The End

6 0 0
                                    

Magang-maga ang mata niya sa kakaiyak kagabi. Alam niyang alalang-alala ang kaibigan niya sa kanya.

Tinawagan niya ang mga ito.

"Hello Che, pumunta ka dito sa cafè nandito ang isa sa mga client ng HOT's nagrereklamo, gusto ka niyang makausap. Bilisan mo dahil kapag wala ka pa dito ng five minutes, I swear kakasuhan ka rin namin dahil nasira ang pangalan at reputasyon namin."

Magsasalita sana siya ng babaan siya ng tawag. Naiinis siya dahik hindi man lang siya tinanong kung anong nangyari sa kanya kagabi.

Malilintikan talaga sa kanya kung sino ang nagrereklamo. Doon niya ibubuhos ang lahat ng nararamdaman niyang sakit. Wala siyang pakialam kung kasuhan o makulong siya. Physicalan na!

Mabilis siyang naligo at nagsuot lang ng t-shirt at maong short na casual lang niyang suot. Wala siyang pakialam kung hindi ba siya kagalang-galang kung tingnan.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ng BestFriend cafè ay tahimik ang lahat. Ang mga kaibigan niya ay parang nalugi.

"Nasan siya?" agad niyang tanong sa mga kaibigan. Present lahat pati si Grey ay naroon at masama ang aura.

"Anong nangyari sa mga mata mo bakit maga?" si maricel na nasa boses ang pag-aalala.

Pinaningkitan lang niya ito at inulit ang tanong kanina.

"Nasan na yong taong nagrereklamo?"

"Don sa opisina ni happie naghihintay na bugbugin mo." si Grey na seryoso ang mukha.

"Panong-?" 

"Wag ka nang magtanong at malalaman mo rin ang sagot mamaya.  Tiningnan niya si glad.

"Bilisan mo at baka magwala iyon at magbayad pa kayo ng doble."

Pumasok naman siya at naabutan niya ang isang lalaki na nakaupo sa shevel chair at nakatalikod. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito.
Nanlaki ang mata niya nang humarap ito sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" seryosong tanong niya.

"Mag-rereklamo."

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Anong kalokohan na naman to Mr. Avidson-"

"Magrereklamo ako ng pagnanakaw laban sayo" putol nito sa sinasabi niya.

"What? Anong ninakaw ko?" Naguguluhan niyang tanong.

"Marami, first you stole my first kiss, second you stole another kiss from me, third you stole my peace of mind, fourth you stole my love and lastly you stole my heart that makes me lifeless."

Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Speechless siya.

"See this camera? My mom bought this in Greece, ang sabi daw sa kanya ng seller ang taong makukunan daw nito ng picture ay magsasama ng habang buhay." Ibinigay nito sa kanya ang camera na hawak nito.

"Anong gagawin ko dito?"

"Tingnan mo ang larawan na naandyan." Tiningnan naman niya. Iisa lang ang naroon na picture. Dalawang bata. Yong babae na humahalik sa pisngi ng isang batang lalaki. Binasa niya ang caption na nakasulat doon. "Captivate Attraction"

"Kilala mo ba ang batang babae sa larawan Cheryl?"

Pinagmasdan niya ng mabuti ang batang babae sa larawan. Siya iyon noong limang taong gulang pa lang siya. Tumango siya." Im the little girl in this picture." sabi niya.

"Yes tayo ang nasa larawan na naandyan. Hindi nabubura ang larawan naandyan hanggat hindi masayang nagkakasama ang nakunan ng camera na iyan."

Ngumiti siya ng mapait. "Kasinungalingan, hindi ako naniniwala, dahil kung talagang tayo ang itinakda, tayo at walang kinalaman ang camerang ito satin. Idenelete niya ang larawan pero naroon pa rin ito. Paulit-ulit niyang binura iyon pero hindi talaga mawala-wala.

Captivate Attraction (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon