ay dahil ayaw kong malaman mo na nagkaroon kayo ng ugnayan sa isat isa."
biglang nagulumihanan si Jan louisse.
"What? Anong naging ugnayan namin ni Renz eh ngayon lang kami nagkakilala?."
""he is your Baby Maker my Friend. Kaya pilit kitang inilalayo sa kanya dahil natatakot akong malaman ni Renz na siya ang ama ng batang sinayang mo. Yung batang hindi mo nagang iligtas nung time na..."
"Tama na clarisse! Wag mo nang ipamukha sa akin ang naging kapabayaan ko sa aking anak. Lalo lang akong nasasaktan kapag naalala ko ang nangyari. Sapat na ang nalaman ko na si Renz pala ang aking naging baby maker."habang nagmamaneho si Jan louisse ay kanyang naiisip ang mga rebelasyon ng kaibigan. Kaya pala ganun ang kanyang pakiramdam nung kusa niyang naipagkaloob kay Renz ang kanyang katawan. Iisa ang galaw nung kanyang baby maker at ni Renz. At iisa ang kanyang pakiramdam nung sila ay nagtatalik dahil si Renz at ang kanyang baby Maker ay iisa rin. Litong lito ngaun si Jan louisse kung babalikan nya pa ang lugar na iyon. Kung babalik pa siya kay Karryle. At panu kung matuklasan ni Renz na siya ang naging Carrier ng batang siya ang naging ama? Panu kung sumbatan siya nito dahil sa kanyang kapabayaan.
Nagdisisyon na si Jan louisse hindi na siya muling pupunta pa doon. Hindi na suya magpapakita pa sa batang si Karryle. Isasantabi na lamang niya ang pagiging ina inahan sa bata.
Ilang araw linggo at inabot na rin ng buwan na hindi na muling nagpakita pa si Jan louisse kay Karryle. Labis ang naging pangungulila ng dalagita sa kanyang ina inahan. Ilang beses din siyang nag attempt na tumawag at nagpadala ng mensahe sa dalaga ngunit wala ni anumang sagot sa mga ito. Dahil walang kaalam alam si karryle na gusto nang putulin ni Jan louisse ang kanilang ugnayan.
Dahil sa pangungulila ni Karryle sa kanyang ina inahan ay nagpasya si Renz na hanapin na lamang ang tunay na ina ni Karryle. Gusto niyang iparamdam sa anak anakan kung anu ang pakiramdam na magkaroon ng tunay na mama.