Chapter 9
Not so long ago, bumalik na ulit si Bryce. Actually kagabi lang siya dumating. Ewan ko ba sa mga tao ngayon. Aalis tapos babalik at aalis ulit biglang babalik. Sabi nga sa kanta, nawawala bumabalik eto na naman...
I went through my closet para maghanap ng comfy na damit. Kakatapos ko lang maligo at gutom na ako. Hinahanap ko sina mama pero hindi ko sila makita.
Pagkababa ko, hinanap ko si Manang Doris at si Tita pero hindi ko din sila makita.
"Hi Dawn!" salubong sa'kin ni Hailee sabay abot ng isang floral na paper bag.
"What's this for?"
"Pinapabigay ni Lola Cat. Meron din ako, look," pinakita niya sakin ang katulad ng paper bag na inabot niya.
"Anong meron? Hindi ko naman birthday ah."
"Pasalubong daw. Ang bait talaga ni Lola Cat, hindi niya tayo nakakalimutan."
One of the things that I admire about Lola Cat is that her heart is pure. She's filthy rich but she never forget to give back. And even if we're not related by heart, she treats me like I am her own granddaughter.
"At eto pa..." she handed me a bracelet made out of shells.
Grabe ang cute! The fact na handmade yung bracelet made me more impressed.
"Saan galing 'to?" I asked matapos kong isuot ang bracelet.
"Kay Byron." she said. "Ang sweet talaga ni Byron. Sana hindi siya katulad ni Mavy paglaki."
Ngumisi ako, "Ayaw mo kay Mavy pero lagi mo naman siyang binabanggit." Well, it's true. Tuwing magkasama kami ni Hailee, lagi niyang bukang bibig si Mavy. Iyon nga lang, puro negative traits ni Mavy ang mga pinagsasabi ni Hailee.
She faced me with a bemused look. "Whatever."
"Sina mama?" I asked. Kanina ko pa kasi silang hinahanap pero hindi ko naman sila makita sa loob ng bahay.
"Maagang umalis kasama si momsy. May aayusin daw sila. Tulog ka pa daw kaya hindi ka na ginising," sagot ni Hailee. Tinapos ko kasi kagabi ang season 3 nang Friends kaya late akong nagising.
"Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Inaantay ka kasi namin ni Manang. Sabay-sabay daw tayong kumain."
Niyaya ko siyang kumain dahil for sure, gutom na rin siya. Pagkadating namin sa dining room, saktong dumating din si Manang. Nagdasal muna kami bago kumain and after that, nilantakan na namin ang pagkain na nakahanda.
"Mga hija, may gagawin ba kayo ngayon?" Manang asked.
Uminom muna ako ng tubig bago magsalita, "Wala naman. Bakit po?"
"Nagpunta kasi dito si Mrs. Santos, yung nakatira sa katabing bahay nina Mavy... Umorder kasi siya dahil may event daw ang opisina nila at hindi naman ako nakatanggi dahil kailangang-kailangan daw..." Manang explained. "Kaya niyo ba akong tulungan?"
"Sure Manang! Nakakamiss mag-bake!" Hailee said with excitement.
"Tanda niyo pa ba ang mga recipe?"
"Of course, manang!"
***
We spent the next few hours baking... and eating.
Mamayang hapon kukuhanin ni Mrs. Santos ang mga order niyang cake, cupcakes at cookies kaya naging multitasking ang ganap sa bakery.
Si Manang Doris ang gumawa ng frosting at fondant. Ako ang gumawa ng cake mix, si Hailee naman sa cupcakes. At tulong tulong kaming gumawa ng cookies. Habang iniintay namin na maluto ang mga cakes at cupcakes, kumain muna kami ng mga tart at brownies. Kanina pa nga kaming kain ng kain e. Halos kami na ang umubos ng laman ng bakery.
YOU ARE READING
Bryce and Dawn
Teen FictionEverything Has Changed. They are both broken, but they wouldn't have it any other way. In the end, his words will always stay with her. Words marked on her skin, revolving on her veins and resonating on her soul. His memories will stay, even though...