PROLOUGE

24 0 0
                                    

"LOVE? Ano nga ba ang LOVE?

Love is the air.

Love is like a rosary. Full of mystery.

Love is chuchu bla bla. Hindi ba pwedeng...

Ang LOVE ay pag nakita mo yung taong akala mo para sayo talaga. Pero, bandang dulo both of you will just realize na hindi naman pala talaga kayo para sa isa't isa? Ang pait pakinggan pero, ayon ang katotohanang pagmamahal. You stick to each other but, you never know na di pala kayo pwede sa isa't isa."

"Bes ampait masyado. Baguhin mo naman tong essay na to." Reklamo ni Diana. Ang. Ginagawa ko kasi yung isang entry essay. You should describe anything kung saan papasok ang originality mo. Napaisip ako nun na bat hindi nalang love ang entry ko.

three years ago.

Nasa park ako ng subdivision namin. Halos puno ng bata ang park dahil fiesta. Ang cute nila pagmasda, ang saya tignan.

Napaupo ako sa swing. Actually, dapat tatawagin ko yung bestfriend ko na samahan ako dito kaso, napaisip ako na wag nalang ako nalang ang magsstay dito.

Gusto ko rin mapag-isa.

Biglang may lumapit na bata and he gave me a chocolate + calamari and may nakadikit na sticky note sa chocolate "Hi Ceres! I know its your favorite. From: swimmer"

"Thank you little kiddo." Sabi ko sa bata.

"Tska pasabi sa nagbigay nito thank you." Pahabol ko the kid just run. Sinundan ko siya ng tingin pero, nabigo ako. Akala ko pupunta siya dun sa nagbigay sakin. Pero, diretsyo swing siya.

Imposibleng hindi akin to. Pangalan ko yung nakalagay.

Nilibot ko ang tingin ko pero, wala akong makutuban kung kanino galing ito.

Kinain ko nalang yung calamari at umuwi na ako.

Pagpasok ko sa gate tumunog yung phone ko.

May nagtext.

"Hello, are you safe nung umuwi ka?

-swimmer" wait the heck. How did he know my phone number?

"Hey, how did you know my phone number? Tska sino ka ba talaga?"

"Hi I'm swimmer your one year secret admirer. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na kausapin and medyo kinakabahan ako na kausapin sa personal." One year? Swimmer?

"Swimmer? Is that your name?" Sabi ko.

"Nope. Swimmer lang muna ang gusto kong ipakilala sayo." Ang arte nito.

"Bat naman swimmer?" Pangungulit ko.

"Kasi, swimmer ka and nung una kitang napanuod noong training niyo at laban niyo sa school sobra akong namangha at doon kita nagustuhan."

"So kaschoolmate pala kita."

"Yes! :)"

Lumipas ang ilang linggo halos lagi niya ako tinetext pero, may time na hindi ako nagrereply sakanya kasi weird eh. Pag nasa school sinasabi niya sakin

"Smile ka naman. Ang lungkot mo."

"Wag kana mainis. Hindi bagay sayo."

So parang bawat kilos ko nakikita niya.

Pero, after two months nagpakilala siya sakin personally.

Yun yung nakita niya ako sa garden na umiiyak.

"Hi, wag kana umiyak." Sabi ng isang lalaki at abot sakin ng panyo.

"Thank you." Sabi ko at punas ng luha.

"Bakit ka ba umiiyak?" Sabi niya.

"Just because of my ex. Fuck him off." Sabi ko habang nakayuko.

"Si Paul ba yun? May ginawa ba siyang masama?" Kilala niya si Paul?

Ayy oo nga pala kilala pala yung relasyon namin dito sa campus dahil parehas kaming varsity ni Paul. Si Paul varsity ng basketball at ako swimming naman.

"Physical wala. Emotional oo sobrang lalim." Sabi ko. Di ko kilala yung guy na to pero lagi ko siyang nakikita dito sa school at alam kong matalino rin tong lalaki na to.

"Why?" Sabi niya.

"Its been six months simula ng nakipag break ako sakanya alam niyo naman siguro yun. Hindi na kasi nagiging maganda ang takbo ng relasyon namin. Lagi kaming nag aaway, di na kami nagkakasundo, wala na siyang oras sakin lagi niyang dahilan pagod sa training eh hindi lang naman siya ang pagod sa training ako rin naman tska, kahit kakatapos lang magtraining nagagawa niya akong itext noon. Pero, ayun nga sa isang araw biglang nagbago ang ikot ng mundo namin. Hanggang ayun sa nagsawa nako kakaaway ikaw pa naman na araw-araw kayo nag aaway yung tipong maliliit na bagay pag-aawayan niyo pa hindi ka ba magsasawa nun. Mahal ko pa naman siya. Sadyang we need some space nun kaya nakipaghiwalay na muna. Eh, nito mga araw nagssorry siya sakin. Bibigyan ko pa naman siya ng second chance pero, di naman agad-agad binibigay yun. Then, kanina pumunta ako ng gym kasi, may kukunin ako sa locker ko pero, I saw him. I saw him with Ellanie. Kissing." Sabi ko sabay hagulhol ng iyak.

Wala siyang sinabi sakin instead he just hug me. I feel so comfortable.

"Wait. Kanina pa kita kausap pero, I don't know your name." And I left a little laugh.

"Matagal mo na akong kausap. Two months na tayo nag-uusap." He said and smile a little. He feel so shy namumula siya.

"DON'T TELL ME IKAW SI----" di niya ako pinatapos.

"Yes. I am swimmer. Hi Ceres I'm Keanne Tyler Hansfield." And he lead his hands para makipagshakehands. Nakipag shakehands naman ako and drop a little smile."

Nakakamiss naman yung panahon kung paano ko siya nakilala, kung paano niya hinilom lahat ng sugat sa puso ko. Pero, di ko naman expected na dadating sa point na.... Mas malala pa pala ang ibibigay niyang sakit.

The Broken VowWhere stories live. Discover now