"Salamat sa libre," Nginitian ko siya. Tapos na kaming mag-lunch at kasalukuyang nasa tapat ng gate ng GNHS. Nagpumilit pa kasi siyang ihatid ako.
"Hindi, salamat sayo. I hope masundan pa 'tong lunch natin," Ngumiti na naman siya. Ohgoose. Kanina pa nagbabackflip itong puso ko. Bakit ba kasi apektado ako ng mga ganyang ngiti niya ?
"Sige, alis na'ko." Kumaway ako sa papalayong si Gavin.
"Ingat !" Tiningnan ko na lang ang likod niya. Gaya ng madalas kong gawin noon. Hanggang tingin na lang.
Ahh... Si Gavin. Si Gavin Carl Amor. Ang lalaking kinabaliwan ko noon at magpahanggang ngayon. High school pa lang ako ay crush ko na si Gavin. Magmula nung makilala ko siya bilang partner ko sa sayaw namin noon. Oo. Aaminin kong hindi ko siya sinipot noon at napahiya siya. Pinagsisihan ko iyon. Kaya para makabawi kahit papano ay binibigyan ko siya ng mga chocolates nang palihim. Inilalagay ko iyon sa locker niya kapag wala siya. Araw-araw ko iyon ginagawa hanggang sa marealize kong unti-unti na akong nagkakacrush sa kanya. Bakit hindi ? Kaklase ko siya at alam ko ang mga galaw niya. Sobrang bait niya. Gwapo na nga, mabait at gentleman pa. Sporty, sweet at concern si Gavin. Yan ang nagustuhan ko sa kanya. Kahit alam kong suntok sa buwan ang pagkakagusto ko sa kanya dahil may girlfriend na siya, si Shane Carpio. At ipokrita ako kung hindi ko sasabihing nagseselos ako. Oo. Nagseselos ako tuwing magkasama sila at sobrang sweet sa isa't-isa. Naiinggit ako nang sobra kay Shane kapag inaalagaan at ipinagtatanggol siya ni Gavin. Minsan nga nahiling kong sana ako na lang si Shane.
"Good afternoon ma'am," bati ng isang estudyante na nakasalubong ko. Tinanguan ko siya bago ipinagpatuloy ang paglalakad.
Pero hindi ko alam na ang simpleng pagkakacrush sa kanya ay mauuwi sa sobrang pagmamahal ko sa kanya to the point na halos ginawa ko na ang lahat. Lahat ng projects, assignments, requirements at mga papers niya ay ginawa ko at nilalagay iyon sa locker niya nang palihim. Iniyakan ko rin siya noon nang malaman kong aalis na siya sa GNHS. Tinakpan ko rin ang mga ginawa niyang mga kalokohan noon. Inayos ko rin ang sarili ko noon para mapansin niya ako. Nagpabrace ako para pumantay yung mga ngipin ko. Gumamit rin ako ng kung ano-anong cream para mag-improve ang balat ko. Pero wala. Isang schoolmate lang talaga ang tingin niya noon sa akin.
Syempre masakit ang ma'SCHOOLMATEZONE. Pero kahit masakit, tinanggap ko. Ewan ko nga pero hanggang ngayon hindi ko pa rin sya nakakalimutan. Yung feelings ko noon, buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.
"Wow ! Aba't first time in the history yata ang malate sa trabaho si Sam Corpuz. Kailangan na ba naming magcelebrate ?" Sarkastikong bati ni Adelaide, isa rin sa mga katrabaho ko dito. Matagal ng naiinggit sakin si Adelaide. Ewan ko nga ba sa kanya.
Umirap lang sa kanya si Ana bago lumapit sakin at bumulong.
"Kanina pa nagtatatalak ang mabahong bunganga niyan. Saan ka ba kasi nagsususuot ? Kanina pa ako text ng text sayo, hindi ka naman nagrereply..."Kinuha ko naman ang phone ko na kanina pa nasa loob ng backpack ko. Naka silent yun mula ng maglunch kami ni Gavin. Ayoko kasing may umistorbo pa eh.
Tiningnan ko ang phone ko na may thirty two unread messages na karamihan ay mula kay Ana, dalawang mula kay ate, isang mula sa unknown number and the rest ay puro group messages. May five missed calls ring nakaregister, dalawa mula kay Ana at tatlong mula sa unknown number.
Binasa ko ang message na mula sa unknown number.
From : unknown number
Thanks for a very enjoyable lunch. Hope I'll see you later. 😉😃Ohgoose. Si Gavin ! Nagtext ! Pigil na pigil ang kilig ko. Pero shemay ! Kinikilig talaga ako ! 😆😍
"Hoy ! Ba't ngiting-ngiti ka diyan ? Sino ba yan ?" Bago pa makuha ni Ana ang phone ko ay ibinalik ko na iyon sa bag ko.
"Sorry. Nakasilent kasi ang phone ko habang naglalunch ako,"
"Hmm... Eh sino yung nagtext sayo ? Pigil na pigil yung kilig mo ah," nagtaas-baba pa ang kilay ni Ana habang sinusundot siya sa tagiliran.
"Wala,""Sus ! Ikaw ha ? Lumalove life ka na. By the way, sa'n ka naglunch at inabot ka ng alas dos ?"
Salamat naman at hindi na nangulit pa si Ana. Minsan kasi sobrang kulit nito at hindi ka talaga titigilan hangga't hindi mo sinasabi sa kanya ang gusto niyang malaman.
"Ay, oo ! Masarap dun sa Creme de la Creme. Grabe talaga Ana ! Favorite ko na ang chicken inasal nila," Nagkuwento pa ako sa kanya ng mga nakita ko sa Creme de la Creme hanggang sa magtime na.
BINABASA MO ANG
The Masochist
Ficțiune generalăAng sabi sa kanta ni Taylor Swift , "Nothing lasts forever ." Ang sabi naman sa librong nabasa ko , "Change is the only permanent thing in this world." Pero bakit ganun ? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip at puso ko ang nangyari sev...