CHAPTER 11

5.7K 140 27
                                    

continuation

Habang nagmemeryenda sila ng biko ay kinuha naman ni Renz ang pagkakataong iyon. Para sabihin ang dapat niyang sabihin.
"Makinig kayong lahat. Nay, lenlen at Karryle. Marahil ito na ang tamang panahon para malaman nyo ang buong katotohanan." usal ni Renz.
"bakit kuya? Bakla ka ba?" pagbibiro ni Lenlen.
Kinurot ni Aling Claire ang anak na dalaga sa tagiliran.
"aarrraaaayyy nanay naman! Masakit eh. Nagbibiro lang naman ako. Si kuya kasi masyadong seryoso."
"Mamaya na muna ang biruan Lenlen. Dahil narito na rin lang si Louisse ay hindi ko na patatagalin pa ang aking lihim. Karryle, anak si Louisse na ginagawa mong nanay nanayan...siya ang iyong biological mother. Siya ang totoong nagluwal sayo. Slam ko masaya ka pag nakikita mo siya pero segurado akong mas sasaya ka dahil nalaman mo na ang totoo."
"talaga po papa? Si mama Claire ang biological mother ko?" sa labis na tuwa ni Karryle ay napayaka siya sa kanyang ina.
hindi makapaniwala si aling Claire. Maging si Lenlen.
"Naparito ka ba Louisse para kuhanin na ang iyong anak?" tanong ni aling Claire.
"Hindi po Aling Claire. Ayoko pong sa akin manggaling ang disisyon. Hayaan natin na si Karryle ang magsabi kung ano ang magiging plano niya. At kung ano man po ang magiging pasya ni Karryle sana po ay suportahan nyo na lang."
"Mama, simula bata pa lang ako dito na ako lumaki aa piling nila papa at kahit na nahihirapan si papa ay ginaa nya ang kanyang makakaya para palakihin ako at pag aralin. Kaya napaka sakit po para sa akin na iwanan sila papa. Pero gusto ko po kayong  makasama. Gusto kong maramdaman kung ano ang pakirandam ng imerong isang ina na gumagabay sa isang anak."
"patawarin mo ako anak napakalaki ng pagkukulang ko sayo. Nangangako ako na anu man ang pagkukulang ko sayo ay pupunuan ko ngaung magkakasama na tayo. Sabihin mo lang kung anong gusto mo at ibibigay ko sayo."
"wala po akong ibang hihilingin kundi iparamdam nyo sa akin ang pagmamahal ng isang tunay na ina mama. At gusto kong huwag na kayong aalis. Magsama sama tayo nila papa."
"napatingin si Jan louisse kay Renz. Wala kasi siyang maisagot. Hindi niya alam kung makakaya niyang pagbigyan ang huling kahilingan ni Karryle. Waring humihingi siya ng tulong sa binata.
"Ah karryle anak, hindi pa kasi namin napapag usapan ni Mama Louisse mo yung tungkol sa huli mong kahilingan. Pwede bang bigyan muna natin siya ng panahon para makapag isip."
"Sige Renz pag usapan muna natin to."
"Sige maiwan ko muna kayo at marami pa akong tatrabahuin sa kusina. Wika ni Aling Claire at bahagya nya pang siniko si Lenlen. Agad namang naunawaan ni Lenlen ang ipinahiwatig ng pagsiko ng kanyang ina.
"Ako rin mag aasikaso na ako at baka malate pa ako sa pagpasok sa work." wika ni Lenlen."Karryle, anak tulungan mo muna akong maghugas ng plato. Marami rami to eh eh." tawag ni aling Claire sa dalagita.
"Sige po lola sunod na po ako ako."
at nang maka alis ba ang tatlo ay magkatabing nag usap ang dalawa. Lihim namang nakasilip ang tatlo. Tila interesado silang malaman kung ano ang magiging pasya ng dalawa.
"Tungkol sa..." halos sabay na nasabi ng dalawa.
"Sige mauna ka ng magsalita louisse" wika ni Renz na nakatingin sa magandang mukha ng dalaga.
"sige ikaw na Renz. Tutal tungkol naman kay Karryle ang ating pag uusapan eh."
"Hindi Louisse. Walang kinalaman si Karryle sa gusto jong sabihin sayo."
"Ha! Bakit naman!" nagtatakang tanong ni Louisse.
"Dahil hindi lang si Karryle ang gusto kang makasama." nanatiling nakatitig si Renz sa dalaga.
"Anong ibig mong sabihin Renz." tanong ni Louisse kahit sa loob niya ay alam na niya ang nais ipahiwatig ng binata. Gusto lamang niyang marinig mula sa bibig ng binata. Dahil baka magkamali siya ng inaakala.ayaw niyang maging assuming.
"Mahal kita Louisse, hindi ko alam kung kelan ko naramdaman ito. Pero simula nung may nama..." hindi na naituloy ni Renz ang pagpapaliwanag.
"sssh! Wag mo ng ituloy Renz. Baka marinig pa nila. Sapat na yung narinig ko. Sa totoo lang eh hinahanap hanap rin kita. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero dahil sinabi mong Mahal mo ako. Sa palagay ko ay nagmamahal na rin ako sa kabila ng pagiging manhater ko ay ngayon lang ulit ako nagmahal Renz"
"ibig nong sabihin!..." biglang umaliwalas ang seryosong mukha ni Renz.
"Oo Renz. Tinatanggap ko ang pag ibig mo. At tulad ng gusto ng ating anak ay magsasama sama tayo. Magpapakasal tayo para tuluyan na tayong maging masaya."
dahil sa labis na tuwa ni Renz ay nayakap niya si Jan louisse. Gumanti naman ng yakap ang dalaga. Kasunod ang isang masuyong paghalik sa mga labi ng isat isa.
Biglang pumasok sa eksena si Karryle.
"yeheey! Meron na akong mama at papa." tumakbo siyang palapit sa dalawa. Agad namang kumalas ang kanilang mga labi ng makitang palapit si Karryle. Niyakap ng dalagita ang dalawa.

