Chapter Ten

3 0 0
                                    


Lumipas ang mga araw na hindi napapansin ni Cheryl. Ang alam lang niya gumagabi at nag-uumaga. Gaano man niya sikaping ibalik ang dati niyang buhay ay nahihirapan siya. Alam niyang marami na ang nabago. Pwera lang ang damdamin niya. Aaminin niya hindi niya alam kung pano ang mag-move on. Ang hirap gawin. Lalo na naalala pa rin niya ang mga sinabi nito na hindi siya nito maaring mahalin dahil may mahal itong iba at hindi siya yon. Hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang sakit. Nakakangiti siya pero alam niyang may kulang.

Lahat ng gagawin niya ay nakaset na. Gumising sa umaaga, mag-interview sa mga bagong applicant na gustong magtrabaho sa HOT's. Ang HOT's ay ang bago nilang binuksan na tutorial school. HOT's stand for Hired Out-standing Teachers na magtuturo sa mga studyante na gustong mag-advance study.  They are hiring a good and a teacher that have passion in teaching. Kinikilatis niya lahat. Ayaw niyang mapahiya sa mga parent ng mga bata na tinuturaan nila.

"What are the professional qualities a teacher should possess? she ask.

"The teacher' task  requires that she possess a wild range of knowledge aside from having positive personality traits and professional qualities."

Napangiti siya sa naging sagot ng kaharap. Ngunit hindi niya iyon ipinakita dahil baka scripted na ang bawat sasaabihin nito.

"How do you view teaching?"

"For me teaching is an art and science. Art  because it calls for the excersise of talent such as creativity a nd resourcefulness to deal skillfully and promptly with new situations and difficulty and science because it involve a systematic and organized system of procedures, strategies, techniques and mental  skill in the attainment of knowledge and information that will equip the learners to a better quality of life.

Nagustuhan niya ang naging sagot nito. "Miss Lyssa Noveno right?"

"Yes Ma'am."

"Congratulation, your hired." sabi niya dito. Bakas sa mukha nito ang saya at tuwa.

"You can start tomorrow." Binigay niya dito ang address ng tuturuan nito. Napansin niyang parang natigilan Ito.

"Dont worry you'll be safe. We make sure that our teacher's here are in the right hand. We also check the background of our client." paniniyak niya.

Ngumiti ito sa kanya bago lumabas. Kinuha niya ang cellphone sa bag niya at may tinawagan.

"I already done. Pick me up."

She pressed the end button and arranged the papers in her table.

Napangiti siya nang makita niya kaagad ang kotse ni Sky. Naging close na nila ito dahil pinsan ito ni jhoy.

"Wow, hindi ka late ngayon ahh." biro niya.

"May dinaanan lang ako malapit dito." nakangiti nitong sagot. Napansin niya na may kakaibang kislap sa mata nito. Hindi na lang niya ito pinansin.

"May gagawin ka ba mamaya?" maya-maya'y tanong nito.

"Wala naman bakit?" 

"Wala kayong date ng mga kaibigan mo?"

"Hmm nag-aaya silang magbar." sabi niya na ikinapreno nito.

"What?" inis niyang tanong. Parang may sinasabi ito pero hindi naman niya maintindihan.

"No hindi pwede, baka mapahamak pa kayo, maraming manyakis sa mga bar."

She rolled her eyes. Umiral na naman ang pagiging kuya nito.

"Matanda na po kami and besides don naman kami pupunta sa Hapieness Bar, safe naman dun."

Kumalma naman ito at pinaandar ulit ang kotse. Nagpahatid siya sa Mansion house dahil doon sila magkikita ng mga kaibigan para sabay-sabay sila.

Captivate Attraction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon