CHAPTER 10

3.9K 69 0
                                    

Muling bumisita si Clarisse sa bahay nila Renz. Batid niyang may galit ito sa kanya ngunit mas nanaig ang paghahangad niya na muli silang magkalapit.
"kumusta na Renz?" bungad na bati ni Clarisse.
"oh anung ginagawa mo rito miss Clarisse?"
"Wala naman Renz gusto lang kitang dalawin."
"ahh okey lang naman ako. Okey lang kami ng anak ko. Kaya wala kang dapat ipag alala."
"Renz, tungkol sa nangyari dati. Gusto ko sanang mag Sorry."
"Ah yun ba ang ipinunta mo rito? Wala na sa akin yun. Kalimutan mo na yun. "sarkastikong sagot ni Renz sa dalaga.
"Ayokong magkaroon tayo ng hidwaan Renz. Kaya ako nagpunta rito upang ayusin natin ang lahat."
"paanu nating maayos ang lahat Clarisse kung ang paghahangad kong makilala ang tunay na ina ni Karryle ay ayaw mong sabihin."
"wala na rin namang saysay pa kahit malaman mo Renz eh. Dahil ang ina ni Karryle ay matagal ng wala dito sa Pilipinas. Mas pinili niyang mag migrate sa ibang bansa after ng mawala sa kanya ang baby." pagsisinungaling niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad ang tungkol dito?"
"Dahil iyon ang nararapat Renz. Iyon ang bilin niya sa akin."
"Si Jan louisse? Anu ng nangyari sa kanya? Bakit hindi na siya nagpupunta rito?"
"Nasa ibang bansa na rin si Jan louisse. Doon na rin siya tumira kaya malabo ng magkita pa kayo."
"ganun ba?" malungkot na sabi ni Renz. Hindi maalis sa kanyang isipan ang labis na panungulila.
"Nandito naman ako Renz, handa kung punan ang pangangailangan mo sa aking kaibigan. Ramdam kong mahal mo siya pero nasa ibang bansa na sya. Hindi natin alam kung kelan siya babalik. Samantalang ako nandito lang. Anumang oras na kakailanganin mo ako madali kitang mapupuntahan. Ako na lang ang mahalin mo renz."
"Hindi ganun kadali yun Clarisse. Ang pag ibig ay hindi iniuutos. Kusa itong nararamdaman. Hintayin mong makalimot ako sa nararamdaman ko kay Jan louisse at saka natin pag usapan ang gusto mong mangyari."
kahit papanu ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ni Clarisse. Atleast magkakaroon pa sila ng pagkakataon ni Renz. Hihintayin na lamang niyang makapag move on ito.
Dahil muli na silang nagka ayos ay halos linggo linggo ay umuuwi si Clarisse sa Bataan upang makipag bonding sa kanila. Palagay na rin ang loob ni Karryle sa dalaga. Hindi man magawang tumbasan ni Clarisse ang naibibigay ni Jan louisse sa dalaga ay pilit niya itong pinasasaya in her own way.
At dahil sa palaging nanjan si Clarisse ay unti unting nanumbalik ang sigla ng anak ni Renz. Talagang sabik sa atensyon ng ina ang kanyang dalagita.
"Maraming salamat Clarisse" wika ni Renz ng muli silang makapg usap.
"para saan Renz?"
" dahil sayo ay unti unti ng bumabalik ang sigla ni Karryle. Marahil ay nakalimutan na niya ang kanyang ina inahan."
"Wala yun Renz. Masaya rin ako kasi naappreciate mo ang ginagawa ko para sa inyong mag anak. At ang lahat ng ito ay ginagawa ko para sayo. Para pati ikaw ay mapasaya ko."
"labis labis na nga ang kasiyahan ko Clarisse dahil sa mga nagawa mo."
"Kulang pa yun RenZ, para sa akin ay hindi pa sapat ang nagawa ko para mapasaya ka."
tinitigan ni Renz si Clarisse. Titig na halos ikatunaw ng dalaga. Sinalubong naman ni Clarisse ang mga titig na iyon. Ito na ang pagkakataong hinihintay ni Clarisse, ang mahulog sa kanya ang damdamin ng binata. Malas ang pagkabog ng dibdib ni Clarisse hanggang sa unti unti niyang inilapit ang bibig sa nakatitig na binata. Palapit ng palapit at konteng konte na lang ay magdidikit na ang kanilang mga labi. Subalit tila biglang natauhan si Renz. Inilayo na niya ang kanyang mukha bago pa siya tuluyang makalimot. Ayaw niyang bumigaw sa pang aakit ng dalaga.

Dismayado naman si Clarisse sa nangyari. Naisip tuloy niya na hindi kaya bakla si Renz? Pero kung bakla ito bakit nagawa niyang buntisin si Jan louisse. Nagawa pa nitong magkagusto sa kanyang kaibigan. Kaya malabong mging bakla ang binata.

isang gabi ay naisipan ni Karryle na ayusin ang laman ng kabyang bag. Isa isa niyang inilabas ang mga notebook at aklat na nakapaloob dito upang linisin. At ng muli niyang ibabalik ang mga laman ay natuon ang kanyabg pansin sa isang bagay. Nakita niya ang isang bracelet na bigay pa ng kanyang mama Jan Louisse.
Kinuha niya ito at inilagay sa kanyang dibdib ang kang kamay na may hawak sa bracelet. Napansin naman ng kanyang amang si Renz ang kanyang hawak.
"Karryle ano yang hawak mo? Patingin nga."
"Bracelet po papa." iniabot ni Karryle ang bracelet sa kanyang ama. Matamang pinagmasdan ito ni Renz. Pamilyar sa kanya abg bracrlet na iyon. At upang makatiyak ay binuksan niya ang maliit na locket na nakapalawit sa Bracelet. At hindi nga siya nagkamali ito nga ang bracelet niya na ilang taon nang nawawala. Bakaukit pa sa loob ng locket ang pangalan ng kanyang lola na nagbigay nito sa kanya.
"Saan gsling ito Karryle?"
"Bigay po sa akin ni Mama Jan louisse papa. Dito po nagsimula ang aming pagkakaibigan. Nahulog po kasi ito mula sa kanyabg bag noong una silang magpunta sa school. Napulot ko po ito at noon pong bumalik siya ay ibinalik ko po sa kanya. Pero hindi na po niya ito tinanggap. Sa akin na lang daw. Inibgatan ko po ito at itinago" paliwanag ng kanyang anak.

the BABY MAKERWhere stories live. Discover now