Hindi pumayag si Karryle na umuwi si Jan louisse sa manila. Hiniling niya na sama sama sila dito sa kanilang bahay. Hindi naman binigo ni Jan louisse ang kahilingan ng kanyang anak. Mas napabuti naman yun dahil mapapag usapan nila ni Renz ang tungkol sa kanilang kasal. At napagdisisyunan ng dalawa na isang simpleng kasalan lamang ang magaganap. At gaganapin ang kasal sa lalong madaling panahon.

Nang maka uwi si Jan louisse ay inasikaso niya ang pagpapagawa ng invitation cards para sa kanyang mga malalapit na kaibigan. Isa isa niya itong ipinadala thru mail.
"wow friend! Sa wakas mag aasawa ka na rin. Akala ko habang buhay ka ng magiging single eh." wika ng kaibigang si Cheska sa kabilang linya. Si Cheska ay mayaman din na asawa ng isang pulitiko.
"oo nga friend Cheska. Hindi ko inaasahan na darating din sa buhay ko ang lalaking mamahalin ko."
"sige Friend pupunta kami sa kasal mo, congrats."
"tnx Friend Cheska."

Halos lahat ng malalapit niyang kaibigan ay napadalhan na niya ng invitation. Maliban lamang sa isa. Hawak niya ngayon ang invitation para kay Clarisse. Ngunit nag aalangan siyang ipadala ito sa dalaga. Alam niyang may gusto ito kay Renz na kanyang magiging asawa. Tiyak niyang hindi matatanggap ni Clarisse na ikakasal na sila ni Renz. Inilapag na lamang niya ang invitation sa kanyang office table at ipinasyang huwag ng padalhan si Clarisse.

Sumapit na ang araw ng nakatakdang kasal. Nagsipagdatingan ang mga mayayamang bisita ni Clarisse. Labis silang nagtaka dahil napaka simple ng pagkaka ayos ng simbahan. Halatang hindi ginastusan ng malaki. At ang reception ay gaganapin pa sa isang multi purpose hall. Hindi maka paniwala ang mga mayayamang bisita bi Jan louisse na ang isang milyonaryang si jan louisse ay ikakasal sa isang average level na mamayan. At ang kanilang kasal ay napaka simple.

Pagkatapos ng wedding ceremony ay nagtungo na sa Bulwagan ang lahat.

Bago makapasok sa bulwagan ay isang boquet ng bulaklak ang iniabot kay jan louisse bg di kilalang lalaki. Kinuha ni Jan louisse ang bulaklak at tiningnan kung sino ang sender nito.

"Im so sorry friend. I congratulate you for having a good husband like him. Best wishes!"

kilala ni Jan louisse ang ganung klaseng hand written. Itinaas ni jan louisse ang kanyang ulo palinga linga niyang tiningnan ang mga taong papasok sa reception. At ng makita niya si Clarisse mula sa di kalayuan.
"Sandali lang Renz, may kakausapin lang ako." pinahawakan niya sa asawa ang boquet ng bulaklak at pinuntahan si Clarisse. Agad niya itong niyakap bilang pagtanggap sa apology ng kaibigan. Hindi inaasahan ni Clarisse na patatawarin siya ng kanyang kaibigan sa kabila ng kanyang mga nagawa. Tumulo ang luha ni Clarisse sa sobrang saya dahil napatawad na sya ng kanyang kaibigan. Masaya rin si Jan louisse dahil kumpleto ang kanyang mga kaibigan sa pinaka special na okasyon sa kanyang buhay. Syempre ganun din si Renz halos wala siyang pagsidlan ng kanyang kasiyahan dahil sa nangyari sa kanyang buhay. Hindi niya inaaasahan na ang pagiging baby maker niya ang maghahatid ng isang napaka laking swerte sa kanya.

I hope na nagustuhan ninyo ang kwentong ginawa ko para sa inyong mga mambabasa. Maraming salamat sa pagsubaybay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

the BABY MAKERWhere stories live. Discover now